Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 45:11-48

11 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol (A)sa aking mga anak, at tungkol (B)sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.

12 Aking ginawa ang lupa, at (C)nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at (D)sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.

13 Aking ibinangon (E)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (F)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (G)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (H)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (I)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (J)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (K)walang ibang Dios.

15 Katotohanang ikaw ay Dios (L)na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.

16 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan.

17 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.

18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon (M)na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.

19 Ako'y hindi nagsalita (N)ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: (O)akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, (P)ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.

20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong (Q)magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: (R)sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at (S)nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.

21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at (T)walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at (U)Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.

22 Kayo'y magsitingin sa akin, (V)at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.

23 (W)Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, (X)na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, (Y)bawa't dila ay susumpa.

24 Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.

25 Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati.

Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.

46 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay (Z)yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.

Sila'y yumuyukod, sila'y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma'y napapasok sa pagkabihag.

Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at (AA)lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, (AB)na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:

At hanggang sa katandaan ay (AC)ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.

Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?

Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, (AD)at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; (AE)sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.

Pinapasan nila siya sa balikat, (AF)dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: (AG)oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.

Inyong alalahanin ito, at (AH)mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.

Inyong alalahanin ang mga (AI)dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, (AJ)at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;

10 (AK)Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, (AL)Ang payo ko ay mananayo, (AM)at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:

11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit (AN)mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, (AO)aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:

13 Aking inilalapit ang (AP)aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay (AQ)hindi magluluwat: at aking ilalagay ang (AR)kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.

Ang hatol ng Panginoon sa Babilonia ay sinabi.

47 Ikaw ay bumaba, (AS)at umupo sa alabok, Oh (AT)anak na dalaga ng Babilonia; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan, Oh (AU)anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin.

Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato, (AV)at gumiling ka ng harina; magalis ka ng iyong lambong, maghubad ka ng balabal, (AW)maglitaw ka ng binti, tumawid ka sa mga ilog.

Ang iyong kahubaran ay malilitaw, oo, ang iyong kahihiyan ay makikita, (AX)ako'y manghihiganti, at hindi tatangi ng tao.

Ang aming Manunubos, (AY)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel.

Maupo kang tahimik, at masok ka sa kadiliman, Oh anak na babae ng mga Caldeo: (AZ)sapagka't hindi ka na tatawagin. Ang mahal na babae ng mga kaharian.

Ako'y napoot (BA)sa aking bayan, (BB)aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; (BC)sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang.

At iyong sinabi, Ako'y magiging mahal na babae magpakailan man: na anopa't hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban, o inalaala mo man (BD)ang huling wakas nito.

Ang kawalang bisa ng pagasa sa sarili.

Ngayon nga'y dinggin mo ito, ikaw na hinati sa mga kalayawan, na tumatahang matiwasay, na nagsasabi sa kaniyang puso, (BE)Ako nga, at walang iba liban sa akin; (BF)hindi ako uupong gaya ng babaing bao, o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak:

Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, (BG)sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.

10 Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin.

11 Kaya't ang kasamaan ay darating sa iyo; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon: at kasakunaan ay sasapit sa iyo; hindi mo maaalis: at kagibaan ay darating sa iyong bigla, na hindi mo nalalaman.

12 (BH)Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka.

13 Ikaw ay yamot (BI)sa karamihan ng iyong mga payo: (BJ)magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo.

14 Narito, sila'y magiging (BK)gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap.

15 Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo, na iyong ginawa: (BL)silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa't isa ng kaniyang sariling lakad; walang magliligtas sa iyo.

Pinagsalitaan ang Israel dahil sa di pagtatapat.

48 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, (BM)at nagsilabas sa bukal ng Juda; (BN)na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng (BO)Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.

(Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala (BP)sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan):

(BQ)Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.

Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay (BR)mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso:

Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: (BS)baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila.

Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman.

Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman.

Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang (BT)mula sa bahay-bata.

Dahil (BU)sa aking pangalan ay (BV)aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay.

10 Narito dinalisay (BW)kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa (BX)hurno ng kadalamhatian.

11 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; (BY)sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? (BZ)at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.

Efeso 4:1-16

Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,

Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.

May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;

Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,

(J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

Datapuwa't (L)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Kaya't sinasabi niya,

(M)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.

(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (N)mga dakong kalaliman ng lupa?

10 Ang bumaba ay siya rin namang (O)umakyat (P)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (Q)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)

11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (R)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (S)evangelista; at ang mga iba'y (T)pastor at (U)mga guro;

12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (V)ng katawan ni Cristo:

13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (W)kapuspusan ni Cristo:

14 Upang tayo'y huwag nang maging (X)mga bata pa, (Y)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (Z)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;

16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (AA)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.

Mga Awit 68:19-35

19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan,
Sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)
20 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan;
At (A)kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan.
21 (B)Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway.
Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala.
22 Sinabi ng Panginoon, (C)Ibabalik ko uli mula sa Basan,
Ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat:
23 (D)Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo,
(E)Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway.
24 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios,
Sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario.
25 (F)Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod,
(G)Sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta.
26 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng (H)lahi ng Israel.
27 Doo'y (I)ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno,
Ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong,
Ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.
28 Ang Dios mo'y (J)nagutos ng iyong kalakasan:
Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
29 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem
(K)Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo.
30 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo,
Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan,
Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak;
Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma.
31 Mga pangulo ay (L)magsisilabas sa Egipto;
Magmamadali ang (M)Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios.
32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33 Sa kaniya na (N)sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34 Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35 Oh Dios, ikaw ay (O)kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.

Mga Kawikaan 24:3-4

(A)Sa karunungan ay natatayo ang bahay;
At sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.
At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid,
Ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978