Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 30:12-33:9

12 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan:

13 Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y (A)gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali.

14 At yao'y (B)kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon.

15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, (C)Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; (D)sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. (E)At hindi ninyo inibig.

16 Kundi inyong sinabi, Hindi, (F)sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi.

17 Isang libo (G)ay tatakas sa saway ng isa; sa saway ng lima ay tatakas kayo: hanggang sa kayo'y maiwang parang isang palatandaan sa taluktok ng bundok, at (H)gaya ng isang watawat sa isang burol.

Sa matiyagang paghihintay sa biyaya ng Panginoon lamang matatamo ang kasaganaan.

18 (I)At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't (J)mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; (K)mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.

19 Sapagka't ang bayan ay (L)tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya.

20 At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng (M)tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang (N)iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:

21 At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.

22 At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: (O)iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka.

23 At Siya ay magbibigay ng ulan sa iyong binhi, na iyong hahasikan ang lupa; at ng pagkaing bunga ng lupa, at magiging mataba at sagana. Sa araw na yaon ay manginginain ang iyong mga hayop sa mga malaking pastulan.

24 Ang mga baka at gayon din ang mga guyang asno na bumubukid ng lupa ay magsisikain ng may lasang pagkain, na pinahanginan ng pala at hunkoy.

25 At magkakaroon ng mga ilog at mga balon ng tubig (P)sa lahat na mataas na bundok, at sa lahat na matayog na burol, sa araw ng malaking patayan, pagka ang mga moog ay nabubuwal.

26 Bukod dito'y (Q)ang liwanag ng buwan ay magiging gaya ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magpipito, na gaya ng liwanag ng pitong araw, sa araw na talian ng Panginoon ang sugat ng kaniyang bayan, at pagalingin ang bugbog na kanilang sugat.

27 Narito, ang pangalan ng Panginoon ay magmumula sa malayo, na nagniningas ng kaniyang galit, at nasa umiilanglang na salimuot na usok: ang kaniyang mga labi ay puno ng pagkagalit, at ang kaniyang dila ay gaya ng mamumugnaw na apoy:

28 At ang (R)kaniyang hinga ay gaya ng (S)umaapaw na ilog, na umaabot hanggang sa leeg, upang igigin ang mga bansa ng pangigig na pangsira; at isang paningkaw na nakapagpapaligaw (T)ay malalagay sa mga panga ng mga bayan.

29 Kayo'y mangagkakaroon ng awit na gaya ng sa gabi pagka ang banal na kapistahan ay ipinagdidiwang; at kasayahan ng puso, na gaya ng yumayaon na (U)may plauta upang masok (V)sa bundok ng Panginoon, (W)sa malaking Bato ng Israel.

30 At iparirinig ng Panginoon ang kaniyang maluwalhating tinig, at ipakikilala ang pagbabaka ng kaniyang bisig, na may pagkagalit ng kaniyang galit, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy, na may bugso ng ulan, at bagyo, at granizo,

31 Sapagka't sa pamamagitan ng tinig ng Panginoon ay mangagkakawatakwatak ang (X)taga Asiria, na nananakit ng pamalo.

32 At bawa't hampas ng takdang tungkod, na ibabagsak ng Panginoon sa kaniya, mangyayaring may mga pandereta at may mga alpa; at sa mga pakikipagbakang may (Y)pagkayanig ay makikipaglaban siya sa kanila,

33 Sapagka't ang (Z)Topheth ay handa nang malaon; oo, sa ganang hari ay inihanda; kaniyang pinalalim at pinalaki: ang bunton niyaon ay apoy at maraming kahoy: ang hinga ng Panginoon na gaya ng bugso ng azufre, ay nagpapaningas ng apoy.

Hindi ang Egipto, kundi ang Panginoon ang makatutulong.

31 Sa aba nila na (AA)nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at (AB)nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!

Gayon ma'y siya'y pantas, at magdadala ng kasamaan, at (AC)hindi iuurong ang kaniyang mga salita, kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan, at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan.

Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, (AD)Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: (AE)gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.

Gaya ng mga ibong nagsisilipad (AF)gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem; yao'y (AG)kaniyang aampunin at ililigtas, siya'y daraan at iingatan niya,

Kayo'y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan (AH)lubha, Oh mga anak ni Israel.

Sapagka't sa araw na yaon ay (AI)itatapon ng bawa't tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak, at ang kaniyang mga diosdiosang ginto, na ginawa ng inyong sariling mga kamay, sa ganang inyo ay naging kasalanan,

Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria (AJ)sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis.

At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan, dahil sa kakilabutan, at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak (AK)sa watawat, sabi ng Panginoon, na ang kaniyang apoy ay nasa Sion, at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem.

Ang paghahari ng matuwid na hari.

32 Narito, isang hari ay maghahari (AL)sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.

At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at (AM)kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang (AN)lupain.

At (AO)ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.

Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga (AP)utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.

Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.

Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.

Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.

Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.

Ang mga babae ay binalaan.

(AQ)Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.

10 Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.

11 Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.

12 Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.

13 Sa lupain ng aking bayan ay (AR)tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:

14 Sapagka't ang bahay-hari (AS)ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;

15 (AT)Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang (AU)ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.

16 Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.

17 At ang gawain ng katuwiran (AV)ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.

18 At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.

19 Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.

20 Mapapalad kayo (AW)na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng (AX)baka at ng asno.

Kapayapaan ay hahalili sa pagkagiba ng kaaway. Ang katatagan ng matuwid.

33 Sa aba mo na (AY)sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! (AZ)Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.

Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay (BA)ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.

Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat (BB)ang mga bansa.

At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.

Ang Panginoon ay nahayag; (BC)sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.

At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.

Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; (BD)ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.

Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay (BE)naglilikat: (BF)kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.

Ang lupain ay nananangis at nahahapis: (BG)ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang (BH)Saron ay gaya ng isang ilang; at ang (BI)Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.

Galacia 5:1-12

Sa (A)kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli (B)sa pamatok ng pagkaalipin.

Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, (C)na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.

Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, (D)na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.

Kayo'y hiwalay kay Cristo, (E)kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula (F)sa biyaya.

Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay (G)naghihintay ng pangako ng katuwiran.

Sapagka't (H)kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; (I)kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.

Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; (J)sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?

Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula (K)doon sa tumawag sa inyo.

Ang kaunting lebadura ay (L)nagpapakumbo sa buong limpak.

10 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't (M)ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.

11 Nguni't ako, mga kapatid, (N)kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, (O)bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos (P)na ang katitisuran sa krus.

12 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng (Q)higit sa pagtutuli.

Mga Awit 63

(A)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.

63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (B)maaga:
Kinauuhawan ka (C)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (D)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
(E)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
Sa gayo'y pupurihin (F)kita habang ako'y nabubuhay:
(G)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
Pagka (H)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
Sapagka't naging katulong kita,
At (I)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (J)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (K)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (L)luluwalhati;
Sapagka't (M)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.

Mga Kawikaan 23:22

22 (A)Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka,
At huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978