The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.
Ang kasintahang babae ay nagsalita sa mga anak na babae ng Jerusalem.
1 Ang awit ng mga awit, (A)na kay Salomon.
2 Hagkan niya ako ng mga halik ng kaniyang bibig:
(B)Sapagka't ang iyong pagsinta ay maigi kay sa alak.
3 Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy;
Ang (C)iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos;
Kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.
4 Batakin mo ako, tatakbo kaming kasunod mo:
(D)Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga silid:
Kami ay matutuwa at magagalak sa iyo.
Aming babanggitin ang iyong pagsinta ng higit kay sa alak:
Matuwid ang pagsinta nila sa iyo.
5 Ako'y maitim, nguni't kahalihalina,
Oh kayong mga anak na babae ng Jerusalem,
Gaya ng mga (E)tolda sa (F)Cedar,
Gaya ng mga tabing ni Salomon.
6 Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi,
Sapagka't sinunog ako ng araw.
Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin,
Kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan;
Nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
7 Saysayin mo sa akin, ikaw na sinisinta ng aking kaluluwa,
Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan,
Kung saan mo pinagpapahinga sa katanghaliang tapat:
Sapagka't bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan
Sa siping ng mga kawan ng iyong mga kasama?
8 Kung hindi mo nalalaman, (G)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae,
Yumaon kang sumunod sa mga bakas ng kawan,
At pastulan mo ang iyong mga anak ng kambing sa siping ng mga tolda ng mga pastor.
Paguusap ng magkasuyo.
9 Aking itinulad ka, Oh aking (H)sinta,
Sa isang (I)kabayo sa mga karo ni Faraon.
10 Pinagaganda (J)ang iyong mga pisngi ng mga tirintas ng buhok,
Ang iyong leeg ng mga kuwintas na hiyas.
11 Igagawa ka namin ng mga kuwintas na ginto
Na may mga kabit na pilak.
12 Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang,
Ang aking (K)nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango.
13 Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin,
Na humihilig sa pagitan ng aking mga suso.
14 Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin
Sa mga ubasan ng En-gadi.
15 Narito, ikaw ay (L)maganda, sinta ko,
Narito, ikaw ay maganda;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.
16 Narito, ikaw ay maganda sinisinta ko, oo, maligaya:
Ang ating higaan naman ay lungtian.
17 Ang mga kilo ng ating bahay ay mga sedro,
At ang kaniyang mga bubong ay mga sipres.
Pangungusap ng magkasuyong babae at lalake.
2 Ako'y (M)rosa ng Saron, Lila ng mga libis.
2 Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik,
Gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3 Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat,
Gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake.
Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran.
(N)At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan,
At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5 Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas:
Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
6 Ang kaniyang kaliwang kamay (O)ay nasa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7 Pinagbibilinan ko kayo, (P)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta,
Hanggang sa ibigin niya.
8 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating,
Na lumulukso sa mga bundok,
Lumulundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta (Q)ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod,
Siya'y sumusungaw sa mga dungawan,
Siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
(R)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan;
Ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating,
At ang tinig ng (S)batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas (T)ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
(U)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato,
Sa puwang ng matarik na dako,
Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
(V)Iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15 Hulihin ninyo para sa atin (W)ang mga sora, ang mga munting sora
Na naninira ng mga ubasan;
Sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16 Ang sinta ko ay akin, (X)at ako ay kaniya:
(Y)Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17 Hanggang sa ang araw ay lumamig, (Z)at ang mga lilim ay mawala,
Pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay (AA)maging gaya ng usa o ng batang usa
Sa mga bundok ng Bether.
Sila ay naghanapan at nagkita.
3 Sa kinagabihan sa aking higaan,
Ay (AB)hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
2 Aking sinabi, Ako'y babangon at liligid sa bayan,
Sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan,
Aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
3 (AC)Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako:
Na siya kong pinagsabihan, Nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?
4 Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila.
Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa:
Pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis,
Hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina,
At sa silid niya na naglihi sa akin.
5 (AD)Pinagbibilinan ko kayo, (AE)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta,
Hanggang sa ibigin niya.
6 Sino (AF)itong umaahong mula sa ilang
Na (AG)gaya ng mga haliging usok,
Na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan,
Ng lahat na blanquete ng mangangalakal?
Ang pangkasalang pagdating.
7 Narito, ito ang arag-arag ni Salomon;
Anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito,
Sa mga makapangyarihang lalake ng Israel.
8 Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma:
Bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi,
Dahil sa takot kung gabi.
9 Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin
Na kahoy sa Libano,
10 Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak,
Ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube,
Ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta,
Na mula sa mga (AH)anak na babae ng Jerusalem.
11 Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon,
Na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina,
(AI)Sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa,
At sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.
Papuri sa kasintahang babae sa handaan.
4 Narito, ikaw ay (AJ)maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong (AK)lambong:
Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng (AL)Galaad.
2 Ang iyong mga ngipin ay (AM)gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit,
Na nagsiahong mula sa pagpaligo,
Na bawa't isa'y may anak na kambal,
At walang baog sa kanila.
3 Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula,
At ang iyong bibig ay kahalihalina:
(AN)Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng (AO)granada.
Sa likod ng iyong lambong.
4 Ang iyong leeg ay (AP)gaya ng moog ni David
Na itinayo na pinaka sakbatan,
Na kinabibitinan ng (AQ)libong kalasag,
Ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake.
5 (AR)Ang iyong dalawang suso ay (AS)gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal ng isang inahin,
Na (AT)nagsisisabsab sa gitna ng mga lila.
6 Hanggang sa ang araw ay (AU)lumamig at ang mga lilim ay tumakas,
Ako'y paroroon sa bundok ng (AV)mira,
At sa burol ng kamangyan.
Sagot ng kasintahang babae at lalake.
7 Ikaw ay totoong maganda, sinta ko;
(AW)At walang kapintasan sa iyo.
8 Sumama ka sa akin mula sa (AX)Libano, kasintahan ko,
Na kasama ko mula sa Libano:
Tumanaw ka mula sa taluktok ng Amana,
Mula sa taluktok ng Senir at (AY)ng Hermon,
Mula sa mga yungib ng mga leon,
Mula sa mga bundok ng mga (AZ)leopardo.
9 Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko,
Iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata,
Ng isang kuwintas ng iyong leeg.
10 Pagkaganda ng iyong pagsinta, (BA)kapatid ko, kasintahan ko!
(BB)Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak!
At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sarisaring pabango!
11 Ang iyong mga labi, Oh kasintahan ko, na nagsisitulo (BC)na gaya ng pulot-pukyutan:
(BD)Pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila;
At ang amoy ng iyong mga suot ay (BE)gaya ng amoy ng Libano.
12 Halamanang nababakuran ang kapatid ko, ang kasintahan ko;
Bukal na nababakuran, balon na natatakpan.
13 Ang iyong mga pananim ay halamanan ng mga (BF)granada, na may mahalagang mga bunga;
Albena sangpu ng mga pananim na (BG)nardo,
14 Nardo at azafran,
(BH)Calamo at kanela, sangpu ng lahat na punong kahoy na (BI)kamangyan;
Mira at mga eloe, sangpu ng lahat na pinakamainam na especia.
15 Ikaw ay bukal ng mga halamanan,
(BJ)Balon ng mga buhay na tubig,
At mga balong na tubig na mula sa Libano.
16 Gumising ka, Oh hilagaang hangin; at parito ka, ikaw na timugan;
Humihip ka sa aking halamanan, upang ang mga bango niya'y sumalimuoy.
(BK)Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan,
At kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga.
16 Datapuwa't salamat sa Dios, na naglalagay sa puso ni Tito niyaong masikap na pagiingat sa inyo.
17 Sapagka't tunay na tinanggap niya (A)ang aming pamanhik, nguni't palibhasa'y lubha siyang masikap, ay napariyan sa inyo sa kaniyang sariling kalooban.
18 At sinugo naming kasama niya (B)ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa (C)lahat ng mga iglesia;
19 At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang (D)inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito, na pinangangasiwaan namin (E)sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipamalas ang aming sikap:
20 Na iniilagan ito, na sinoma'y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na ito na aming pinangangasiwaan:
21 Sapagka't iniisip namin ang mga bagay na (F)kapuripuri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi naman sa paningin ng mga tao.
22 At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid, na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa't ngayon ay lalo nang masikap, (G)dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo.
23 Kung may magsiyasat tungkol kay Tito, siya'y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo; o sa (H)aming mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga iglesia, at kaluwalhatian ni Cristo.
24 Inyo ngang ipakita sa kanila (I)sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng (J)inyong pagibig, at ng (K)aming pagmamapuri dahil sa inyo.
Ang Panginoon ang hahatol sa matuwid at sa masama. (A)Awit ni Asaph.
50 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita,
At tinawag ang lupa (B)mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon.
2 Mula sa Sion na (C)kasakdalan ng kagandahan,
(D)Sumilang ang Dios.
3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik;
(E)Isang apoy na mamumugnaw sa harap niya,
At magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
4 (F)Siya'y tatawag sa langit sa itaas,
At sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5 Pisanin mo ang (G)aking mga banal sa akin;
(H)Yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.
6 At (I)ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran;
Sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)
7 (J)Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita;
Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo:
(K)Ako'y Dios, iyong Dios.
8 (L)Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain;
At ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko.
9 (M)Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay,
Ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan.
10 Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin,
At ang hayop sa libong burol.
11 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok:
At (N)ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin.
12 Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo:
(O)Sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito.
13 Kakanin ko ba ang laman ng mga toro,
O iinumin ang dugo ng mga kambing?
14 (P)Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat:
At (Q)tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:
15 At (R)tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan;
Ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
16 Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios,
Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan,
At iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig?
17 Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo,
At iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.
18 Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya,
At naging kabahagi ka ng mga mapangalunya.
19 Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan,
At ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.
20 Ikaw ay nauupo, at (S)nagsasalita laban sa iyong kapatid;
Iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina.
21 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, (T)at ako'y tumahimik;
Iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo:
Nguni't sasawayin kita, at (U)aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata.
22 Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios,
Baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:
23 (V)Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin;
At sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap
Aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978