The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
Awit ng pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kalinga.
25 Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't (A)ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan.
2 Sapagka't iyong (B)pinapaging isang bunton ang isang bayan, ang bayang matibay ay pinapaging isang guho: ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan; hindi matatayo kailan man.
3 Kaya't (C)luluwalhatiin ka ng matibay na bayan, ang (D)bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo.
4 Sapagka't ikaw ay naging (E)ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, (F)silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta.
5 Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, matitigil ang awit ng mga kakilakilabot.
6 At (G)sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang (H)kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala.
7 At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at (I)ang lambong na naladlad sa lahat na bansa.
8 Sinakmal niya ang kamatayan (J)magpakailan man; at (K)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.
9 At sasabihin (L)sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin (M)siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, (N)tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.
10 Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang (O)Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.
11 At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon, gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy: at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay.
12 At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay (P)kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok.
Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.
26 Sa araw na (Q)yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; (R)kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.
2 Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, (S)upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.
3 Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.
4 Magsitiwala kayo sa Panginoon (T)magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
5 Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: (U)kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.
6 Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.
7 Ang daan ng ganap ay katuwiran: (V)ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.
8 Oo, (W)sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: (X)sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.
9 Ninasa (Y)kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.
10 Magpakita man ng awa sa masama, (Z)hindi rin siya matututo ng katuwiran; (AA)sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.
11 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.
12 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang (AB)gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.
13 Oh Panginoon naming Dios, (AC)ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't (AD)ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.
14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, (AE)at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.
15 (AF)Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.
16 Panginoon, (AG)sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.
17 Gaya (AH)ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.
18 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man (AI)ang mga nananahan sa sanglibutan.
19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. (AJ)Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.
20 Ikaw ay parito, bayan ko, (AK)pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;
21 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas (AL)mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.
Ang ubasan ng Panginoon.
27 (AM)Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak (AN)ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin (AO)ang buwaya na nasa dagat.
2 Sa araw na yaon: (AP)Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang (AQ)ubasang pinagkunan ng alak.
3 Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin (AR)tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.
4 Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung (AS)makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.
5 O manghawak sana siya sa (AT)aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.
6 Sa mga araw na darating ay (AU)maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.
7 Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya?
8 Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin.
9 Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang (AV)ang mga Asera at ang mga larawang araw ay hindi na matatayo.
10 Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang (AW)pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.
11 Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: (AX)sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa (AY)sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.
12 At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos (AZ)ng ilog (BA)hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.
13 At mangyayari sa araw na yaon, (BB)na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at (BC)silang mga tapon sa lupain ng Egipto; (BD)at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.
Ang Jerusalem ay hinatulang magiba ng Panginoon.
28 Sa aba (BE)ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim, at (BF)ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak!
2 Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo (BG)parang bagyo ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.
3 Ang putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim ay mayayapakan ng paa:
4 At ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis, magiging gaya ng maagang hinog na bunga ng igos bago magtaginit; na kung nakikita ng tumitingin, samantalang na sa kaniyang kamay pa, kinakain na niya.
5 Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo, at pinakadiadema ng kagandahan, sa nalabi sa kaniyang bayan;
6 At pinaka diwa ng kahatulan sa kaniya na nauupo sa kahatulan, at pinakalakas sa kanila na umuurong sa pakikipagbaka (BH)hanggang sa pintuang-daan.
7 Gayon man ang mga ito ay (BI)gumigiray dahil sa alak, at (BJ)dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; (BK)ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.
8 Sapagka't lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ng karumihan, na anopa't walang dakong malinis.
9 Kanino siya magtuturo ng kaalaman? (BL)at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso?
10 Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti.
11 Hindi, kundi (BM)sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito.
12 Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan.
13 Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli.
10 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan (A)ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, (B)Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.
11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap (C)sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, (D)Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.
12 At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, (E)Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.
13 Sa sumpa ng kautusan ay (F)tinubos tayo ni (G)Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, (H)Sinusumpa ang bawa't (I)binibitay sa punong kahoy:
14 Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin (J)ang pangako ng Espiritu.
15 Mga kapatid, nagsasalita ako (K)ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang (L)pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.
16 Ngayon (M)kay Abraham nga (N)sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, (O)At sa iyong binhi, na si Cristo.
17 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan (P)ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't (Q)upang pawalang kabuluhan ang pangako
18 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
19 Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? (R)Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, (S)hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y (T)iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay (U)ng isang tagapamagitan.
20 Ngayon (V)ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.
21 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.
22 (W)Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang (X)lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.
Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.
61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(A)Matibay na moog sa kaaway.
4 (B)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 (C)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (D)at katotohanan, upang mapalagi siya.
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(E)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978