Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 6-7

Ang pangitain ni Isaias, at pagkasugo.

(A)Noong taong mamatay ang haring (B)Uzzias ay (C)nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.

Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may (D)anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at (E)may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.

At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, (F)Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.

At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at (G)ang bahay ay napuno ng usok.

(H)Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't (I)nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.

Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit (J)mula sa dambana:

At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.

At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.

At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, (K)Inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.

10 Patabain mo ang puso (L)ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling.

11 Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba,

12 At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain.

13 At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na (M)lahi ay siyang puno niyaon.

Si Rezin at si Peca ay bumaka sa Jerusalem.

At nangyari, nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham, anak ni Uzzias, na hari sa Juda, na si (N)Rezin na hari sa Siria, at si Peca na anak ni Remalias, hari sa Israel, ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon; nguni't hindi nanganaig laban doon.

At nasaysay sa sangbahayan ni David, na sinasabi, Ang Siria ay nalakip sa Ephraim. At ang puso niya'y nakilos, at ang puso ng kaniyang bayan na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin.

Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Isaias, Lumabas ka na iyong salubungin si Achaz, ikaw, at si Sear-jasub na iyong anak, (O)sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas, sa lansangan ng parang ng nagpapaputi ng kayo;

At sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay magingat, at tumahimik ka; huwag kang matakot, o manglupaypay man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok, ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria, at ng (P)anak ni Remalias.

Dahil sa ang Siria ay pumayo ng masama laban sa iyo, ang Ephraim din naman, at ang anak ni Remalias, na nagsasabi,

Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating bagabagin, at ating papasukin sila, at tayo'y maglagay ng hari sa gitna niyaon, sa makatuwid baga'y ang anak ni Tabeel:

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Hindi matatayo o mangyayari man.

Sapagka't (Q)ang pangulo ng Siria (R)ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at (S)sa loob ng anim na pu't limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan:

At ang pangulo ng Ephraim ay ang (T)Samaria, at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayo'y hindi maniniwala, tunay na hindi kayo mangatatatag.

Ang batang Emmanuel.

10 At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz, na nagsasabi,

11 Humingi ka sa ganang iyo ng (U)tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging (V)sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas.

12 Nguni't sinabi ni Achaz, (W)Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon.

13 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh (X)sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios?

14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; (Y)narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na (Z)Emmanuel.

15 Siya'y (AA)kakain ng mantekilla at pulot, (AB)pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.

16 Sapagka't bago (AC)maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain (AD)ng dalawang haring iyong kinayayamutan.

17 Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo, at sa iyong bayan, at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang (AE)Ephraim sa Juda; sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria.

18 At mangyayari sa araw na yaon, na (AF)susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.

19 At sila'y magsisidating, at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis, at sa mga bitak ng malalaking bato, at sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal.

20 Sa araw na yaon ay (AG)aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa, ng pangahit na inupahan, ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog, ang hari sa Asiria: at aalisin din ang balbas.

21 At mangyayari sa araw na yaon, na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka, at ng dalawang tupa;

22 At mangyayari, na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla: sapagka't ang bawa't isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot.

23 At mangyayari sa araw na yaon, na ang bawa't dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan.

24 Paroroon ang isa na may mga pana at may busog; sapagka't ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan.

25 At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol, hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; (AH)kundi magiging pagalaan sa mga baka, (AI)at yurakan ng mga tupa.

2 Corinto 11:16-33

16 Muling sinasabi ko, (A)Huwag isipin ng sinoman na ako'y mangmang; nguni't kung gayon, gayon ma'y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang, upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti.

17 Ang ipinangungusap ko ay (B)hindi ko ipinangungusap ayon sa Panginoon, kundi gaya ng sa kamangmangan, sa pagkakatiwalang ito sa pagmamapuri.

18 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y magmamapuri.

19 Sapagka't pinagtitiisan ninyo na (C)may kasayahan ang mga mangmang, palibhasa'y marurunong kayo.

20 Sapagka't inyong pinagtitiisan ang sinoman, (D)kung kayo'y inaalipin, kung kayo'y sinasakmal, kung kayo'y binibihag, kung siya'y nagpapalalo, kung kayo'y sinasampal sa mukha.

21 Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan, na wari ay naging mahina kami. Nguni't kung ang sinoman ay matapang sa anoman (nangungusap ako sa kamangmangan), ako'y matapang din naman.

22 Sila baga'y mga Hebreo? (E)ako man. Sila baga'y mga (F)Israelita? ako man. Sila baga'y binhi ni Abraham? ako man.

23 Sila baga'y mga (G)ministro ni Cristo? (ako'y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; (H)sa pagpapagal ako'y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, (I)sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.

24 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.

25 Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, (J)minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat;

26 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga (K)kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga (L)kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban (M)sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga (N)bulaang kapatid;

27 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.

28 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang (O)kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia.

29 Sino ang nanghina, (P)at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam?

30 Kung kinakailangang ako'y magmapuri, (Q)ako'y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan.

31 (R)Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling.

32 Sa Damasco ay binantayan (S)ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco, upang ako'y hulihin:

33 At sa isang dungawan, ay napahugos ako sa kuta, sa isang balaong, at ako'y nakatanan sa kanilang mga kamay.

Mga Awit 54

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David: nang ang mga (A)Zipheo ay dumating at magsabi kay Saul, Hindi ba nagtatago si David doon sa amin?

54 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan.
At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.
Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
Pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
Sapagka't (B)ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin,
At ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)
Narito, ang Dios ay aking katulong:
(C)Ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.
Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway:
(D)Gibain mo sila sa iyong katotohanan.
(E)Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog:
Ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, (F)sapagka't mabuti.
Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan;
(G)At nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.

Mga Kawikaan 23:1-3

Iba't ibang aral at paalaala.

23 Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo,
Kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo;
At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan,
Kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain;
Yamang mga marayang pagkain.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978