The Daily Audio Bible
Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.
Ang pagpapalaki sa Sion.
54 Umawit ka, (A)Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka't higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng (B)may asawa, sabi ng Panginoon.
2 Iyong palakhin ang dako (C)ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.
3 Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; (D)at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.
4 Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa.
5 Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay (E)iyong asawa; ang (F)Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay (G)iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.
6 Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang (H)asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.
7 Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan (I)kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan.
8 Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; (J)nguni't kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.
9 Sapagka't ito ay (K)parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo.
10 Sapagka't ang mga bundok ay (L)mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o (M)ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
Ang lumalaking pagibig ng Panginoon sa Sion.
11 Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang (N)iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro.
12 At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan, at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan, at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan.
13 At lahat mong anak ay (O)tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak.
14 Sa katuwiran ay matatatag ka: ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka't yao'y hindi mo katatakutan; at sa kakilabutan, sapagka't hindi lalapit sa iyo.
15 Narito, sila'y magkakapisan, nguni't (P)hindi sa pamamagitan ko: sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo.
16 Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga, at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol.
17 Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at (Q)bawa't dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, (R)at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon.
Ang walang bayad na kahabagan sa lahat.
55 Oh lahat (S)na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas (T)ng walang salapi at walang bayad.
2 (U)Ano't kayo'y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan.
3 Inyong ikiling ang inyong tainga, at (V)magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y (W)makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay (X)na mga kaawaan ni David.
4 Narito, ibinigay ko siya na (Y)pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan.
5 Narito, ikaw ay tatawag ng bansa (Z)na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; (AA)sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
6 (AB)Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:
7 Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't (AC)siya'y magpapatawad ng sagana.
8 Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.
9 Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas (AD)kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
10 Sapagka't (AE)kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng (AF)binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain;
11 Magiging gayon ang aking salita (AG)na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.
12 Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay (AH)magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat (AI)na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.
13 Kahalili ng (AJ)tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging (AK)pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam.
Ang kabanalan ng pagiingat ng sabbath.
56 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagingat ng kahatulan, at magsigawa ng katuwiran; (AL)sapagka't ang aking pagliligtas ay malapit nang darating, at ang aking katuwiran ay mahahayag.
2 Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; (AM)na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan.
3 (AN)At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa, na nalakip sa Panginoon, na magsasabi, Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan; at huwag ding magsabi ang bating, Narito, ako'y (AO)punong kahoy na tuyo.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath, at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin, at nagiingat ng aking tipan:
5 Sila'y bibigyan ko sa (AP)aking bahay at sa loob ng aking mga kuta, ng alaala (AQ)at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan, na hindi mapaparam.
6 Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan;
7 Sila ay dadalhin ko (AR)sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: (AS)ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; (AT)sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa (AU)lahat ng mga bayan.
8 Ang Panginoong Dios (AV)na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, (AW)Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya, bukod sa kaniyang sarili na nangapisan.
Ang mga masasamang pinuno ay pinagwikaan.
9 Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y magsiparitong lumamon, oo, kayong lahat na mga hayop sa gubat.
10 Ang kaniyang mga (AX)bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; (AY)silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip.
11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga (AZ)pastor na hindi nangakakaunawa: (BA)sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.
12 Kayo'y magsiparito, sabi nila, ako'y magdadala ng alak, at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin; (BB)at bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakilang araw, na walang kapantay.
Makaidolatria na ugali ng Israel.
57 Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.
2 Siya'y nanasok sa kapayapaan; sila'y nagpapahinga sa (BC)kanilang mga higaan bawa't lumalakad sa kaniyang katuwiran.
3 Nguni't magsilapit kayo rito, kayong mga anak ng babaing manghuhula, na lahi ng mangangalunya at ng patutot.
4 Laban kanino nakipagaglahian kayo? laban kanino nagluluwang kayo ng bibig, at naglalawit ng dila? hindi baga kayo mga anak ng pagsalangsang, (BD)lahing sinungaling,
5 Kayong mga nangagaalab (BE)sa inyong sarili sa gitna ng mga encina, (BF)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy; na (BG)pumapatay ng mga anak sa mga libis, sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?
6 Nasa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi; sila, sila ang iyong bahagi; sa kanila ka nga nagbuhos ng inuming handog, ikaw ay naghandog ng alay. Matatahimik baga ako sa mga bagay na ito?
7 Sa isang mataas (BH)at matayog na bundok ay inilagay mo ang (BI)iyong higaan; doon ka naman sumampa upang maghandog ng hain.
8 At sa likod ng mga pintuan at ng mga tukod ay itinaas mo ang iyong alaala: sapagka't ikaw ay nagpakahubad (BJ)sa iba kay sa akin, at ikaw ay sumampa; iyong pinalaki ang iyong higaan, at nakipagtipan ka sa kanila: (BK)iyong inibig ang kanilang higaan saan mo man makita.
9 At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.
10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, (BL)Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.
Ang pagpapakababa at pagtitiis ng Panginoon.
11 At (BM)kanino ka nangilabot at natakot, (BN)na ikaw ay nagsisinungaling, at hindi mo ako inalaala, o dinamdam mo man? (BO)hindi baga ako tumahimik na malaong panahon, at hindi mo ako kinatatakutan.
12 Aking ipahahayag ang iyong katuwiran; at tungkol sa iyong mga gawa, ang mga yaong hindi makikinabang sa iyo.
13 Pagka ikaw ay humihiyaw, iligtas ka nila na iyong pinisan; nguni't tatangayin sila ng hangin, isang hinga ay tatangay sa kanila: (BP)nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa akin ay (BQ)magaari ng lupain, at magmamana ng aking banal na (BR)bundok.
14 At kaniyang sasabihin, (BS)Inyong patagin, inyong patagin, inyong ihanda ang lansangan, inyong alisin ang katitisuran sa lansangan ng aking bayan.
6 Mga anak, (A)magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.
2 Igalang mo ang iyong ama (B)at ina (na siyang unang utos na may pangako),
3 Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.
4 At, (C)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (D)inyong turuan sila ayon sa saway at (E)aral ng Panginoon.
5 Mga alipin, (F)magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, (G)na may takot at panginginig, sa (H)katapatan ng inyong puso, na (I)gaya ng kay Cristo;
6 Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga (J)alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;
7 (K)Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:
8 Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, (L)ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, (M)maging alipin o laya.
9 At kayong (N)mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, (O)at sa kaniya'y walang itinatanging tao.
10 Sa katapustapusa'y (P)magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.
11 Mangagbihis kayo ng (Q)buong kagayakan (R)ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.
12 Sapagka't (S)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (T)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (U)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal (V)sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.
14 (W)Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na (X)may sakbat na baluti ng katuwiran,
15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;
16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.
17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at (Y)ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:
18 (Z)Na magsipanalangin kayo (AA)sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at (AB)daing na patungkol sa lahat ng mga banal,
19 At sa akin, (AC)upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan (AD)ang hiwaga ng evangelio,
20 Na dahil dito (AE)ako'y isang sugong (AF)natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.
21 Datapuwa't (AG)upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin, at ang kalagayan ko, si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ay siyang magpapakilala sa inyo (AH)ng lahat ng mga bagay:
22 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang makilala ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso.
23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
24 Ang biyaya nawa'y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira. Siya nawa.
Sa Pangulong Manunugtog. (A)Awit ni David; upang umalaala.
70 (B)Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako;
Magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.
2 Mangapahiya at mangalito sila,
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.
Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.
3 (C)Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan.
Silang nangagsasabi, Aha, Aha.
4 Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo;
At magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan:
Dakilain ang Dios.
5 Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
(D)Magmadali ka sa akin, Oh Dios:
Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;
Oh Panginoon, huwag kang magluwat.
8 (A)Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan,
Tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978