Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 39:1-41:16

Si Ezechias ay tumanggap ng balita mula sa Babilonia.

39 Nang panahong (A)yaon si Merodachbaladan na anak ni Baladan, na hari sa Babilonia, ay nagpadala ng mga sulat at isang kaloob kay Ezechias: sapagka't nabalitaan niya na siya'y nagkasakit, at gumaling.

At si Ezechias ay natuwa sa kanila, at ipinakita sa kanila ang bahay ng kaniyang mahalagang bagay, (B)ang pilak, at ang ginto, at ang mga especia, at ang mahalagang langis, at ang buong bahay na kaniyang sakbatan, at lahat na nandoon sa kaniyang mga kayamanan: walang bagay sa kaniyang bahay, o sa buong sakop man niya, na hindi ipinakita ni Ezechias sa kanila.

Nang magkagayo'y dumating si Isaias na propeta sa haring Ezechias, at nagsabi sa kaniya, Anong sinabi ng mga lalaking ito? at saan nanggaling na nagsiparito sila sa iyo? At sinabi ni Ezechias, Sila'y nagsiparito sa akin (C)mula sa malayong lupain, sa Babilonia.

Nang magkagayo'y sinabi niya, Anong kanilang nakita sa iyong bahay? At sumagot si Ezechias, Lahat ng nangasa aking bahay ay kanilang nakita: walang anomang bagay sa aking mga kayamanan na hindi ko ipinakita sa kanila.

Nang magkagayo'y sinabi ni Isaias kay Ezechias, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon ng mga hukbo.

Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang mga tinangkilik ng iyong mga magulang hanggang sa kaarawang ito, (D)dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon.

At sa iyong mga anak na magmumula sa iyo, na ipanganganak sa iyo, ay kanilang dadalhin; at sila'y (E)magiging mga bating sa bahay ng hari sa Babilonia.

Nang magkagayo'y sinabi ni Ezechias kay Isaias, Mabuti (F)ang salita ng Panginoon na iyong sinalita. Kaniyang sinabi bukod dito, Sapagka't magkakaroon ng kapayapaan at katotohanan sa aking mga kaarawan.

Pangaliw na mga pangako. Ang di maulatang kadakilaan ng Panginoon.

40 Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios.

Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem; at sigawan ninyo siya, na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap, (G)na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad, sapagka't siya'y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan.

(H)Ang tinig ng isang sumisigaw, (I)Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.

(J)Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at (K)ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag:

At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng (L)lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon,

Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? (M)Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang.

Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't (N)ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo.

Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; (O)nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.

Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!

10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, (P)ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.

11 Kaniyang (Q)papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.

12 Sino ang tumakal ng tubig (R)sa palad ng kaniyang kamay, at sumukat sa langit ng dangkal, at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal, at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang, at ng mga burol sa timbangan?

13 Sinong pumatnubay (S)ng Espiritu ng Panginoon, o parang kaniyang kasangguni ay nagturo sa kaniya?

14 Kanino siya kumuhang payo, at sinong nagsaysay sa kaniya, at nagturo sa kaniya sa landas ng kahatulan, at nagturo (T)sa kaniya ng kaalaman, at nagpakilala sa kaniya ng daan ng unawa?

15 Narito, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, inaari na parang munting alabok sa timbangan: narito, kaniyang itinataas ang mga pulo na parang napakaliit na bagay.

16 At ang Libano ay hindi sukat upang sunugin, ni ang mga hayop niyaon ay sukat na pinakahandog na susunugin.

17 Lahat ng mga bansa ay parang (U)walang anoman sa harap niya; nangabilang sa kaniya na kulang kay sa wala, at walang kabuluhan.

18 Kanino nga ninyo (V)itutulad ang Dios? o anong wangis ang iwawangis ninyo sa kaniya?

19 Ang larawang inanyuan na (W)binubo ng mangbububo, at binabalot ng ginto ng platero, at binubuan ng mga pilak na kuwintas.

20 Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok; siya'y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa upang (X)ihandang larawang inanyuan, na hindi makikilos.

21 Hindi ba ninyo naalaman? (Y)hindi ba ninyo narinig? hindi ba nasaysay sa inyo mula ng una? hindi ba nasaysay sa inyo bago nalagay ang mga patibayan ng lupa?

22 Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; (Z)siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;

23 Na iniuuwi (AA)sa wala ang mga pangulo; siyang umaaring tila walang kabuluhan sa mga hukom sa lupa.

24 Oo, sila'y hindi nangatanim; oo, sila'y hindi nangahasik; oo, ang kanilang puno ay hindi nagugat sa lupa: bukod dito'y humihihip siya sa kanila, at sila'y nangatutuyo, at tinatangay sila ng ipoipo na gaya ng dayami.

25 Kanino nga ninyo itutulad (AB)ako, upang makaparis ako niya? sabi ng Banal.

26 Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas, at tingnan ninyo kung sinong lumikha ng mga ito, na tinutuos ang kanilang hukbo ayon sa bilang; (AC)tinatawag niya sila sa pangalan; sa pamamagitan ng kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan, at dahil sa siya'y malakas sa kapangyarihan ay walang nagkukulang.

27 Bakit sinasabi mo, Oh Jacob, at sinasalita mo, Oh Israel, Ang daan ko ay lingid sa Panginoon, at nilalagpasan (AD)ng aking Dios ang kahatulan ko?

28 Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng (AE)kaniyang unawa.

29 Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.

30 Pati ng mga kabinataan ay manlalata at mapapagod, at ang mga binata ay lubos na mangabubuwal:

31 Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay (AF)mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.

Magtitindig ng tagapagligtas.

41 (AG)Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh (AH)mga pulo; at (AI)mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan.

Sinong nagbangon ng isa na (AJ)mula sa silanganan, (AK)na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog.

Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa.

Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? (AL)Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,

Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito.

Sila'y tumutulong bawa't isa sa kaniyang kapuwa; at bawa't isa'y nagsasabi sa kaniyang kapatid, Ikaw ay magpakatapang.

Sa gayo'y pinalalakas ang loob ng anluwagi (AM)ang panday-ginto, at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, Mabuti, at kaniyang inilalapat ng mga pako, (AN)upang huwag makilos.

Ang Israel ay tiniyak na tutulungan ng Panginoon.

Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking (AO)pinili, na binhi ni Abraham na (AP)aking kaibigan;

Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;

10 Huwag kang matakot, (AQ)sapagka't ako'y (AR)sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

11 Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo (AS)ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.

12 Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala.

13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, (AT)Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.

14 (AU)Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang (AV)iyong Manunubos ay ang (AW)Banal ng Israel.

15 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.

16 Iyong pahahanginan, (AX)at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, (AY)ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.

Efeso 1

Si (A)Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, sa mga banal na nangasa Efeso, (B)at sa mga tapat kay Cristo Jesus:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

(C)Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang (D)ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:

Ayon sa pagkapili niya sa atin (E)sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis (F)sa harapan niya sa pagibig:

Na tayo'y itinalaga niya nang una pa (G)sa pagkukupkop na tulad sa mga anak (H)sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, (I)ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,

Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa (J)Minamahal:

Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, (K)na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

Na pinasagana niya sa atin, sa buong (L)karunungan at katalinuhan,

Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga (M)ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.

10 Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, (N)upang tipunin ang (O)lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,

11 Tayo rin naman sa kaniya ay (P)ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa (Q)ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban;

12 (R)Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo:

13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan,—na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan (S)ng Espiritu Santo, na ipinangako,

14 Na siyang patotoo (T)sa ating mana, hanggang sa ikatutubos (U)ng sariling pagaari ng Dios, (V)sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

15 Dahil dito ako rin naman, (W)pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal,

16 Ay (X)hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin;

17 Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, (Y)ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;

18 Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano (Z)ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang (AA)pamana sa mga banal,

19 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, (AB)ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,

20 Na kaniyang ginawa kay Cristo, (AC)nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at (AD)pinaupo sa kaniyang kanan (AE)sa sangkalangitan,

21 Sa kaibaibabawan ng (AF)lahat na (AG)pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa (AH)bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:

22 At ang lahat ng mga bagay ay (AI)pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang (AJ)maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,

23 (AK)Na siyang katawan niya, (AL)na kapuspusan niyaong (AM)pumupuspos ng lahat sa lahat.

Mga Awit 66

Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.

66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
(C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
(D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Mga Kawikaan 23:25-28

25 Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina,
(A)At magalak siyang nanganak sa iyo.
26 Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso,
At malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.
27 (B)Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak;
At ang babaing di kilala ay makipot na lungaw.
28 Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan,
At nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978