Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 12-14

Muling titipunin (karugtong).

12 At sa araw na yaon ay (A)iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.

Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: (B)sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.

At (C)sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, (D)ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.

(E)Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.

Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel (F)sa gitna mo.

Hula sa paglagpak ng Babilonia. Muling pagkatayo ng Israel.

13 (G)Ang hula tungkol sa Babilonia (H)na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.

Kayo'y mangaglagay ng isang (I)watawa't (J)sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, (K)inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.

Aking inutusan ang (L)aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang (M)aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan.

Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka.

Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.

(N)Magsiangal kayo; (O)sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.

Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo:

At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y (P)mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab.

Narito, (Q)ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang (R)lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.

10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: (S)ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.

11 (T)At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; (U)at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.

12 At (V)aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na (W)higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.

13 Kaya't (X)aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa (Y)kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

14 At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila (Z)bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.

15 Bawa't masusumpungan ay palalagpasan; at bawa't nahuli ay mabubuwal sa tabak.

16 Ang kanilang mga sanggol ay (AA)pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata; (AB)ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay dadahasin.

17 Narito, aking hihikayatin ang mga Medo (AC)laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran.

18 At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata; at sila'y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata.

19 At ang Babilonia, ang (AD)kaluwalhatian ng mga kaharian, ang (AE)ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya (AF)nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.

20 Hindi matatahanan kailan man, (AG)ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan.

21 Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga (AH)roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon.

22 At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog, at ang mga chakal sa mga maligayang palasio: (AI)at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit, at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal.

Ang awit ng pananagumpay.

14 Sapagka't ang Panginoon ay (AJ)maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin (AK)pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: (AL)at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.

At kukunin sila ng mga tao, (AM)at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; (AN)at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila.

At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo,

Na (AO)iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! (AP)ang bayang ginto ay naglikat!

Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, (AQ)ang cetro ng mga pinuno;

Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.

Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang (AR)nagsisiawit.

Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.

Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.

10 Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?

11 Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.

12 (AS)Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!

13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y (AT)sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas (AU)ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa (AV)bundok ng kapisanan, (AW)sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:

14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.

15 Gayon ma'y (AX)mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.

16 Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian;

17 Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?

18 Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.

19 Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.

20 (AY)Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan (AZ)ay hindi lalagi magpakailan man.

21 Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa (BA)kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y (BB)huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan.

22 At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia (BC)ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon.

23 Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

24 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:

25 (BD)Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang (BE)kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.

26 Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.

27 Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?

Ang hula sa Filistia.

28 Nagkaroon ng hulang (BF)ito nang taong mamatay ang (BG)haring Achaz.

29 Ikaw ay huwag magalak, ikaw na buong (BH)Filistia, sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo: sapagka't sa ahas ay lalabas ang ulupong, at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.

30 At ang panganay ng dukha ay kakain, at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay: at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan, at ang nalabi sa iyo ay papatayin.

31 Ikaw ay umungal, Oh pintuang bayan; ikaw ay humiyaw, Oh bayan; ikaw ay napugnaw, Oh ikaw na buong Filistia; sapagka't lumalabas ang usok na mula sa hilagaan, at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon.

32 Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa? Na itinayo ng (BI)Panginoon ang Sion, at doon nanganganlong (BJ)ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan.

2 Corinto 13

13 (A)Ito ang ikatlo na ako'y paririyan sa inyo. (B)Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa't salita.

Sinabi ko na nang una, at (C)muling aking ipinagpapauna, gaya nang ako'y nahaharap ng ikalawa, gayon din ngayon, na ako'y wala sa harapan, sa mga nagkasala nang una, at sa mga iba pa, na kung ako'y pumariyang muli ay (D)hindi ko na patatawarin;

Yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan (E)na si Cristo ay nagsasalita sa akin; na siya sa inyo'y hindi mahina, kundi (F)sa inyo'y makapangyarihan:

Sapagka't (G)siya'y ipinako sa krus dahil sa kahinaan, gayon ma'y (H)nabubuhay siya dahil sa kapangyarihan ng Dios. (I)Sapagka't kami naman ay sa kaniya'y mahihina, nguni't kami ay mabubuhay na kasama niya sa kapangyarihan ng Dios sa inyo.

Siyasatin ninyo ang inyong sarili, (J)kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si (K)Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y (L)itinakuwil na.

Nguni't inaasahan ko na inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil.

Ngayo'y idinadalangin namin sa Dios na kayo'y huwag magsigawa ng masama; hindi upang kami'y mangakitang subok, kundi upang gawin ninyo ang may karangalan, kahit kami'y maging gaya ng itinakuwil.

Sapagka't kami'y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan.

Sapagka't kami'y natutuwa (M)kung kami'y mahihina, at kayo'y malalakas: at (N)ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid baga'y ang inyong pagkasakdal.

10 Dahil dito'y (O)sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.

11 Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; (P)mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at (Q)ng kapayapaan ay sasa inyo.

12 Mangagbatian (R)ang isa't isa sa inyo ng banal na halik.

13 Binabati kayo ng (S)lahat ng mga banal.

14 Ang (T)biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang (U)pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat.

Mga Awit 57

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (A)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.

57 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (C)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(D)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
(E)Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
(F)Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay (G)matalas na tabak.
(H)Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
Kanilang hinandaan ng (I)silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila'y nagsihukay ng isang (J)lungaw sa harap ko.
Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
(K)Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
(L)Gumising ka, (M)kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako'y gigising na maaga.
Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 (N)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.

Mga Kawikaan 23:9-11

Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang;
Sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
10 (A)Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa;
At huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila:
11 (B)Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas;
Ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978