The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
Pangsamantalang paghihiwalay.
5 Ako'y (A)dumating sa aking halamanan, kapatid ko, kasintahan ko:
Aking dinampot ang aking (B)mira pati ang aking especia;
(C)Aking kinain ang aking pulot-pukyutan pati ang aking pulot;
Aking ininom ang aking alak pati ang aking gatas.
Magsikain kayo, Oh mga kaibigan; Magsiinom kayo, oo, magsiinom kayo ng sagana, Oh sinisinta.
2 Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising:
Ang tinig ng aking sinta (D)ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi,
Pagbuksan mo ako, kapatid ko, (E)sinta ko, (F)kalapati ko, (G)sakdal ko:
Sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog,
Ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi.
3 Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot?
Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan?
4 Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan,
At nakilos ang aking puso sa kaniya.
5 Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta;
At ang aking mga kamay ay tutulo ng mira,
At ang aking mga daliri ng malabnaw na mira.
Sa mga tatangnan ng trangka.
6 Aking pinagbuksan ang aking sinta:
Nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis,
Napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa (H)nang siya'y magsalita:
(I)Aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya;
Aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin.
7 Nasumpungan ako ng (J)mga bantay na nagsisilibot sa bayan,
Sinaktan nila ako, sinugatan nila ako,
Inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta.
8 Pinagbibilinan ko kayo, (K)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Kung inyong masumpungan ang aking sinta,
Na inyong saysayin sa kaniya, na ako'y may sakit, (L)na pagsinta.
9 Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta,
(M)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae?
Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta,
Na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan?
10 Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula
Na pinakamainam sa sangpung libo.
11 Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na (N)ginto:
Ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak.
12 Ang kaniyang mga mata ay (O)gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig;
Na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay.
13 Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng (P)pitak ng mga especia,
Gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay:
Ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga (Q)lila na tumutulo ng malabnaw na mira.
14 Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na (R)berilo:
Ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga (S)zafiro.
15 Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto:
Ang kaniyang anyo ay gaya ng (T)Libano na marilag na gaya ng mga sedro.
16 Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis:
Oo, siya'y totoong kaibigibig.
Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan,
Oh mga anak na babae ng Jerusalem.
Pagpupurihan ng magkasuyong babae at lalake.
6 Saan naparoon ang iyong sinisinta,
(U)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae?
Saan tumungo ang iyong sinisinta,
Upang siya'y aming mahanap na kasama mo?
2 Ang sinisinta ko'y bumaba (V)sa kaniyang halamanan,
(W)Sa mga pitak ng mga especia,
Upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga (X)lila.
3 Ako'y sa aking sinisinta, (Y)at ang sinisinta ko ay akin:
Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
4 Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng (Z)Tirsa,
Kahalihalina na gaya ng Jerusalem,
Kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.
5 Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin,
Sapagka't kanilang dinaig ako.
(AA)Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nangahihilig sa gulod ng Galaad.
6 Ang iyong mga ngipin ay (AB)gaya ng kawan ng mga babaing tupa,
Na nagsiahong mula sa pagpaligo;
Na bawa't isa'y may anak na kambal,
At walang baog sa kanila.
7 Ang iyong mga pisngi ay (AC)gaya ng putol ng granada
Sa likod ng iyong lambong.
8 (AD)May anim na pung reina, at walong pung babae;
At mga dalaga na walang bilang.
9 Ang aking kalapati, ang aking (AE)sakdal ay isa lamang;
Siya ang bugtong ng kaniyang ina;
Siya ang pili ng nanganak sa kaniya.
(AF)Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad;
Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.
10 (AG)Sino siyang tumitinging parang umaga,
Maganda na parang buwan,
Maliwanag na parang araw,
(AH)Kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?
11 Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile,
(AI)Upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis,
Upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas,
At ang mga puno ng granada ay namumulaklak.
12 Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa
Sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.
13 Bumalik ka, bumalik ka, (AJ)Oh Sulamita;
Bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan.
Bakit ninyo titingnan ang Sulamita,
Nang gaya sa sayaw ng Mahanaim?
Pagpupurihan ng magkasuyong babae at lalake.
7 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, (AK)Oh anak na babae ng pangulo!
Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas,
Na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.
2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa,
Na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo:
Ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo
Na nalalagay sa palibot ng mga (AL)lila.
3 Ang iyong dalawang suso ay (AM)gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal na usa.
4 Ang iyong leeg ay (AN)gaya ng moog na garing;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa (AO)Hesbon
Sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim;
Ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano
Na nakaharap sa Damasco.
5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo,
At ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube;
Ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!
7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma,
At ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.
8 Aking sinabi, Ako'y aakyat sa puno ng palma,
Ako'y hahawak sa mga sanga niyaon;
Ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas,
At ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;
9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak,
Na tumutulong marahan para sa aking sinisinta,
Na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.
10 Ako'y (AP)sa aking sinisinta,
At ang kaniyang nasa ay (AQ)sa akin.
11 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang;
Tumigil tayo sa mga nayon.
12 Sampahin nating maaga ang mga ubasan:
Tingnan natin kung ang puno ng ubas ay (AR)nagbubuko,
At kung ang kaniyang mga (AS)bulaklak ay nagsisibuka,
At kung ang mga granada ay namumulaklak:
Doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.
13 Ang mga mandragora ay (AT)nagpapahalimuyak ng bango,
At nasa ating mga pintuan (AU)ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma,
Na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.
Pagsasama ng kasintahang lalake at babae sa walang hanggang pagibig.
8 Oh ikaw sana'y naging aking kapatid,
Na humitit ng mga suso ng aking ina!
Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita;
Oo, at walang hahamak sa akin.
2 Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina,
Na magtuturo sa akin;
Aking paiinumin ka ng hinaluang alak,
(AV)Ng katas ng aking (AW)granada.
3 Ang kaniyang kaliwang kamay ay (AX)malalagay sa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin.
4 Pinagbibilinan ko kayo, (AY)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko,
Hanggang sa ibigin niya.
5 Sino itong (AZ)umaahong mula sa ilang,
Na humihilig sa kaniyang sinisinta?
Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita:
Doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina,
Doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.
6 Ilagay mo akong (BA)pinakatatak sa iyong puso,
Pinakatatak sa iyong bisig:
Sapagka't ang pagsinta ay (BB)malakas na parang kamatayan,
Panibugho ay (BC)mabagsik na parang Sheol:
Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy,
Isang pinaka liyab ng Panginoon.
7 Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta,
Ni mapauurong man ng mga baha;
Kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta,
Siya'y lubos na kukutyain.
8 Tayo'y may isang munting kapatid na babae, (BD)At siya'y walang mga suso:
Ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae
Sa araw na siya'y ipakikiusap?
9 Kung siya'y maging isang kuta,
Pagtatayuan natin siya ng moog na pilak:
At kung siya'y maging isang pintuan,
Ating tatakpan ng mga tablang sedro.
10 Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay (BE)parang mga moog niyaon:
Ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan.
11 Si Salomon ay (BF)may ubasan sa Baal-hamon;
(BG)Kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala;
Bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.
12 Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko;
Ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo,
At ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.
13 Ikaw na tumatahan sa mga halamanan,
Ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig:
(BH)Iparinig mo sa akin.
14 Ikaw ay magmadali, sinisinta ko,
At ikaw ay (BI)maging parang usa o batang usa
Sa mga bundok ng mga especia.
9 Sapagka't (A)tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa (B)mga banal, ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa.
2 Sapagka't nakikilala ko ang (C)inyong sikap, (D)na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga Macedonia, na ang (E)Acaya ay nahahandang (F)isang taon na; at ang inyong pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila.
3 Datapuwa't sinugo ko (G)ang mga kapatid, upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito; na, ayon sa aking sinabi, kayo'y mangakapaghanda:
4 Baka sakaling sa anomang paraan (H)kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo'y maratnang hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang (I)ito.
5 Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.
6 Datapuwa't sinasabi ko, (J)Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.
7 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag (K)mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
8 At maaaring (L)gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:
9 Gaya ng nasusulat,
(M)Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
10 At ang (N)nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:
11 Yamang kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, (O)na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.
12 Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang (P)tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios;
13 Palibhasa'y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat;
14 Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo, ay nananabik sa inyo (Q)dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo.
15 Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masayod.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David: nang si (A)Nathan na propeta, ay dumating sa kaniya, pagkatapos na siya'y makapasok kay Bath-seba.
51 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob:
Ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan (C)ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
2 (D)Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan,
At linisin mo ako sa aking kasalanan.
3 Sapagka't (E)kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang:
At ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4 (F)Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala,
At nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin:
(G)Upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka,
At maging malinis pag humahatol ka.
5 (H)Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan;
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap;
At sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7 (I)Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis:
Hugasan mo ako (J)at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan;
Upang (K)ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan,
At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10 Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios;
At (L)magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11 Huwag mo akong paalisin sa (M)iyong harapan;
(N)At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas:
At alalayan ako (O)ng kusang espiritu.
13 Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad;
At ang mga makasalanan ay (P)mangahihikayat sa iyo.
14 Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan;
At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15 Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi;
At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16 Sapagka't (Q)hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita:
Wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17 (R)Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob:
Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
18 (S)Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion:
(T)Itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem.
19 Kung magkagayo'y malulugod ka (U)sa mga hain ng katuwiran,
Sa handog na susunugin at sa (V)handog na susunuging buo:
Kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.
24 Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin;
At sa mainiting tao ay huwag kang sasama:
25 Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad,
At magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978