Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 8-9

Ang pagsamsam sa Juda. Ang Panginoon ay hindi kaaway na dapat katakutan.

At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at (A)sulatan mo ng panulat ng tao, Kay Maher-salalhash-baz;

At magdadala ako ng mga tapat na saksi upang mangagpaalaala, si (B)Urias na saserdote, at si Zacarias na anak ni Jeberechias.

At ako'y naparoon sa propetisa; at siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Tawagin mo ang kaniyang pangalan na Maher-salalhash-baz.

Sapagka't bago ang anak ay (C)matutong dumaing ng, Ama ko, at: Ina ko, ang mga kayamanan ng (D)Damasco at ang samsam sa Samaria ay dadalahin sa harap ng hari ng Asiria.

At nagsalita pa ang Panginoon uli sa akin, na nagsasabi,

Yamang tinanggihan ng bayang ito ang tubig ng (E)Siloe na nagsisiagos na marahan, at siya'y nagagalak (F)kay Rezin at sa anak ni Remalias;

Ngayon nga, narito, iniaahon ng Panginoon sa kanila ang tubig ng Ilog, malakas at marami, sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria at ang buo niyang kaluwalhatian: at siya'y aahon sa lahat niyang bangbang, at aapaw sa buo niyang baybayin:

At magpapatuloy sa dako ng loob ng Juda; aapaw at lalampas; (G)aabot hanggang sa leeg; at ang laganap ng kaniyang mga pakpak ay siyang magpupuno ng kaluwangan ng iyong lupain, (H)Oh Emmanuel.

Kayo'y magsamasama, Oh mga bayan, at kayo'y mangagkakawatakwatak; at kayo'y mangakinig, kayong lahat na taga malayong lupain: mangagbigkis kayo, at kayo'y mangagkakawatakwatak; kayo'y mangagbigkis, at kayo'y mangagkakawatakwatak.

10 Mangagsanggunian kayo, at yao'y mauuwi sa wala; mangagsalita kayo ng salita at hindi matatayo: (I)sapagka't ang Dios ay sumasaamin.

11 Sapagka't ang Panginoon ay nagsalitang ganito sa akin na may malakas na kamay, at tinuruan ako na huwag lumakad ng lakad ng bayang ito, na sinasabi,

12 Huwag ninyong sabihin, Pagbabanta; tungkol sa lahat na sasabihin ng bayang ito, Pagbabanta, o (J)huwag mang mangatakot kayo ng kanilang takot, o mangilabot man doon.

13 Ang Panginoon ng mga hukbo, (K)siya ang inyong aariing banal; at (L)sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot.

14 At (M)siya'y magiging pinakasantuario; nguni't (N)pinakabatong katitisuran at pinaka malaking batong pangbuwal sa dalawang sangbahayan ng Israel, na (O)pinakabitag at pinakasilo sa mga nananahan sa Jerusalem.

15 At marami ang mangatitisod doon, at mangabubuwal, at mangababalian, at mangasisilo, at mangahuhuli.

16 Talian mo ang patotoo, tatakan mo ang kautusan sa gitna ng aking mga alagad.

17 At aking hihintayin ang Panginoon na (P)nagkukubli ng kaniyang mukha sa sangbahayan ni Jacob, at aking (Q)hahanapin siya.

18 Narito, (R)ako at (S)ang mga anak na ibinigay ng Panginoon sa akin ay mga (T)pinakatanda at (U)pinaka kababalaghan sa Israel na mula sa Panginoon ng mga hukbo, na tumatahan sa bundok ng Sion.

Masasamang espiritu at manghuhula ay sinumpa.

19 At pagka kanilang sasabihin sa inyo, (V)Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na (W)nagsisihuni at nagsisibulong; (X)hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? (Y)dahil baga sa mga buháy ay sasangguni sila sa mga patay?

20 (Z)Sa kautusan at sa patotoo! (AA)kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, (AB)tunay na walang umaga sa kanila.

21 At sila'y magsisidaan doon, na nahihirapan at gutom: at mangyayari, na pagka sila'y mangagugutom, sila'y mangagagalit, at (AC)magsisisumpa alangalang sa kanilang hari at sa kanilang Dios, at ititingala nila ang kanilang mga mukha:

22 At (AD)sila'y titingin sa lupa, at, narito, kahirapan at kadiliman, (AE)ulap ng kahapisan, at sa salimuot na kadiliman ay itataboy sila.

Kapanganakan at paghahari ng prinsipe ng kapayapaan.

Gayon man ay (AF)hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. (AG)Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang (AH)lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.

Ang (AI)bayan na (AJ)lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.

(AK)Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.

Sapagka't ang pamatok na kaniyang (AL)pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng (AM)Madian.

Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.

Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang (AN)isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang (AO)anak na lalake; at ang (AP)pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging (AQ)Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, (AR)Pangulo ng Kapayapaan.

Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay (AS)hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at (AT)upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng (AU)sikap ng Panginoon ng mga hukbo.

Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,

At malalaman ng buong bayan ng (AV)Ephraim, at ng nananahan sa (AW)Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,

10 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro.

11 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng (AX)Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit;

12 (AY)Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga (AZ)Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. (BA)Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

13 Gayon ma'y (BB)ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.

14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, (BC)sa isang araw.

15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.

16 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.

17 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay (BD)marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. (BE)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

18 Sapagka't ang kasamaan ay (BF)sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.

19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; (BG)walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.

20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, (BH)at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain (BI)bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:

21 (BJ)Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at (BK)sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. (BL)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

2 Corinto 12:1-10

12 Kinakailangang ako'y magmapuri, bagaman ito'y hindi nararapat; nguni't aking sasaysayin ang mga (A)pangitain ko at mga (B)pahayag ng Panginoon.

Nakikilala ko ang isang lalake (C)kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na (D)inagaw hanggang sa (E)ikatlong langit.

At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),

Na kung paanong siya'y inagaw (F)sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.

Tungkol sa taong yaon ako'y magmamapuri: nguni't (G)tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri, maliban na sa aking mga kahinaan.

Sapagka't (H)kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.

At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang (I)tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis.

Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin.

At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang (J)aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.

10 Kaya nga (K)ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: (L)sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.

Mga Awit 55

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.

55 (A)Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
(B)Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
(C)Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
(D)Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
(E)Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng (F)kakilabutan.
At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng (G)pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
(H)Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
(I)Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay (J)sa bahay ng Dios.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
(K)Mababa nawa silang buháy sa (L)Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 (M)Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
(N)Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 (O)Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
(P)Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 (Q)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay (R)hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.

Mga Kawikaan 23:4-5

(A)Huwag kang mainip sa pagyaman;
Tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala?
Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak,
Gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978