Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 43:14-45:10

Tagapagligtas mula sa Babilonia.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong (A)Manunubos, na Banal ng Israel, Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia, at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy, sa makatuwid baga'y ang mga Caldeo, sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan.

15 Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari.

16 Ganito ang sabi ng Panginoon, na (B)gumagawa ng daan sa dagat, ng landas sa mga malawak na tubig;

17 (C)Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila'y nangahihigang magkakasama, sila'y hindi na magsisibangon; sila'y nangamamatay na parang timsim):

18 Huwag ninyong alalahanin (D)ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una.

19 Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at (E)mga ilog sa ilang.

20 Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,

21 Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.

22 Gayon ma'y hindi ka tumawag sa akin, Oh Jacob; kundi ikaw ay nayamot (F)sa akin, Oh Israel.

23 Hindi mo dinala sa akin (G)ang mga tupa't kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan.

24 Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi, o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain: kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan, iyong niyamot (H)ako ng iyong mga kasamaan.

Ang pagpapatawad ng Panginoon.

25 Ako, (I)ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.

26 Ipaalaala mo ako; tayo'y kapuwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan.

27 Ang iyong pangunang ama ay nagkasala, at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin.

28 Kaya't (J)aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario, at gagawin kong sumpa ang Jacob, at isang kadustaan ang Israel.

Ang Panginoon lamang ang iisang Dios.

44 Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh (K)Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:

Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo (L)sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; (M)Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw (N)Jeshurun, na aking pinili.

Sapagka't (O)ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:

At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.

Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat (P)ng pangalan ng Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, (Q)Ako ang una, at ako ang huli; at (R)liban sa akin ay walang Dios.

At sino, na gaya ko, tatawag, at (S)magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (T)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (U)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.

(V)Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay (W)hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.

10 Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan (X)na di pakikinabangan sa anoman?

11 Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.

12 Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at (Y)gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at patá.

13 Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.

14 Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.

15 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at (Z)pinagpapatirapaan.

16 Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:

17 At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.

18 (AA)Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.

19 At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?

20 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng (AB)nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang (AC)kabulaanan sa aking kanang kamay?

Inililigtas ng Panginoon ang kaniyang bayan.

21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't (AD)ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.

22 Aking pinawi na (AE)parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos (AF)kita.

23 Magsiawit, Oh (AG)kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, (AH)mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.

24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng (AI)iyong Manunubos, at niyang (AJ)naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;

25 Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at (AK)nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at (AL)nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;

26 Na nagpapatatag ng salita ng (AM)kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:

27 Na nagsasabi sa kalaliman, (AN)Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;

28 Na nagsasabi tungkol kay (AO)Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, (AP)Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.

45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (AQ)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (AR)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;

Ako'y magpapauna sa iyo, (AS)at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: (AT)aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:

At ibibigay ko sa iyo ang mga (AU)kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon (AV)na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang (AW)Dios ng Israel.

Dahil sa Jacob na (AX)aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking (AY)pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.

Ako ang Panginoon, (AZ)at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,

Upang kanilang maalaman (BA)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.

Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at (BB)lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.

Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.

Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! (BC)Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?

10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?

Efeso 3

Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,—

Kung tunay na inyong narinig (A)yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo;

(B)Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala (C)sa akin ang hiwaga, (D)gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita.

Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala (E)sa hiwaga ni Cristo;

Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na (F)gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;

Na ang mga Gentil (G)ay mga tagapagmana, at mga (H)kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,

(I)Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay (J)ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.

Sa akin, na ako (K)ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga (L)kayamanan ni Cristo;

At (M)maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios (N)na lumalang ng lahat ng mga bagay;

10 Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa (O)mga kapangyarihan (P)sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,

11 (Q)Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:

12 Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at (R)pagpasok (S)na may pagasa sa pamamagitan (T)ng ating pananampalataya sa kaniya.

13 Kaya nga ipinamamanhik ko (U)na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, (V)na pawang kapurihan ninyo.

14 (W)Dahil dito (X)ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,

15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan (Y)ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,

16 Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga (Z)kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, (AA)na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;

17 Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso (AB)sa pamamagitan ng pananampalataya; upang (AC)kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.

18 Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,

19 At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y (AD)mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.

20 Ngayon sa makapangyarihang (AE)gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, (AF)ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,

21 Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.

Mga Awit 68:1-18

Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.

68 Bumangon nawa ang (A)Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
(B)Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
(C)Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
Nguni't mangatuwa (D)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(E)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(F)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
(G)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
Pinapagmamaganak (H)ng Dios ang mga nagiisa:
(I)Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't (J)ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
Oh Dios, (K)nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
(L)Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang (M)Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
11 Nagbibigay ng salita ang Panginoon:
Ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo.
12 Mga hari ng mga hukbo ay (N)nagsisitakas, sila'y nagsisitakas:
(O)At nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay.
13 (P)Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan,
(Q)Na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak,
At ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw?
14 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon,
Ay tila nagka nieve sa (R)Salmon.
15 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan;
Mataas na bundok ang bundok ng Basan.
16 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok,
(S)Sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan?
Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man.
17 (T)Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo samakatuwid baga'y libolibo:
Ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario.
18 (U)Sumampa ka sa mataas, (V)pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag;
Tumanggap ka ng mga (W)kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.

Mga Kawikaan 24:1-2

Iba't ibang aral at paalaala.

24 Huwag kang (A)mananaghili sa mga masamang tao,
Ni magnasa ka man na masama sa kanila:
Sapagka't ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati,
(B)At ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978