Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 28:14-30:11

14 Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga (A)mangduduwahaging tao, na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem:

15 Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (B)Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang (C)isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay (D)na patibayan: (E)ang naniniwala ay hindi magmamadali.

17 (F)At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran, at pinakapabato ang kabanalan: at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng tubig ang taguang dako.

18 At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon.

19 Sa tuwing dadaan, tatangayin kayo; sapagka't tuwing umaga ay daraan, sa araw at sa gabi: at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas.

20 Sapagka't ang higaan ay lalong maikli na hindi maunatan ng tao; at ang kumot ay lalong makitid na hindi makabalot sa kaniya.

21 Sapagka't ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng (G)Perasim, siya'y napopoot na gaya sa libis ng (H)Gabaon; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain, at papangyarihin ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain.

22 Huwag nga kayong mapagtuya, baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay: sapagka't (I)ang paglipol na ipinasiya, narinig ko sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, sa buong lupa.

23 Pakinggan ninyo, at dinggin ninyo ang aking tinig, inyong dinggin, at pakinggan ang aking pananalita.

24 Nag-aararo bagang lagi ang mang-aararo upang maghasik? (J)Kaniya bagang laging binubungkal at dinudurog ang kaniyang lupa.

25 Pagka kaniyang napatag ang ibabaw niyaon hindi ba niya binibinhian ng eneldo, at ikinakalat ang binhing comino, at inihahanay ang trigo, at ang cebada sa takdang dako, at (K)ang espelta sa hangganan niyaon?

26 Sapagka't itinuturong matuwid sa kaniya ng kaniyang Dios, at itinuturo sa kaniya:

27 Sapagka't ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na matalas, o ang gulong man ng karo ay gugulong sa comino; kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod, at ang comino ay ng pamalo.

28 Ang trigong ginagawang tinapay ay ginigiling; sapagka't hindi laging magigiik: at bagaman pangalatin yaon ng gulong ng kaniyang karo at ng kaniyang mga kabayo, hindi niya ginigiling.

29 Gayon ma'y ito'y mula rin sa Panginoon ng mga hukbo, (L)na kamanghamangha sa payo, at marilag sa karunungan.

Ang pagkabulag at pagpapaimbabaw ay tinuligsa.

29 Hoy (M)Ariel, Ariel, na (N)bayang hinantungan ni David! magdagdag kayo ng taon sa taon; magdiwang sila ng mga kapistahan:

Akin ngang pahihirapan ang Ariel, at magsisitangis at mananaghoy: at siya'y magiging gaya ng Ariel sa akin.

At ako'y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot, at kukubkubin kita ng mga kuta, at ako'y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo.

At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at (O)ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok.

Nguni't ang karamihan ng iyong mga (P)kaaway ay magiging gaya ng munting alabok, at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay (Q)gaya ng ipang inililipad ng hangin: oo, magiging sa (R)biglang sandali.

Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.

At (S)ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel, lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta, at ang nagpapahirap sa kaniya, ay magiging (T)gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi.

At (U)mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion.

Kayo'y mangatigilan at manganggilalas; kayo'y mangalugod at mangabulag: (V)sila'y lango, (W)nguni't hindi sa alak; sila'y gumigiray, nguni't hindi sa matapang na alak.

10 Sapagka't inihulog ng (X)Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog, at (Y)ipinikit ang inyong mga mata, na mga propeta; at ang iyong mga pangulo, na mga tagakita, ay kaniyang tinakpan.

11 (Z)At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na (AA)natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't (AB)natatatakan;

12 At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Ako'y hindi marunong bumasa.

13 At sinabi ng Panginoon, (AC)Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay (AD)utos ng mga tao na itinuro sa kanila:

14 Dahil dito narito, pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito, isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha: at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay (AE)mapapawi, at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid.

15 Sa aba nila, (AF)na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?

16 Kayo'y nangagbabaligtad ng mga bagay! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok; upang sabihin ng (AG)bagay na yari sa may-gawa sa kaniya, Hindi niya ginawa ako; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo, Siya'y walang unawa?

Ang Israel ay nalalapit sa pagbabago.

17 Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang, at ang (AH)Libano ay magiging mainam na bukid, at (AI)ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat?

18 At (AJ)sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman.

19 At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon, ang (AK)maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel.

20 (AL)Sapagka't ang kakilakilabot ay nauwi sa wala, at (AM)ang mangduduwahagi ay naglilikat, at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay:

21 Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin, at naglalagay ng silo (AN)doon sa sumasaway sa pintuang-bayan, at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan.

22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa sangbahayan ni Jacob, Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha.

23 Nguni't pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak, (AO)ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya, ay (AP)kanilang aariing banal ang aking pangalan; oo, kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob, at magsisitayong may takot sa (AQ)Dios ng Israel.

24 Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.

Ang kawalang kabuluhan ng pagtitiwala sa Egipto.

30 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, (AR)na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; (AS)at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, (AT)upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;

Ang nagsisilakad (AU)na nagsisilusong sa Egipto, at (AV)hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto!

Kaya't ang lakas ni Faraon (AW)ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito.

Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes.

(AX)Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman.

(AY)Ang hula tungkol sa (AZ)mga hayop ng Timugan.

Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, (BA)ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan.

Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo.

Ngayo'y yumaon ka, (BB)isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan.

Sapagka't (BC)mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon:

10 Na nagsasabi sa mga (BD)tagakita, (BE)Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, (BF)magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:

11 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.

Galacia 3:23-4:31

23 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.

24 Ano pa't (A)ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, (B)upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.

25 Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.

26 Sapagka't kayong (C)lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.

27 Sapagka't (D)ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis (E)si Cristo.

28 (F)Walang magiging Judio o Griego man, (G)walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay (H)iisa kay Cristo Jesus.

29 (I)At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana (J)ayon sa pangako.

Nguni't sinasabi ko na samantalang (K)ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama't siya'y panginoon ng lahat;

Datapuwa't nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.

Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, (L)tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.

Datapuwa't (M)nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, (N)na ipinanganak ng isang babae, na (O)ipinanganak sa ilalim ng kautusan,

(P)Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, (Q)upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.

At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.

Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; (R)at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.

Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin (S)ng sa katutubo ay hindi mga dios:

Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo (T)doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?

10 Ipinangingilin ninyo ang mga araw, (U)at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.

11 Ako'y natatakot tungkol sa inyo, (V)baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.

12 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo'y mangagsitulad sa akin, sapagka't ako'y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.

13 Datapuwa't nalalaman ninyo na (W)dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio (X)nang pasimula:

14 At yaong sa inyo'y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako'y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, (Y)tulad kay Cristo Jesus.

15 Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka't pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.

16 Kaya nga ako baga'y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?

17 May (Z)nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subali't, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila.

18 Datapuwa't mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang ako'y kaharap ninyo.

19 Maliliit kong mga anak, (AA)na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha (AB)sa inyo—

20 Datapuwa't, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at baguhin ang aking tinig; sapagka't ako'y nagaalinlangan tungkol sa inyo.

21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan, hindi baga ninyo naririnig ang kautusan?

22 Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, (AC)ang isa'y sa aliping babae, at (AD)ang isa'y sa babaing malaya.

23 Gayon man (AE)ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman; nguni't (AF)ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako.

24 Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga (AG)anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar.

25 Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa (AH)Arabia, at ito'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak.

26 Nguni't ang (AI)Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin.

27 Sapagka't nasusulat,

(AJ)Magsaya ka, Oh baog na hindi nanganganak;
Magbiglang umawit at humiyaw ka, ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak:
Sapagka't higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa.

28 At tayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay (AK)mga anak sa pangako.

29 Datapuwa't kung papaanong yaong (AL)ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu, ay gayon din naman ngayon.

30 Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan? (AM)Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya.

31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo mga anak ng babaing alipin, kundi ng babaing malaya.

Mga Awit 62

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.

62 Sa (A)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (B)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(C)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (D)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (E)hindi ako makikilos.
(F)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(G)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
(H)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(I)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (J)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(K)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (L)kagandahang-loob:
Sapagka't (M)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.

Mga Kawikaan 23:19-21

19 Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas,
At (A)patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
20 (B)Huwag kang mapasama sa mga mapaglango;
Sa mga mayamong mangangain ng karne:
21 Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan:
At ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978