The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
51 Kayo'y magsipakinig sa akin, (A)kayong nagsisisunod sa (B)katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo.
2 Tingnan ninyo si Abraham na (C)inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; (D)sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at (E)aking pinagpala siya, at aking pinarami siya.
3 Sapagka't (F)inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang (G)sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay (H)parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.
4 Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: (I)sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong (J)pinakaliwanag sa mga bayan.
5 Ang katuwiran ko ay (K)malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, (L)at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay (M)sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila.
6 (N)Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't (O)ang mga langit ay mapapawing parang usok, at (P)ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.
7 Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; (Q)huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.
8 Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na (R)parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Ang tagapagligtas mula sa Egipto ay tinawagan upang tumulong.
9 (S)Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan, Oh (T)bisig ng Panginoon; gumising ka na (U)gaya nang kaarawan noong una, nang mga lahi ng mga dating panahon. Hindi baga ikaw ang pumutol ng (V)Rahab, na sumaksak (W)sa buwaya?
10 Hindi baga ikaw ang tumuyo (X)sa dagat, sa tubig ng malaking kalaliman; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat (Y)upang daanan ng natubos?
11 At (Z)ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik, at magsisiparoong may awitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan; at ang kapanglawan at pagbubungtonghininga ay tatakas.
12 Ako, ako nga, ay siyang umaaliw (AA)sa inyo: sino ka na natatakot[a] sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang (AB)damo;
13 At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo, na (AC)nagladlad ng mga langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati, pagka siya'y nagmamadali upang gumiba? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati?
14 Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan; (AD)at hindi mamamatay at bababa sa hukay, o magkukulang man ang kaniyang tinapay.
15 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, (AE)na nagpapahugong sa dagat, na ang mga alon niyao'y humuhugong: ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.
16 At inilagay ko ang aking mga salita (AF)sa iyong bibig, at tinakpan kita (AG)sa lilim ng aking kamay, upang aking mailadlad ang mga langit, at mailagay ang mga patibayan ng lupa, at magsabi sa Sion, Ikaw ay aking bayan.
17 Gumising ka, (AH)gumising ka, tumayo ka, Oh Jerusalem, na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa (AI)saro ng kaniyang kapusukan; iyong ininuman (AJ)ang saro ng pangpagiray, at iyong sinaid.
18 Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki.
19 Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo; sinong makikidamdam sa iyo? kagibaan, at kasiraan, at ang kagutom at ang tabak; (AK)paanong aaliwin kita?
20 Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay, (AL)sila'y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan, na gaya ng isang usa sa isang silo; sila'y puspos ng kapusukan ng Panginoon, ng saway ng iyong Dios.
21 Kaya't pakinggan mo ito ngayon, ikaw na nagdadalamhati, at lango, (AM)nguni't hindi ng alak:
22 Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova, at ng iyong Dios (AN)na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan, Narito, aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray, ang saro nga ng aking kapusukan; hindi ka na iinom pa:
23 At aking (AO)ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo, (AP)na nakapagsabi sa iyong kaluluwa, Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan, at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa, at parang lansangan sa kanilang nagdaraan.
Ang Sion ay tinawagan upang umalis sa pagkabihag.
52 Gumising ka, (AQ)gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, (AR)Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli (AS)at ang marumi.
2 Magpagpag ka ng alabok; (AT)ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem: (AU)magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg, Oh bihag na anak na babae ng Sion.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (AV)Kayo'y naipagbili sa wala; at kayo'y matutubos ng walang salapi.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang bayan ko ay bumaba noong una (AW)sa Egipto upang makipamayan doon: at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan.
5 Ngayon nga, anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon, yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan (AX)ay natutungayaw na lagi buong araw,
6 Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa araw na (AY)yaon, na (AZ)ako yaong nagsasalita; narito, ako nga.
7 Anong pagkaganda (BA)sa mga bundok ng mga (BB)paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, (BC)na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, (BD)Ang iyong Dios ay naghahari!
8 Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion.
9 Kayo'y magbiglang magalak, kayo'y magsiawit na magkakasama, kayong mga sirang dako ng Jerusalem; (BE)sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, kaniyang tinubos (BF)ang Jerusalem.
10 Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na (BG)bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa; at makikita ng (BH)lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios.
11 (BI)Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, (BJ)kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.
12 Sapagka't kayo'y (BK)hindi magsisilabas na nagmamadali, o magsisilabas man kayo na takas: sapagka't ang Panginoon ay magpapauna sa inyo; (BL)at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod.
13 Narito, (BM)ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, (BN)siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas.
14 Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha (BO)ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao),
15 (BP)Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; (BQ)ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay (BR)kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.
Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.
53 Sinong (BS)naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang (BT)bisig ng Panginoon?
2 (BU)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (BV)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.
3 Siya'y hinamak at itinakuwil (BW)ng mga tao; isang (BX)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (BY)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
4 Tunay na kaniyang (BZ)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5 Nguni't siya'y nasugatan (CA)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (CB)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (CC)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6 (CD)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (CE)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (CF)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (CG)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (CH)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.
9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (CI)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (CJ)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (CK)makikita niya ang kaniyang lahi, (CL)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.
11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (CM)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (CN)aking matuwid na lingkod ang marami; at (CO)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
12 (CP)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (CQ)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (CR)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (CS)namagitan sa mga mananalangsang.
5 Kayo (A)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;
2 At magsilakad kayo sa pagibig, (B)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (C)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
3 Nguni't ang (D)pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;
4 O (E)ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.
5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, (F)na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, (G)ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.
6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (H)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (I)sa mga anak ng pagsuway.
7 Huwag kayong makibahagi sa kanila;
8 Sapagka't noong panahon (J)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (K)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (L)anak ng kaliwanagan
9 (Sapagka't (M)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),
10 Na inyong pinatutunayan (N)ang kinalulugdan ng Panginoon;
11 At huwag kayong makibahagi sa (O)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
12 Sapagka't ang mga bagay na (P)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.
13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.
14 Kaya sinasabi niya, (Q)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
15 Mangagingat (R)nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (S)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 At (T)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;
19 Na kayo'y mangagusapan (U)ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;
20 Na kayo'y laging magpasalamat (V)sa lahat ng mga bagay (W)sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa (X)Dios na ating Ama;
21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.
22 Mga babae, (Y)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (Z)gaya ng sa Panginoon.
23 Sapagka't ang lalake (AA)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (AB)ng katawan.
24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.
25 Mga lalake, (AC)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (AD)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;
26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (AE)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (AF)na may salita,
27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (AG)maluwalhati, na (AH)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (AI)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.
28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:
29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;
30 Sapagka't (AJ)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.
31 Dahil dito'y (AK)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.
33 (AL)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (AM)gumalang sa kaniyang asawa.
19 Talastas mo ang (A)aking kadustaan, at ang aking (B)kahihiyan, at ang aking kasiraang puri:
Ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.
20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at (C)ako'y lipos ng kabigatan ng loob:
At ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala;
At mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait;
(D)At sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.
22 (E)Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;
At maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
23 (F)Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita;
At papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
24 (G)Ibugso mo ang iyong galit sa kanila,
At datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.
25 (H)Magiba ang tahanan nila;
Walang tumahan sa kanilang mga tolda.
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,
At (I)sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 (J)At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:
At huwag silang masok sa iyong katuwiran.
28 (K)Mapawi sila sa aklat ng buhay,
(L)At huwag masulat na kasama ng matuwid.
29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw:
Sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,
At dadakilain ko siya ng pasalamat.
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,
O sa toro na may mga sungay at mga paa.
32 (M)Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:
(N)Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,
At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
34 (O)Purihin siya ng langit at lupa,
Ng mga dagat, (P)at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
35 (Q)Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda;
At sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod;
At silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
7 Karunungan ay totoong mataas (A)sa ganang mangmang:
Hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978