Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Eclesiastes 7-9

Ang kagamitan ng karunungan at ang kahangalan ng kasamaan.

(A)Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.

Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso.

Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa: sapagka't (B)sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso.

Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan.

Maigi (C)ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang.

Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon (D)ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan.

Tunay na nagpapamangmang sa pantas (E)ang pagkapighati; (F)at ang suhol ay sumisira ng unawa.

Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon: at ang matiising loob (G)ay maigi kay sa palalong loob.

Huwag (H)kang magagalitin sa iyong kalooban: sapagka't ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang.

10 Huwag mong sabihin, Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito? sapagka't hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito.

11 Karunungan ay mabuting gaya ng mana: (I)oo, lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw.

12 Sapagka't ang karunungan ay sanggalang, sa makatuwid baga'y gaya ng salapi na sanggalang: nguni't ang karilagan ng kaalaman, ay (J)iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon.

13 Gunitain mo ang gawa ng Dios: sapagka't (K)sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot?

14 Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, (L)upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya.

15 Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan: (M)may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran, (N)at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa.

16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili?

17 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: (O)bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan?

18 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon.

19 Karunungan ay (P)kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan.

20 Tunay na (Q)walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.

21 Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita, baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin:

22 Sapagka't madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso, na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba.

23 Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan: aking sinabi, (R)Ako'y magiging pantas: nguni't malayo sa akin.

24 Ang nilikha ay malayo at (S)totoong malalim; (T)sinong makaaabot?

25 Ako'y pumihit at inilagak (U)ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan:

26 At nakasumpong ako ng bagay na (V)lalong mapait kay sa kamatayan, sa makatuwid baga'y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali: ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya; nguni't ang makasalanan ay makukuha niya.

27 Narito, ito'y aking nasumpungan, sabi (W)ng Mangangaral, na iniaagapay ang isang bagay sa iba, upang matagpuan ang kadahilanan:

28 Na hinahanap pa ng aking kaluluwa, nguni't hindi ko nasumpungan: (X)isang tao sa isang libo ang aking nasumpungan; nguni't isang babae sa lahat ng mga yaon ay hindi ko nasumpungan.

29 Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, (Y)na ginawang matuwid ng Dios ang tao; (Z)nguni't nagsihanap sila ng maraming katha.

Ang mga namumuno ay dapat na igalang.

Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? (AA)Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.

Ipinapayo ko sa iyo, (AB)ingatan mo ang utos ng hari, at siya'y dahil sa (AC)sumpa ng Dios.

Huwag kang magmadaling (AD)umalis sa kaniyang harapan; huwag kang mamalagi sa masamang bagay: sapagka't kaniyang ginagawa ang anomang kaniyang kalugdan.

Sapagka't ang salita ng hari ay may kapangyarihan; at (AE)sinong makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?

Ang nagiingat ng utos ay hindi makakaalam ng masamang bagay; at ang puso ng pantas ay nagbubulay ng panahon at kahatulan:

Sapagka't (AF)sa bawa't panukala ay may kapanahunan at kahatulan; sapagka't ang karalitaan ng tao ay malaki sa kaniya:

Sapagka't (AG)hindi niya nalalaman ang mangyayari; sapagka't sinong makapagsasaysay sa kaniya, kung paanong mangyayari?

Walang tao na may kapangyarihan sa (AH)diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan; at walang dahilan sa pakikipagpunyaging yaon: ni maililigtas siya ng kasamaan, na taglay niya.

Ang hindi pagkakapantaypantay ng buhay.

Lahat ng ito ay nakita ko, at inihilig ko ang aking puso sa bawa't gawa, na nagawa sa ilalim ng araw: may panahon na ang isa ay may kapangyarihan sa isa sa kaniyang kapahamakan.

10 At gayon din nakita ko ang masama na nakalibing, at nagsidating sa hukay; at silang nagsigawa ng matuwid ay nagsialis sa dakong banal, at nalimutan sa bayan: ito man ay walang kabuluhan.

11 Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay (AI)hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan.

12 Bagaman ang makasalanan ay gumawa ng kasamaan na makaisang daan, at humaba ang kaniyang buhay, gayon ma'y tunay, na talastas ko, (AJ)na ikabubuti nilang nangatatakot sa Dios, na nangatatakot sa harap niya:

13 Nguni't hindi ikabubuti ng masama, ni hahaba man ang kaniyang buhay na (AK)parang isang anino; sapagka't siya'y hindi natatakot sa harap ng Dios.

14 May walang kabuluhan na nangyayari sa lupa; (AL)na may mga matuwid na tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng masama; muli, may mga masamang tao na kinapapangyarihan ng ayon sa gawa ng matuwid; aking sinabi, na ito man ay walang kabuluhan.

15 Nang magkagayo'y (AM)pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw.

Ang hiwaga ng mga gawa ng Panginoon.

16 Nang aking ikiling ang aking puso upang makaalam ng karunungan, (AN)at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa: (sapagka't may hindi nakakakita ng tulog ng kahit araw o gabi man ng kaniyang mga mata:)

17 Namasdan ko nga ang lahat ng gawa ng Dios, na hindi matalastas (AO)ng tao ang gawa na ginagawa sa ilalim ng araw: sapagka't sikaping mainam man ng tao na hanapin, ay hindi rin masusumpungan; oo, bukod dito, bagaman isipin ng pantas na maalaman (AP)hindi rin niya masusumpungan.

Ang hiwaga ng mga gawa ng Panginoon.

Sapagka't lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso, upang siyasatin ang lahat ng ito; (AQ)na ang matuwid, at ang pantas, at ang kanilang mga gawa, ay nangasa kamay ng Dios: maging pagibig o pagtatanim hindi nalalaman ng tao; lahat ay nangasa harap nila.

Lahat ng mga bagay ay (AR)nagsisidating na parapara sa lahat: (AS)may isang pangyayari sa matuwid at sa masama; sa mabuti, at sa malinis, at sa marumi; sa kaniyang naghahain at sa kaniyang hindi naghahain: kung paano ang mabuti, gayon ang makasalanan; at ang sumusumpa, gaya ng natatakot sa sumpa.

Ito'y isang kasamaan sa lahat na nalikha sa ilalim ng araw, na may isang pangyayari sa lahat: oo, gayon din, ang puso ng mga anak ng mga tao ay puspos ng kasamaan, at kaululan ang nasa kanilang puso habang sila'y nangabubuhay, at pagkatapos niyaon ay napatutungo sa pagkamatay.

Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buháy na aso ay maigi kay sa patay na leon.

Sapagka't nalalaman ng mga buháy, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman (AT)ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala (AU)sa kanila ay nakalimutan.

Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.

Yumaon ka ng iyong lakad, (AV)kumain ka ng iyong tinapay na may kagalakan, at uminom ka ng iyong alak na may masayang puso; sapagka't tinanggap na ng Dios ang iyong mga gawa.

Maging maputing lagi ang iyong mga suot; at huwag magkulang ng unguento ang iyong ulo.

Ikaw ay mabuhay na masaya na kalakip ng asawa na iyong iniibig sa lahat ng mga kaarawan ng buhay ng iyong walang kabuluhan, na kaniyang ibinigay sa iyo sa ilalim ng araw, lahat ng mga kaarawan ng iyong walang kabuluhan: (AW)sapagka't iyan ang iyong bahagi sa buhay, at sa iyong gawa na iyong ginagawa sa ilalim ng araw.

10 Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan.

Ang pangyayari sa buhay ay hindi tiyak.

11 (AX)Ako'y bumalik, at nakita ko sa ilalim ng araw, na ang paguunahan ay (AY)hindi sa mga matulin, ni ang pagbabaka man ay sa mga malakas, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong naguunawa, ni ang kaloob man ay sa taong matalino; kundi ang panahon at kapalaran ay mangyayari sa kanilang lahat.

12 (AZ)Sapagka't hindi rin nalalaman ng tao ang kaniyang kapanahunan: kung paano ang mga isda na nahuhuli sa masamang lambat, at kung paano ang mga ibon na nahuhuli sa bitag, gayon ang mga anak ng mga tao, (BA)ay nasisilo sa masamang kapanahunan, pagka biglang nahuhulog sa kanila.

Ang kadakilaan ng karunungan.

13 Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw, sa ganitong anyo, at naging tila dakila sa akin:

14 Nagkaroon ng maliit na bayan, at iilan ang tao sa loob niyaon; at may dumating na dakilang hari laban doon, at kumubkob, at nagtayo ng mga malaking tanggulan laban doon:

15 May nasumpungan nga roong isang dukhang pantas na lalake, at iniligtas niya ng kaniyang karunungan ang bayan; gayon ma'y walang umalaala sa dukhang lalaking yaon.

16 Nang magkagayo'y sinabi ko, Karunungan ay (BB)maigi kay sa kalakasan: gayon ma'y (BC)karunungan ng dukhang taong yaon ay hinamak, at ang kaniyang mga salita ay hindi dinidinig.

17 Ang mga salita ng pantas na sinalitang marahan ay narinig na higit kay sa hiyaw ng nagpupuno sa mga mangmang.

18 Karunungan ay (BD)maigi kay sa mga sandata sa pakikipagdigma: nguni't ang (BE)isang makasalanan ay sumisira ng maraming mabuti.

2 Corinto 7:8-16

Sapagka't (A)bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang),

Ngayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin.

10 Sapagka't (B)ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng (C)pagsisisi sa ikaliligtas, (D)na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.

11 Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't (E)gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong (F)paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay (G)sa bagay na ito.

12 Kaya nga, bagama't ako'y sumulat sa inyo, ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian, ni (H)dahil doon sa nagbata ng kamalian, (I)kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios.

13 Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni (J)Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat.

14 Sapagka't (K)kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwa't kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo.

15 At ang kaniyang (L)pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo, samantalang naaalaala niya (M)ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya'y tinanggap ninyo na may takot at panginginig.

16 Ako'y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo.

Mga Awit 48

Awit; Salmo ng mga anak ni Core.

48 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
(A)Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang (B)banal na bundok.
(C)Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong (D)lupa,
Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,
(E)Na bayan ng dakilang Hari.
Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong,
Sila'y nagsidaang magkakasama.
Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;
Sila'y nanganglupaypay, sila'y (F)nangagmadaling tumakas.
(G)Panginginig ay humawak sa kanila roon;
Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
(H)Sa pamamagitan ng hanging silanganan
Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita
Sa (I)bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:
(J)Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang (K)iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga (L)anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa (M)susunod na lahi.
14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating (N)patnubay hanggang sa kamatayan.

Mga Kawikaan 22:17-19

17 Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas,
At ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman.
18 Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo,
Kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi.
19 Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon,
Aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978