The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CEV. Switch to the CEV to read along with the audio.
Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.
12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (A)Ako nga; (B)ako ang una, ako rin ang huli.
13 Oo, ang aking kamay ay siyang (C)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.
14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; (D)sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? (E)Siyang iniibig ng Panginoon ay (F)kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga (G)Caldeo.
15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; (H)aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.
16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (I)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (J)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.
17 Ganito ang sabi ng (K)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.
18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! (L)ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:
19 Ang (M)iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.
20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, (N)inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, (O)Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.
21 (P)At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; (Q)kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.
22 Walang kapayapaan (R)sa masama, sabi ng Panginoon.
Mayamang mga pangako sa nalulungkot na Sion.
49 Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh (S)mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng (T)Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:
2 At kaniyang ginawa ang (U)aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:
3 At sinabi niya sa akin, Ikaw ay (V)aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati.
4 Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang (W)walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; (X)gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios.
5 At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)
6 Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na (Y)pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.
7 (Z)Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, (AA)doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.
8 Ganito ang sabi ng Panginoon, (AB)Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: (AC)at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;
9 Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.
10 (AD)Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; (AE)at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga (AF)bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.
11 At aking gagawing daan ang (AG)lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangan ay patataasin.
12 Narito, (AH)ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay (AI)mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim.
13 Ikaw ay umawit, Oh langit; (AJ)at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.
14 Nguni't sinabi ng Sion, (AK)Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon.
15 Malilimutan ba ng babae (AL)ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, (AM)nguni't hindi kita kalilimutan.
16 Narito (AN)aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko.
17 Ang iyong mga anak ay mangagmamadali; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa iyo.
18 Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot, (AO)at tingnan mo: lahat ng mga ito ay nagpipipisan, at naparirito sa iyo. Buháy ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay mabibihisan (AP)ng lahat ng mga yaon, na parang pinakagayak, at mabibigkisan ka (AQ)ng mga yaon na parang isang kasintahang babae.
19 Sapagka't tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak, tunay na ikaw (AR)ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan, at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo.
20 (AS)Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig, Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin: (AT)bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan.
21 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa iyong sarili, (AU)Sinong nanganak ng mga ito sa akin, dangang nawalan ako ng aking mga anak, at ako'y nagiisa, tapon, at lumalaboy na paroo't parito? at sinong nagpalaki ng mga ito? Narito, ako'y naiwang magisa; mga ito, saan nangandoon?
22 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (AV)Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan; at sila'y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat.
23 (AW)At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama, at ang kanilang mga reina, ay iyong mga taga kandiling ina: sila'y magsisiyukod sa iyo (AX)ng kanilang mga mukha sa lupa, at (AY)hihimuran ang alabok ng inyong mga paa: at iyong makikilala, na ako ang Panginoon, at ang nangaghihintay sa akin ay (AZ)hindi mangapapahiya.
24 Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan, o maliligtas ang mga talagang nabihag?
25 Nguni't ganito ang sabi ng Panginoon, Pati ng mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin, at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas; (BA)sapagka't ako'y makikipaglaban sa kaniya na nakikipaglaban sa iyo, at aking ililigtas ang iyong mga anak.
26 (BB)At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman; at sila'y mangalalango ng (BC)kanilang sariling dugo, na gaya ng matamis na alak: at (BD)makikilala ng lahat ng tao, na akong Panginoon ay iyong Tagapagligtas, at iyong (BE)Manunubos, na (BF)Makapangyarihan ng Jacob.
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
50 Ganito ang sabi ng Panginoon, (BG)Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? (BH)o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili (BI)kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.
2 Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y (BJ)tumawag, ay walang sumagot? (BK)naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? (BL)Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: (BM)ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.
3 Aking binibihisan ng kaitiman ang langit (BN)at aking ginagawang (BO)kayong magaspang ang kaniyang takip.
4 Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, (BP)upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. (BQ)Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.
5 Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y (BR)hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.
6 (BS)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (BT)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
7 Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't (BU)inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, (BV)at talastas ko na hindi ako mapapahiya.
8 Siya'y malapit (BW)na nagpapatotoo sa akin; (BX)sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.
9 Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? (BY)narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin (BZ)sila ng tanga.
10 Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? (CA)Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, (CB)at umasa sa kaniyang Dios.
11 Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. (CC)Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga (CD)sa kapanglawan.
17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (A)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (B)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,
18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (C)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (D)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
19 Na sila (E)sa (F)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.
20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;
21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (G)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
22 At (H)inyong iwan, (I)tungkol sa (J)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (K)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
23 At (L)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
24 At kayo'y mangagbihis (M)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (N)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (O)mga sangkap na isa't isa sa atin.
26 Kayo'y mangagalit (P)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:
27 Ni bigyan daan man ang diablo.
28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (Q)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (R)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.
29 (S)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (T)biyaya ang mga nagsisipakinig.
30 At (U)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (V)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (W)pagkatubos.
31 Ang lahat ng kapaitan, (X)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
32 At (Y)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (Z)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.
69 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't (A)ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
2 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:
Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
3 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo:
Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
4 (B)Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:
Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:
(C)Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;
At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
6 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo,
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo:
Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
7 Sapagka't (D)dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan;
Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
8 (E)Ako'y naging iba sa aking mga kapatid,
At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
9 (F)Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay;
(G)At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa,
Yao'y pagkaduwahagi sa akin.
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,
Ay naging kawikaan ako sa kanila.
12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan;
At ako ang awit ng mga lango.
13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, (H)sa isang kalugodlugod na panahon:
Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
14 (I)Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog:
Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
15 Huwag akong tangayin ng baha,
Ni lamunin man ako ng kalaliman:
At huwag takpan ng (J)hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti:
(K)Ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod;
Sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo:
Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978