Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Jeremias 10-11

Huwad at Tunay na Pagsamba

10 Pakinggan ninyo ang salita na sinasabi ng Panginoon sa inyo, O sambahayan ng Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon:

“Huwag ninyong pag-aralan ang lakad ng mga bansa,
    ni mabagabag sa mga tanda ng mga langit,
    sapagkat ang mga bansa ay nababagabag sa mga iyon,
sapagkat ang mga kaugalian ng mga sambayanan ay walang kabuluhan.
Isang punungkahoy mula sa gubat ang pinuputol,
    at nilililok sa pamamagitan ng palakol ng mga kamay ng manlililok.
Ginagayakan ito ng mga tao ng pilak at ginto;
    pinatatatag nila ito ng martilyo at mga pako,
    upang huwag itong makilos.
Sila ay gaya ng mga panakot-uwak sa gitna ng taniman ng pipino,
    at hindi sila makapagsalita.
Kailangan silang pasanin,
    sapagkat hindi sila makalakad.
Huwag ninyong katakutan ang mga iyon,
    sapagkat sila'y hindi makakagawa ng masama,
    ni wala ring magagawang mabuti.”

Walang gaya mo, O Panginoon;
    ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan.
Sinong(A) hindi matatakot sa iyo, O Hari ng mga bansa?
    Sapagkat ito'y nararapat sa iyo;
sapagkat sa lahat ng mga pantas ng mga bansa
    at sa lahat nilang mga kaharian
    ay walang gaya mo.
Sila'y pawang mga mangmang at hangal,
    ang turo ng mga diyus-diyosan ay kahoy lamang!
Pinitpit na pilak ang dinadala mula sa Tarsis,
    at ginto mula sa Uphaz.
Ang mga ito'y gawa ng manlililok at ng mga kamay ng platero;
    ang kanilang damit ay bughaw at kulay ube;
    ang mga ito'y gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.
10 Ngunit ang Panginoon ang tunay na Diyos;
    siya ang buháy na Diyos at walang hanggang Hari.
Sa kanyang poot ang lupa'y nayayanig,
    at hindi matatagalan ng mga bansa ang kanyang galit.

11 Kaya't ganito ang inyong sasabihin sa kanila: “Ang mga diyos na hindi gumawa ng langit at ng lupa ay malilipol sa lupa, at sa silong ng mga langit.”[a]

12 Siya ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan,
    na nagtatag ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang karunungan,
    at sa pamamagitan ng kanyang kaunawaan ay iniladlad niya ang kalangitan.
13 Kapag siya'y nagsasalita
    ay may hugong ng tubig sa mga langit,
    at kanyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa.
Gumagawa siya ng mga kidlat para sa ulan,
    at naglalabas siya ng hangin mula sa kanyang mga kamalig.
14 Bawat tao ay hangal at walang kaalaman;
    bawat platero ay inilalagay sa kahihiyan ng kanyang mga diyus-diyosan;
sapagkat ang kanyang mga larawan ay kabulaanan,
    at walang hininga sa mga iyon.
15 Sila'y walang kabuluhan, isang gawa ng panlilinlang;
    sa panahon ng pagpaparusa sa kanila ay malilipol sila.
16 Hindi gaya ng mga ito ang bahagi ng Jacob,
    sapagkat siya ang nag-anyo sa lahat ng mga bagay;
at ang Israel ay siyang lipi ng kanyang mana;
    ang Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan.

Ang Darating na Pagkabihag

17 Pulutin mo ang iyong balutan mula sa lupa,
    O ikaw na nakukubkob!
18 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon:
“Narito, aking ihahagis palabas ang mga naninirahan sa lupain
    sa panahong ito,
at ako'y magdadala ng kahirapan sa kanila
    upang ito'y maramdaman nila.”

19 Kahabag-habag ako dahil sa aking sugat!
    Malubha ang aking sugat.
Ngunit aking sinabi, “Tunay na ito ay isang paghihirap,
    at dapat kong tiisin.”
20 Ang aking tolda ay nagiba,
    at lahat ng panali ko ay napatid;
iniwan ako ng aking mga anak,
    at sila'y wala na;
wala nang magtatayo pa ng aking tolda,
    at magtataas ng aking mga tabing.
21 Sapagkat ang mga pastol ay naging hangal,
    at hindi sumasangguni sa Panginoon;
kaya't hindi sila umuunlad,
    at lahat nilang kawan ay nakakalat.

22 Pakinggan ninyo, isang ingay! Tingnan ninyo, ito'y dumarating—
    isang malaking kaguluhan mula sa hilagang lupain,
upang wasakin ang mga lunsod ng Juda,
    at gawing tahanan ng mga asong-gubat.

23 Alam ko, O Panginoon, na ang lakad ng tao ay wala sa kanyang sarili;
    wala sa taong lumalakad ang magtuwid ng kanyang mga hakbang.
24 Ituwid mo ako, O Panginoon, ngunit sa katarungan,
    huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala.

25 Ibuhos mo ang iyong poot sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyo,
    at sa mga bayan na hindi tumatawag sa iyong pangalan;
sapagkat kanilang nilamon ang Jacob,
    kanilang nilamon siya, at nilipol siya,
    at winasak ang kanyang tahanan.

Si Jeremias at ang Tipan

11 Ang salitang dumating kay Jeremias mula sa Panginoon na nagsasabi,

“Pakinggan ninyo ang mga salita ng tipang ito, at sabihin ninyo sa mga mamamayan ng Juda at mamamayan ng Jerusalem.

Sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel: Sumpain ang taong hindi nakikinig sa mga salita ng tipang ito,

na aking iniutos sa inyong mga ninuno, nang araw na aking inilabas sila mula sa lupain ng Ehipto, mula sa hurnong bakal, na sinasabi, Makinig kayo sa aking tinig, at gawin ninyo ang lahat ng iniuutos ko sa inyo. Sa gayo'y magiging bayan ko kayo, at ako'y magiging inyong Diyos,

upang aking maisagawa ang aking ipinangako sa inyong mga ninuno, na bibigyan ko sila ng isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, gaya sa araw na ito.” Nang magkagayo'y sumagot ako, “Amen, O Panginoon.”

At sinabi ng Panginoon sa akin, “Ipahayag mo ang lahat ng mga salitang ito sa mga lunsod ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem: Pakinggan ninyo ang mga salita ng tipang ito at inyong isagawa.

Sapagkat taimtim kong binalaan ang inyong mga ninuno nang araw na aking iahon sila sa lupain ng Ehipto at patuloy ko silang binabalaan hanggang sa araw na ito, na aking sinasabi, Sundin ninyo ang aking tinig.

Gayunma'y hindi sila sumunod o ikiniling man ang kanilang pandinig, kundi lumakad ang bawat isa sa katigasan ng kanyang masamang puso. Kaya't dinala ko sa kanila ang lahat ng salita ng tipang ito, na iniutos kong gawin nila, ngunit hindi nila ginawa.”

Pinagbantaan si Jeremias

At sinabi sa akin ng Panginoon, “May sabwatang natagpuan sa mga kalalakihan ng Juda at sa mga mamamayan ng Jerusalem.

10 Sila'y bumalik sa mga kasamaan ng kanilang mga ninuno na tumangging makinig sa aking mga salita. Sila'y nagsisunod sa ibang mga diyos upang paglingkuran ang mga iyon. Sinira ng sambahayan ng Israel at ng Juda ang tipan na aking ginawa sa kanilang mga ninuno.

11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala sa kanila ng kasamaan na hindi nila matatakasan. Bagaman sila'y dumaing sa akin, hindi ko sila papakinggan.

12 Kung magkagayo'y hahayo at dadaing ang mga lunsod ng Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem sa mga diyos na kanilang pinaghandugan ng insenso, ngunit hindi sila maililigtas sa panahon ng kanilang kagipitan.

13 Sapagkat ang iyong mga diyos ay naging kasindami ng iyong mga bayan, O Juda; at kasindami ng mga lansangan ng Jerusalem ang mga dambana na inyong itinayo sa kahihiyan, mga dambana upang pagsunugan ng insenso kay Baal.

14 “Kaya't huwag kang manalangin para sa bayang ito, o dumaing alang-alang sa kanila, sapagkat hindi ako makikinig kapag sila'y tumawag sa akin sa panahon ng kanilang kagipitan.

15 Anong karapatan mayroon ang aking minamahal sa aking bahay, gayong siya'y gumawa ng napakasamang mga gawa? Mailalayo ba ng mga panata at handog na laman ang iyong kapahamakan? Makapagsasaya ka pa ba?

16 Tinawag ka ng Panginoon na, ‘Luntiang puno ng olibo, maganda at may mabuting bunga;’ ngunit sa pamamagitan ng ingay ng malakas na bagyo ay susunugin niya ito, at ang mga sanga nito ay matutupok.

17 Ang Panginoon ng mga hukbo na nagtanim sa iyo ay nagpahayag ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaang ginawa ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ng Juda. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog kay Baal.”

18 Ipinaalam iyon sa akin ng Panginoon at nalaman ko;
    pagkatapos ay ipinakita mo sa akin ang kanilang masasamang gawa.
19 Ngunit ako'y naging gaya ng maamong kordero
    na inaakay patungo sa katayan.
Hindi ko alam na laban sa akin
    ay gumawa sila ng mga pakana, na sinasabi,
“Sirain natin ang punungkahoy at ang bunga nito,
    at ihiwalay natin siya sa lupain ng mga nabubuhay,
    upang ang kanyang pangalan ay hindi na maalala.”
20 Ngunit, O Panginoon ng mga hukbo, na humahatol ng matuwid,
    na sumusubok sa puso[b] at sa pag-iisip,
ipakita mo sa akin ang iyong paghihiganti sa kanila,
    sapagkat sa iyo'y inihayag ko ang aking ipinaglalaban.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalaki ng Anatot na nagbabanta sa iyong buhay, at nagsasabi, “Huwag kang magsalita ng propesiya sa pangalan ng Panginoon, kung hindi ay mamamatay ka sa aming kamay”—

22 kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: “Parurusahan ko sila. Ang mga kabataang lalaki ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, ang kanilang mga anak na lalaki at babae ay mamamatay sa gutom.

23 Walang matitira sa kanila sapagkat ako'y magdadala ng kasamaan sa mga mamamayan ng Anatot, sa taon ng pagdalaw sa kanila.”

Colosas 3:18-4

Mga Tuntunin sa mga Pamilyang Cristiano

18 Mga(A) babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.

19 Mga(B) lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila.

20 Mga(C) anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y nakakalugod sa Panginoon.

21 Mga ama,(D) huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, baka manghina ang loob nila.

22 Mga(E) alipin, sumunod kayo sa lahat ng mga bagay sa mga panginoon ninyo sa lupa, hindi naglilingkod kung may tumitingin, na gaya ng pagbibigay-lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na may takot sa Panginoon.

23 Anuman ang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;

24 yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang gantimpalang mana. Paglingkuran ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo.

25 Sapagkat(F) ang gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanyang ginawa; at walang itinatanging tao.

Mga(G) panginoon, pakitunguhan ninyo ang inyong mga alipin nang matuwid at makatarungan, yamang nalalaman ninyo na kayo man ay mayroon ding Panginoon sa langit.

Iba Pang Tagubilin

Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo'y magbantay na may pagpapasalamat.

At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,

upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.

Lumakad(H) kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa.

Mga Pagbati at Basbas

Ang(I) lahat na mga bagay tungkol sa akin ay ipababatid sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kapwa alipin sa Panginoon.

Siya(J) ang aking sinugo sa inyo ukol sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso;

kasama(K) niya si Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng mga bagay na nangyayari dito.

10 Binabati(L) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe—tungkol sa kanya'y tumanggap kayo ng mga utos—kung magpupunta siya sa inyo, siya ay inyong tanggapin,

11 at si Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang sa aking mga kamanggagawa sa kaharian ng Diyos ang kabilang sa pagtutuli at sila'y naging kaaliwan ko.

12 Binabati(M) kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos.

13 Sapagkat nagpapatotoo ako para sa kanya na siya'y labis na nagpagal para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa mga nasa Hierapolis.

14 Binabati(N) kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.

15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, at si Nimfa, at ang iglesyang nasa kanyang bahay.

16 At kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, ay ipabasa rin ninyo sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.

17 At(O) sabihin ninyo kay Arquipo, “Sikapin mong gampanan ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon.”

18 Akong si Pablo ay sumusulat ng pagbating ito ng sarili kong kamay. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[a]

Mga Awit 78:56-72

56 Gayunma'y(A) kanilang sinubukan at naghimagsik sila sa Diyos na Kataas-taasan,
    at ang kanyang mga patotoo ay hindi iningatan;
57 kundi tumalikod at gumawang may kataksilan na gaya ng kanilang mga magulang;
    sila'y bumaluktot na gaya ng mandarayang pana.
58 Sapagkat kanilang ginalit siya sa pamamagitan ng kanilang matataas na dako,
    kanilang pinapanibugho siya sa pamamagitan ng kanilang mga larawang nililok.
59 Nang marinig ito ng Diyos, sa poot siya ay napuspos,
    at ang Israel ay kinayamutang lubos.
60 Kanyang(B) pinabayaan ang kanyang tahanan sa Shilo,
    ang tolda na kanyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 at(C) ibinigay sa pagkabihag ang kanyang kalakasan,
    ang kanyang kaluwalhatian sa kamay ng kaaway.
62 Ibinigay niya ang kanyang bayan sa espada,
    at ibinulalas ang kanyang poot sa kanyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang kabinataan,
    at ang mga dalaga nila'y walang awit ng kasalan.
64 Ang kanilang mga pari ay ibinuwal ng tabak;
    at ang mga balo nila'y hindi makaiyak.
65 Nang magkagayon ang Panginoon sa pagtulog ay gumising,
    gaya ng malakas na tao na sumisigaw dahil sa pagkalasing.
66 At sinaktan niya sa likod ang kanyang mga kaaway;
    sa walang hanggang kahihiyan, kanya silang inilagay.

67 Ang tolda ni Jose ay kanyang itinakuwil,
    hindi niya pinili ang lipi ni Efraim;
68 kundi ang lipi ni Juda ang kanyang pinili,
    ang bundok ng Zion na kanyang minamahal.
69 Itinayo niya ang kanyang santuwaryo na gaya ng mga kataasan,
    gaya ng lupa na kanyang itinatag magpakailanman.
70 Pinili(D) niya si David na lingkod niya,
    at kanyang kinuha siya mula sa kulungan ng mga tupa.
71 Mula sa pag-aalaga ng mga pasusuhing tupa siya ay kanyang dinala,
    upang maging pastol ng Jacob na bayan niya,
    ng Israel na kanyang pamana.
72 Kaya't siya'y nagpastol sa kanila ayon sa katapatan ng kanyang puso,
    at kanyang pinatnubayan sila ng sanay na mga kamay.

Mga Kawikaan 24:28-29

28 Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang kadahilanan;
    at sa pamamagitan ng iyong mga labi ay huwag kang manlinlang.
29 Huwag mong sabihin, “Gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin;
    kung anong ginawa niya, iyon ang igaganti ko sa kanya.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001