The Daily Audio Bible
Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.
24 At sinabi ni Jeremias sa buong bayan at sa lahat ng kababaihan, “Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, kayong lahat na taga-Juda na nasa lupain ng Ehipto,
25 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: Kayo at ang inyong mga asawa ay nagpahayag ng inyong mga bibig, at tinupad ng inyong mga kamay, na nagsasabi, ‘Tiyak na tutuparin namin ang mga panata na aming ginawa, na magsunog ng insenso sa reyna ng langit, at ipagbuhos siya ng mga inuming handog.’ Sige, pagtibayin ninyo ang inyong mga panata at tuparin ang inyong mga panata!
26 Kaya't inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, kayong lahat na taga-Juda na naninirahan sa lupain ng Ehipto: Ako'y sumumpa sa pamamagitan ng aking dakilang pangalan, sabi ng Panginoon, na ang aking pangalan ay hindi na sasambitin sa bibig ng sinumang tao sa Juda sa buong lupain ng Ehipto, na sasabihin, ‘Habang buháy ang Panginoong Diyos.’
27 Tingnan ninyo, nagmamasid ako sa kanila sa ikasasama at hindi sa ikabubuti. Lahat ng tao ng Juda na nasa lupain ng Ehipto ay malilipol sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom, hanggang sa sila'y magkaroon ng wakas.
28 At ang makakatakas sa tabak na babalik sa lupain ng Juda mula sa lupain ng Ehipto ay kaunti sa bilang. At ang buong nalabi ng Juda na dumating sa lupain ng Ehipto upang manirahan doon ay makakaalam kung kaninong salita ang tatayo, ang sa akin o sa kanila.
29 Ito ang magiging tanda sa inyo, sabi ng Panginoon, parurusahan ko kayo sa lugar na ito, upang inyong malaman na ang aking salita laban sa inyo ay tiyak na tatayo laban sa inyo sa ikapipinsala.
30 Ganito(A) ang sabi ng Panginoon, Narito, ibibigay ko si Faraon Hophra na hari ng Ehipto sa kamay ng kanyang mga kaaway at ng mga nagtatangka sa kanyang buhay; kung paanong ibinigay ko si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia, na kanyang kaaway at nagtangka sa kanyang buhay.”
Ang Pangako ng Panginoon kay Baruc
45 Ang(B) salita na sinabi ni propeta Jeremias kay Baruc na anak ni Nerias, nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat mula sa bibig ni Jeremias, nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda, na sinasabi,
2 “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, sa iyo, O Baruc:
3 Iyong sinabi, ‘Kahabag-habag ako! Sapagkat ang Panginoon ay nagdagdag ng kalungkutan sa aking sakit; ako'y pagod na sa pagdaing, at wala akong kapahingahan.’
4 Ganito ang sasabihin mo sa kanya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, ang aking itinayo ay aking ibinabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin, ito'y ang buong lupain.
5 At ikaw, naghahanap ka ba ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? Huwag mo nang hanapin ang mga iyon, sapagkat, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng laman, sabi ng Panginoon; ngunit ibibigay ko ang iyong buhay bilang gantimpala ng digmaan sa lahat ng dakong iyong pupuntahan.”
Ang Pagkatalo ng Ehipto sa Carquemis
46 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga bansa.
2 Tungkol(C) sa Ehipto. Tungkol sa hukbo ni Faraon Neco, na hari ng Ehipto na nasa tabi ng ilog ng Eufrates, sa Carquemis, na tinalo ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia, nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda:
3 “Ihanda ninyo ang panangga at kalasag,
at kayo'y lumapit sa pakikipaglaban!
4 Singkawan ninyo ang mga kabayo,
kayo'y sumakay, O mga mangangabayo!
Humanay kayo na may helmet;
pakintabin ang inyong mga sibat,
at isuot ang inyong kasuotang pandigma!
5 Bakit ko nakita iyon?
Sila'y nanlulupaypay
at nagsisibalik.
Ang kanilang mga mandirigma ay ibinuwal
at mabilis na tumakas;
hindi sila lumilingon—
ang pagkasindak ay nasa bawat panig! sabi ng Panginoon.
6 Ang maliksi ay huwag tumakbo,
ni ang malakas ay tumakas;
sa hilaga sa tabi ng Ilog Eufrates
sila ay natisod at bumagsak.
7 “Sino itong bumabangon na katulad ng Nilo,
gaya ng mga ilog na ang mga tubig ay bumubulusok?
8 Ang Ehipto ay bumabangong parang Nilo,
gaya ng mga ilog na ang tubig ay bumubulusok.
Kanyang sinabi, Ako'y babangon at tatakpan ko ang lupa.
Aking wawasakin ang lunsod at ang mga mamamayan nito.
9 Sulong, O mga kabayo;
at kayo'y humagibis, O mga karwahe!
Sumalakay kayong mga mandirigma;
mga lalaki ng Etiopia at Put na humahawak ng kalasag;
ang mga lalaki ng Lud, na humahawak at bumabanat ng pana.
10 Sapagkat ang araw na iyon ay sa Panginoong Diyos ng mga hukbo,
isang araw ng paghihiganti,
upang makaganti siya sa kanyang mga kaaway.
Ang tabak ay lalamon at mabubusog,
at magpapakalasing sa dugo nila.
Sapagkat ang Panginoong Diyos ng mga hukbo ay magkakaroon ng pag-aalay
sa hilagang lupain sa tabi ng Ilog Eufrates.
11 Umahon ka sa Gilead, at kumuha ka ng balsamo,
O anak na birhen ng Ehipto!
Walang kabuluhang gumamit ka ng maraming gamot;
hindi ka na gagaling.
12 Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan,
at ang daigdig ay punô ng iyong sigaw,
sapagkat ang mandirigma ay natisod sa kapwa mandirigma,
sila'y magkasamang nabuwal.”
13 Ang(D) salitang sinabi ng Panginoon kay Jeremias na propeta tungkol sa pagdating ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia upang salakayin ang lupain ng Ehipto:
Ang Pagdating ni Nebukadnezar
14 “Ipahayag ninyo sa Ehipto, ihayag sa Migdol,
at ihayag sa Memfis at sa Tafnes;
Sabihin ninyo, ‘Tumayo ka at humanda ka,
sapagkat ang tabak ay lalamon sa palibot mo.’
15 Bakit napayuko ang iyong malalakas?
Hindi sila tumatayo
sapagkat sila'y ibinagsak ng Panginoon.
16 Tinisod niya ang marami, oo, at sila'y nabuwal sa isa't isa.
At sinabi nila sa isa't isa,
‘Bangon, at bumalik tayo sa ating sariling bayan,
at sa ating lupang sinilangan,
malayo sa tabak ng manlulupig.’
17 Sila'y sumigaw roon. ‘Si Faraon, hari ng Ehipto ay isang ingay lamang.
Hinayaan niyang lumipas ang takdang oras!’
18 “Habang buháy ako, sabi ng Hari,
na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo,
tunay na gaya ng Tabor sa gitna ng mga bundok,
at gaya ng Carmel sa tabing dagat,
gayon darating ang isa.
19 Ihanda ninyo ang inyong dala-dalahan para sa pagkabihag,
O, anak na babae na nakatira sa Ehipto!
Sapagkat ang Memfis ay magiging sira,
susunugin at walang maninirahan.
20 “Ang Ehipto ay isang napakagandang dumalagang baka;
ngunit isang salot ang dumarating mula sa hilaga—ito'y dumarating!
21 Maging ang kanyang mga upahang kawal sa gitna niya
ay parang mga pinatabang guya.
Oo, sila ay pumihit at tumakas na magkakasama,
sila'y hindi nakatagal,
sapagkat ang araw ng kanilang pagkapinsala ay dumating sa kanila,
ang panahon ng kanilang kaparusahan.
22 “Siya ay gumagawa ng tunog na gaya ng ahas na gumagapang na papalayo;
sapagkat ang kanyang mga kaaway ay dumarating na may kalakasan,
at dumarating laban sa kanya na may mga palakol,
gaya ng mga mamumutol ng kahoy.
23 Kanilang pinutol ang kanyang kakahuyan, sabi ng Panginoon,
bagaman mahirap pasukin;
sapagkat sila'y higit na marami kaysa mga balang,
sila'y hindi mabilang.
24 Ang anak na babae ng Ehipto ay malalagay sa kahihiyan;
siya'y ibibigay sa kamay ng isang sambayanan mula sa hilaga.”
25 Sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: “Ako'y nagdadala ng kaparusahan sa Amon ng Tebes, at kay Faraon, at sa Ehipto, at sa kanyang mga diyos at sa kanyang mga hari, kay Faraon at sa mga nagtitiwala sa kanya.
26 Ibibigay ko sila sa kamay ng mga nagtatangka sa kanilang buhay, sa kamay ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia at sa kanyang mga pinuno. Pagkatapos ang Ehipto ay tatahanan na gaya ng mga araw noong una, sabi ng Panginoon.
Ililigtas ng Panginoon ang Kanyang Bayan
27 “Ngunit(E) huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod,
ni manlulupaypay, O Israel,
sapagkat, narito, ililigtas kita mula sa malayo,
at ang iyong lahi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag.
Ang Jacob ay babalik at magiging tahimik at tiwasay,
at walang sisindak sa kanya.
28 Huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon,
sapagkat ako'y kasama mo.
Sapagkat lubos kong wawakasan ang lahat ng mga bansa
na aking pinagtabuyan sa iyo;
ngunit ikaw ay hindi ko lubos na wawakasan.
Ngunit parurusahan kita nang hustong sukat,
at hindi kita iiwan sa anumang paraan na hindi mapaparusahan.”
Ang Mensahe ng Panginoon tungkol sa mga Filisteo
47 Ang(F) salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo, bago sinakop ni Faraon ang Gaza.
2 “Ganito ang sabi ng Panginoon:
Narito, ang mga tubig ay umaahon mula sa hilaga,
at magiging nag-uumapaw na baha;
ang mga ito ay aapaw sa lupain at sa lahat ng naroon,
ang lunsod at ang mga naninirahan doon.
Ang mga tao ay sisigaw,
at bawat mamamayan sa lupain ay tatangis.
3 Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kanyang mga kabayo,
sa hagibis ng kanyang mga karwahe, sa ingay ng kanilang mga gulong,
hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak,
dahil sa kahinaan ng kanilang mga kamay,
4 dahil sa araw na dumarating
upang lipulin ang lahat ng Filisteo,
upang ihiwalay sa Tiro at Sidon
ang bawat kakampi na nananatili.
Sapagkat nililipol ng Panginoon ang mga Filisteo,
ang nalabi sa pulo ng Crete.
5 Ang pagiging kalbo ay dumating sa Gaza,
ang Ascalon ay nagiba.
O nalabi ng kanilang libis,
hanggang kailan mo hihiwaan ang iyong sarili?
6 Ah, tabak ng Panginoon!
Hanggang kailan ka hindi tatahimik?
Ilagay mo ang sarili sa iyong kaluban;
ikaw ay magpahinga at tumahimik!
7 Paano ito magiging tahimik
yamang ito'y inatasan ng Panginoon?
Laban sa Ascalon at laban sa baybayin ng dagat
ay itinakda niya ito.”
22 Ngunit layuan mo ang masasamang pagnanasa ng kabataan at sundin mo ang katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, at kapayapaan, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon mula sa malinis na puso.
23 Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ang mga ito ng mga away.
24 Ang alipin ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, kundi maamo sa lahat, mahusay magturo, matiyaga,
25 tinuturuan nang may kaamuan ang mga sumasalungat, baka sakaling pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan,
26 at sila'y matauhan at makawala sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban.[a]
Kasamaan sa mga Huling Araw
3 Ngunit unawain mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kapighatian.
2 Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapanlait, suwail sa mga magulang, mga walang utang na loob, walang kabanalan,
3 walang katutubong pag-ibig, mga walang habag, mga mapanirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mababangis, mga hindi maibigin sa mabuti,
4 mga taksil, matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan sa halip na mga maibigin sa Diyos;
5 na may anyo ng kabanalan, ngunit tinatanggihan ang kapangyarihan nito. Lumayo ka rin naman sa mga ito.
6 Sapagkat mula sa mga ito ang mga pumapasok sa sambahayan, at binibihag ang mga hangal na babae na punô ng mga kasalanan, at hinihila ng mga iba't ibang pagnanasa,
7 na laging nag-aaral at kailanman ay hindi nakakarating sa pagkakilala ng katotohanan.
8 Kung(A) paanong sina Janes at Jambres ay sumalungat kay Moises, ang mga ito'y sumasalungat din sa katotohanan, mga taong masasama ang pag-iisip at mga nagtakuwil sa pananampalataya.
9 Ngunit sila'y hindi magpapatuloy, sapagkat mahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kahangalan, gaya ng nangyari sa mga lalaking iyon.
Mga Huling Habilin
10 Ngayon, sinunod mong mabuti ang aking aral, pamumuhay, layunin, pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig, at pagtitiis,
11 mga(B) pag-uusig, mga pagdurusa, anumang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, Iconio, Listra. Napakaraming pag-uusig ang tiniis ko! Ngunit sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon.
12 Tunay na ang lahat ng ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay daranas ng pag-uusig.
13 Subalit ang masasamang tao at mga mandaraya ay lalong sasama nang sasama, sila'y mandaraya at madadaya.
14 Subalit manatili ka sa mga bagay na iyong natutunan at matatag na pinaniwalaan, yamang nalalaman mo kung kanino ka natuto,
15 at kung paanong mula sa pagkabata ay iyong nalaman ang mga banal na kasulatan na makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
16 Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran,
17 upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
Ang Diyos na Hukom ng Lahat
94 O Panginoon, ikaw na Diyos ng paghihiganti,
ikaw na Diyos ng paghihiganti, magningning ka.
2 Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa,
ibigay mo sa palalo ang nararapat sa kanila.
3 O Panginoon, hanggang kailan ang masama,
hanggang kailan magsasaya ang masama?
4 Ibinubuhos nila ang kanilang mga salita, nang may kayabangan,
lahat ng gumagawa ng kasamaan ay nagmamalaki.
5 O Panginoon, kanilang dinurog ang iyong bayan,
at ang iyong mana ay sinaktan.
6 Kanilang pinatay ang balo at ang dayuhan,
ang ulila ay kanilang pinatay.
7 At kanilang sinasabi, “Hindi nakikita ng Panginoon,
ni hindi pinapansin ng Diyos ni Jacob.”
8 Unawain ninyo, kayong mga hangal sa gitna ng bayan!
Kailan kayo magiging matatalino, mga hangal?
9 Siyang naglagay ng pandinig, hindi ba siya nakakarinig?
Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 Siyang sumusupil sa mga bansa,
hindi ba siya'y nagpaparusa,
siya na nagtuturo ng kaalaman?
11 Ang(A) mga pag-iisip ng tao ay ang Panginoon ang nakakaalam,
sila'y gaya lamang ng hiningang walang laman.
12 O Panginoon, mapalad ang tao na iyong sinusupil,
at tinuturuan ng iyong kautusan,
13 upang mabigyan siya ng kapahingahan mula sa mga araw ng kaguluhan,
hanggang ang hukay para sa masama ay maihanda.
14 Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang bayan niya,
hindi niya iiwan ang kanyang mana;
15 sapagkat ang katarungan ay babalik sa katuwiran,
at ito ay susundin ng lahat ng may matuwid na puso.
16 Sino ang babangon para sa akin laban sa masama?
Sinong tatayo para sa akin laban sa mga gumagawa ng kasamaan?
17 Kung ang Panginoon ay hindi ko naging saklolo,
ang kaluluwa ko'y maninirahan na sana sa lupain ng katahimikan.
18 Nang aking sabihin, “Ang aking paa ay dumulas,”
O Panginoon, aalalayan mo ako ng iyong pag-ibig na wagas.
19 Kapag sa aking puso ay maraming pag-aalaala,
ang iyong mga pag-aliw ay nagpapasaya sa aking kaluluwa.
20 Makakasanib ba sa iyo ang trono ng kasamaan,
silang bumabalangkas ng masama sa pamamagitan ng batas?
21 Sila'y nagsasama-sama laban sa buhay ng matuwid,
at hinahatulan ng kamatayan ang walang sala.
22 Ngunit ang Panginoon ay naging aking muog;
at ang Diyos ko'y malaking bato na aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan,
at papawiin sila dahil sa kanilang kasamaan;
papawiin sila ng Panginoon naming Diyos.
6 Siyang nagpapadala ng mensahe sa kamay ng hangal,
ay pumuputol sa sarili niyang mga paa at umiinom ng karahasan.
7 Tulad ng mga binti ng pilay na nakabiting walang kabuluhan,
gayon ang kawikaan sa bibig ng mga hangal.
8 Tulad ng isang nagbabalot ng bato sa tirador,
gayon ang nagbibigay ng karangalan sa isang hangal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001