Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Genesis 5-7

Ang mga Naging Anak ni Adan(A)

Ito(B) ang aklat ng mga salinlahi ni Adan. Nang lalangin ng Diyos ang tao, siya ay nilalang sa wangis ng Diyos.

Lalaki(C) at babae silang nilalang, at sila'y binasbasan at tinawag na Adan ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.

Nabuhay si Adan ng isandaan at tatlumpung taon, at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set.

Ang mga naging araw ni Adan pagkatapos na maipanganak si Set ay walong daang taon; at nagkaanak pa siya ng mga lalaki at mga babae.

Ang lahat ng mga araw ng naging buhay ni Adan ay siyamnaraan at tatlumpung taon at siya'y namatay.

Nabuhay si Set ng isandaan at limang taon at naging anak niya si Enos.

Nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

Ang lahat na naging araw ni Set ay siyamnaraan at labindalawang taon at siya'y namatay.

Nabuhay si Enos ng siyamnapung taon at naging anak niya si Kenan.

10 Si Enos ay nabuhay pagkatapos na maipanganak si Kenan ng walong daan at labinlimang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

11 Ang lahat na naging araw ni Enos ay siyamnaraan at limang taon at siya'y namatay.

12 Nabuhay si Kenan ng pitumpung taon at naging anak niya si Mahalalel.

13 Nabuhay si Kenan pagkatapos na maipanganak si Mahalalel ng walong daan at apatnapung taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

14 Ang lahat na naging araw ni Kenan ay siyamnaraan at sampung taon at siya'y namatay.

15 Nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon at naging anak niya si Jared.

16 At nabuhay si Mahalalel pagkatapos na maipanganak si Jared ng walong daan at tatlumpung taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

17 Ang lahat na naging araw ni Mahalalel ay walong daan at siyamnapu't limang taon at siya'y namatay.

18 Nabuhay si Jared ng isandaan at animnapu't dalawang taon at naging anak niya si Enoc.

19 Nabuhay si Jared pagkatapos na maipanganak si Enoc ng walong daang taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

20 Ang lahat na naging araw ni Jared ay siyamnaraan at animnapu't dalawang taon at siya'y namatay.

21 Nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon at naging anak niya si Matusalem.

22 Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos, pagkatapos na maipanganak si Matusalem ng tatlong daang taon, at nagkaanak pa siya ng mga lalaki at mga babae.

23 At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at animnapu't limang taon.

24 Lumakad(D) si Enoc na kasama ng Diyos; at hindi na siya natagpuan sapagkat siya'y kinuha ng Diyos.

25 Nabuhay si Matusalem ng isandaan at walumpu't pitong taon at naging anak niya si Lamec.

26 Nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec ng pitong daan at walumpu't dalawang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

27 Ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyamnaraan at animnapu't siyam na taon at siya'y namatay.

28 Nabuhay si Lamec ng isandaan at walumpu't dalawang taon at nagkaanak ng isang lalaki.

29 Tinawag niya ang kanyang pangalan na Noe, na sinabi, “Ito ang magbibigay sa atin ng ginhawa mula sa ating gawa at sa pagpapagod ng ating mga kamay, dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon.”

30 Nabuhay si Lamec pagkatapos na maipanganak si Noe ng limang daan at siyamnapu't limang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

31 Ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitumpu't pitong taon at namatay.

32 Nang si Noe ay may limang daang taon, naging anak niya sina Sem, Ham, at Jafet.

Ang Kasamaan ng Sangkatauhan

Nagsimulang(E) dumami ang mga tao sa balat ng lupa at nagkaanak sila ng mga babae.

Nakita ng mga anak ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao. At sila'y kumuha ng kani-kanilang mga asawa mula sa lahat ng kanilang pinili.

At sinabi ng Panginoon, “Ang aking Espiritu ay hindi laging mananatili sa tao, sapagkat siya'y laman. Subalit ang kanyang mga araw ay magiging isandaan at dalawampung taon.”

Ang(F) mga higante[a] ay nasa lupa nang mga araw na iyon, at kahit pagkatapos noon. Sila ang naging anak nang makipagtalik ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao. Ang mga ito ang naging makapangyarihan nang unang panahon, mga bantog na mandirigma.

Nakita(G) ng Panginoon na napakasama na ng tao sa lupa, at ang bawat haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso ay palagi na lamang masama.

Nalungkot ang Panginoon na kanyang nilalang ang tao sa lupa at nalumbay ang kanyang puso.

Kaya't sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa—ang tao, hayop, ang mga gumagapang, at ang mga ibon sa himpapawid, sapagkat ako'y nalulungkot na nilalang ko sila.”

Subalit si Noe ay nakatagpo ng biyaya sa paningin ng Panginoon.

Si Noe at ang Kanyang mga Anak

Ito(H) ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at walang kapintasan noong kapanahunan niya. Si Noe ay lumakad na kasama ng Diyos.

10 Nagkaanak si Noe ng tatlong lalaki: sina Sem, Ham, at Jafet.

11 At naging masama ang daigdig sa harapan ng Diyos at ang lupa ay napuno ng karahasan.

12 Nakita ng Diyos na ang daigdig ay naging masama sapagkat pinasama ng lahat ng tao ang kanilang gawa sa lupa.

13 At sinabi ng Diyos kay Noe, “Ipinasiya ko nang wakasan ang lahat ng laman sapagkat ang lupa ay napuno ng karahasan nila. Ngayon, sila ay aking lilipuling kasama ng lupa.

14 Gumawa ka ng isang daong na yari sa kahoy na gofer. Gumawa ka ng mga silid sa daong at pahiran mo ito ng alkitran sa loob at labas.

15 Gagawin mo ito sa ganitong paraan: ang haba ng sasakyan ay tatlong daang siko, ang luwang ay limampung siko, at ang taas ay tatlumpung siko.

16 Gagawa ka ng isang bintana sa sasakyan at tapusin mo ito ng isang siko sa dakong itaas. Ilalagay mo ang pintuan ng sasakyan sa kanyang tagiliran. Gagawin mo ito na may una, ikalawa at ikatlong palapag.

17 Ako'y magpapadagsa ng baha ng tubig sa ibabaw ng lupa upang lipulin ang lahat ng laman na may hininga ng buhay sa ilalim ng langit. Ang lahat na nasa lupa ay mamamatay.

18 Ngunit itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Ikaw ay sasakay sa daong, ikaw, ang iyong mga anak na lalaki, ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.

19 At sa bawat nabubuhay sa lahat ng laman at magsasakay ka sa loob ng daong ng dalawa sa bawat uri upang maingatan silang buháy na kasama mo. Dapat ay lalaki at babae ang mga ito.

20 Sa mga ibon ayon sa kanilang uri, sa mga hayop ayon sa kanilang uri, sa bawat gumagapang sa lupa ayon sa kanilang uri, dalawa sa bawat uri ang isasama mo upang ang mga iyon ay manatiling buháy.

21 At magbaon ka ng lahat na pagkain at imbakin mo, at magiging pagkain para sa inyo at para sa kanila.”

22 Gayon(I) ang ginawa ni Noe; ginawa niya ang ayon sa lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos.

Ang Baha

At sinabi ng Panginoon kay Noe, “Ikaw at ang iyong buong sambahayan ay sumakay sa daong sapagkat nakita kong ikaw lamang ang matuwid sa harap ko sa lahing ito.

Kumuha ka ng tigpipito sa bawat malinis na hayop, lalaki at babae; at dalawa sa mga hayop na hindi malinis, lalaki at babae.

Kumuha ka ng tigpipito sa mga ibon sa himpapawid, lalaki at babae; upang panatilihing buháy ang kanilang uri sa ibabaw ng lupa.

Sapagkat pagkaraan ng pitong araw, magpapaulan ako sa ibabaw ng lupa ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Aking pupuksain ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.”

At ginawa ni Noe ang ayon sa lahat ng iniutos sa kanya ng Panginoon.

Si Noe ay animnaraang taon nang ang baha ng tubig ay dumating sa lupa.

At(J) sumakay sa daong si Noe at ang kanyang mga anak, ang kanyang asawa, at ang mga asawa ng kanyang mga anak upang umiwas sa tubig ng baha.

Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa,

ay dala-dalawa, lalaki at babae, pumasok sa daong kasama ni Noe, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe.

Pagbuhos ng Baha

10 Pagkaraan ng pitong araw, ang tubig ng baha ay umapaw sa lupa.

11 Sa(K) ikaanimnaraang taon ng buhay ni Noe, sa ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, nang araw na iyon, umapaw ang lahat ng bukal mula sa malaking kalaliman, at ang mga bintana ng langit ay nabuksan.

12 Umulan sa ibabaw ng lupa sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi.

13 Nang araw ding iyon, pumasok sa daong si Noe, sina Sem, Ham, at Jafet na mga anak ni Noe, ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na kasama nila,

14 sila, at bawat mailap na hayop ayon sa kani-kanilang uri, bawat maamong hayop ayon sa kani-kanilang uri, bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa ayon sa kanilang uri, at bawat ibon ayon sa kanilang uri, lahat ng sari-saring ibon.

15 Sila'y sumakay sa daong, kasama ni Noe, dala-dalawa ang lahat ng hayop na may hininga ng buhay.

16 Ang mga sumakay ay lalaki at babae ng lahat ng laman, pumasok sila gaya ng iniutos sa kanya ng Diyos. At siya'y ikinulong ng Panginoon sa loob.

17 Tumagal ang baha ng apatnapung araw sa ibabaw ng lupa. Lumaki ang tubig at lumutang ang daong, at ito'y tumaas sa ibabaw ng lupa.

18 Dumagsa ang tubig at lumaki nang husto sa ibabaw ng lupa, at lumutang ang daong sa ibabaw ng tubig.

19 At dumagsa ang tubig sa ibabaw ng lupa at inapawan ang lahat ng matataas na mga bundok na nasa silong ng langit.

20 Ang tubig ay umapaw sa mga bundok sa taas na labinlimang siko.

21 At namatay ang lahat ng laman na gumagalaw sa ibabaw ng lupa: ang mga ibon, mga maamong hayop, mga mailap na hayop, bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa, at lahat ng tao.

22 Ang bawat may hininga ng buhay sa kanilang ilong na nasa lupang tuyo ay namatay.

23 Namatay ang bawat may buhay na nasa ibabaw ng lupa: ang tao, hayop, ang mga gumagapang, at ang mga ibon sa himpapawid. Sila'y nalipol sa lupa. Tanging si Noe at ang mga kasama niya sa daong ang nalabi.

24 Tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa ng isandaan at limampung araw.

Mateo 3:7-4:11

Ngunit(A) nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo ang nagdatingan upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang nagbabala sa inyo upang makatakas sa poot na darating?

Mamunga kayo nang nararapat sa pagsisisi.

At(B) huwag ninyong sabihin sa inyong sarili, ‘Si Abraham ang aming ama’; sapagkat sinasabi ko sa inyo, na kaya ng Diyos na gumawa ng mga anak ni Abraham mula sa mga batong ito.

10 Ngayon(C) pa lamang ay nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punungkahoy. Ang bawat punungkahoy na hindi mabuti ang bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.

11 “Binabautismuhan ko nga kayo sa tubig para sa pagsisisi ngunit ang dumarating na kasunod ko ay mas makapangyarihan kaysa akin. Hindi ako karapat-dapat magdala ng kanyang sandalyas. Kanyang babautismuhan kayo sa Espiritu Santo at sa apoy.

12 Nasa kamay niya ang kanyang kalaykay at lilinisin niya ang kanyang giikan. Titipunin niya ang kanyang trigo sa kamalig, subalit ang ipa ay susunugin niya sa apoy na hindi mapapatay.”

Binautismuhan si Jesus(D)

13 At mula sa Galilea pumunta si Jesus kay Juan sa Jordan upang magpabautismo sa kanya.

14 Ibig siyang hadlangan ni Juan, na nagsasabi, “Ako ang dapat mong bautismuhan, at ikaw pa ang lumalapit sa akin?”

15 Ngunit sumagot si Jesus sa kanya, “Hayaan mong mangyari ito ngayon, sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang matupad ang buong katuwiran.” At siya ay sumang-ayon.

16 Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig, at nabuksan sa kanya ang kalangitan, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kanya.

17 Sinabi(E) ng isang tinig mula sa langit, “Ito ang minamahal kong Anak, sa kanya ako lubos na nalulugod.”

Tinukso ng Diyablo si Jesus(F)

Pagkatapos(G) nito, si Jesus ay dinala ng Espiritu Santo sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.

Siya ay apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno, pagkatapos ay nagutom siya.

Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, ipag-utos mo na ang mga batong ito ay maging tinapay.”

Ngunit(H) siya'y sumagot, “Nasusulat,

‘Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao,
    kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.’”

Pagkatapos ay dinala siya ng diyablo sa banal na lunsod at inilagay siya sa taluktok ng templo,

at(I) sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,

‘Siya'y mag-uutos sa kanyang mga anghel tungkol sa iyo,’
    at ‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
baka masaktan ang iyong paa sa isang bato.’”

Sinabi(J) sa kanya ni Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.’”

Muli, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan, at ang karangyaan ng mga ito.

At sinabi niya sa kanya, “Ang lahat ng mga ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasamba sa akin.”

10 Sumagot(K) sa kanya si Jesus, “Lumayas ka, Satanas! sapagkat nasusulat, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at siya lamang ang iyong paglingkuran.’”

11 Pagkatapos nito'y iniwan siya ng diyablo at dumating ang mga anghel at pinaglingkuran siya.

Mga Awit 3

Awit(A) ni David nang Takasan Niya si Absalom

Panginoon, ang mga kaaway ko ay dumarami!
    Ang tumitindig laban sa akin ay marami;
marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa,
    walang tulong mula sa Diyos para sa kanya. (Selah)

Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko,
    aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Ako'y dumadaing nang malakas sa Panginoon,
    at sinasagot niya ako mula sa kanyang banal na burol. (Selah)

Ako'y nahiga at natulog;
    ako'y muling gumising sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon.
Sa sampung libu-libong tao ako'y hindi natatakot,
    na naghanda ng kanilang mga sarili laban sa akin sa palibot.
Bumangon ka, O Panginoon!
    Iligtas mo ako, O aking Diyos!
Sapagkat iyong sinampal sa pisngi ang lahat ng aking mga kaaway,
    iyong binasag ang mga ngipin ng masama.

Ang pagliligtas ay sa Panginoon;
    sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

Mga Kawikaan 1:10-19

10 Anak ko, kung ikaw ay akitin ng mga makasalanan,
    huwag kang pumayag.
11 Kung kanilang sabihin,
    “Sumama ka sa amin, tayo'y mag-abang upang magpadanak ng dugo,
    ating tambangan nang walang dahilan ang walang sala;
12 gaya ng Sheol, sila'y lunukin nating buháy,
    at buo, na gaya ng bumababa sa Hukay.
13 Tayo'y makakasumpong ng lahat ng mamahaling bagay;
    ating pupunuin ng samsam ang ating mga bahay.
14 Makipagsapalaran kang kasama namin;
    magkakaroon tayong lahat ng iisang supot”—
15 anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila;
    pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas.
16 Sapagkat ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan,
    at sila'y nagmamadali sa pagbububo ng dugo.
17 Sapagkat walang kabuluhang iladlad ang isang bitag,
    habang nakatingin ang ibon.
18 Ngunit sila'y nag-aabang sa sarili nilang dugo,
    at tinatambangan ang sarili nilang buhay.
19 Gayon ang pamamaraan ng lahat ng sakim sa pakinabang,
    ang buhay ng mga may-ari niyon ay kanyang inaagaw.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001