Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the CSB. Switch to the CSB to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Genesis 35-36

Binasbasan ng Diyos si Jacob sa Bethel

35 Sinabi(A) ng Diyos kay Jacob, “Tumayo ka, umahon ka sa Bethel, at doon ka manirahan. Gumawa ka roon ng isang dambana para sa Diyos na nagpakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa iyong kapatid na si Esau.”

Kaya't sinabi ni Jacob sa kanyang sambahayan, at sa lahat niyang kasama, “Alisin ninyo ang mga banyagang diyos na nasa inyo, at maglinis kayo ng inyong sarili, at palitan ninyo ang inyong mga suot.

Tayo'y umahon sa Bethel; at gagawa ako roon ng dambana para sa Diyos na sumagot sa akin sa araw ng aking kabalisahan at naging kasama ko saanman ako nagtungo.”

Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng mga banyagang diyos na nasa kanilang kamay at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; at itinago iyon ni Jacob sa ilalim ng punong ensina na malapit sa Shekem.

Habang sila'y naglalakbay, ang matinding takot sa Diyos ay dumating sa mga bayang nasa palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob.

Dumating si Jacob sa Luz (na siyang Bethel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya.

Nagtayo siya roon ng isang dambana at tinawag niya ang lugar na iyon na El-bethel; sapagkat ang Diyos ay nagpakita sa kanya roon, nang siya'y tumakas mula sa kanyang kapatid.

Namatay si Debora na yaya ni Rebecca, at inilibing sa paanan ng Bethel, sa ilalim ng ensina, at ang pangalan nito ay tinawag niyang Allon-bacuth.[a]

Muling nagpakita ang Diyos kay Jacob nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at siya'y pinagpala.

10 Sinabi(B) ng Diyos sa kanya, “Ang pangalan mo'y Jacob; hindi ka na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang magiging pangalan mo.” Kaya siya ay tinawag na Israel.

11 At(C) sinabi ng Diyos sa kanya, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan[b] sa lahat. Ikaw ay lumago at magpakarami; isang bansa at maraming mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay magmumula sa iyo.

12 Ang lupaing ibinigay ko kina Abraham at Isaac ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi pagkamatay mo.”

13 At ang Diyos ay pumailanglang mula sa tabi niya kung saan siya ay nakipag-usap sa kanya.

14 Nagtayo(D) si Jacob ng isang haliging batong bantayog kung saan ay nakipag-usap ang Diyos sa kanya. Binuhusan niya ito ng inuming handog at ng langis.

15 Kaya't tinawag ni Jacob na Bethel ang lugar kung saan nakipag-usap sa kanya ang Diyos.

Ang Kamatayan ni Raquel

16 Sila'y naglakbay mula sa Bethel. Nang sila ay may kalayuan pa mula sa Efrata, ay manganganak na si Raquel at siya'y naghihirap sa panganganak.

17 Nang siya'y naghihirap sa panganganak, sinabi sa kanya ng hilot, “Huwag kang matakot, sapagkat magkakaroon ka ng isa pang anak na lalaki.”

18 Habang siya'y naghihingalo (sapagkat namatay siya), kanyang pinangalanan siyang Benoni;[c] subalit tinawag siyang Benjamin[d] ng kanyang ama.

19 Kaya't namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Efrata, na siyang Bethlehem.

20 Nagtayo si Jacob ng isang haligi sa ibabaw ng kanyang libingan na siyang haligi ng libingan ni Raquel hanggang ngayon.

21 Naglakbay pa si Israel at itinayo ang kanyang tolda sa dako pa roon ng tore ng Eder.

Ang mga Anak ni Jacob(E)

22 Samantalang(F) naninirahan si Israel sa lupaing iyon, si Ruben ay humayo at sumiping kay Bilha na asawang-lingkod ng kanyang ama at ito'y nabalitaan ni Israel. Labindalawa nga ang anak na lalaki ni Jacob.

23 Ang mga anak ni Lea: si Ruben na panganay ni Jacob, at sina Simeon, Levi, Juda, Isacar, at si Zebulon.

24 Ang mga anak ni Raquel: sina Jose at si Benjamin;

25 at ang mga anak ni Bilha, na alila ni Raquel: sina Dan at Neftali;

26 at ang mga anak ni Zilpa na alilang babae ni Lea: sina Gad at Aser. Ito ang mga anak ni Jacob na ipinanganak sa kanya sa Padan-aram.

Ang Kamatayan ni Isaac

27 At(G) pumunta si Jacob kay Isaac na kanyang ama sa Mamre, sa Kiryat-arba (na siyang Hebron), kung saan tumira sina Abraham at Isaac.

28 Ang mga naging araw ni Isaac ay isandaan at walumpung taon.

29 Nalagot ang hininga ni Isaac at namatay; at siya'y naging kasama ng kanyang bayan, matanda na at puspos ng mga araw. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.

Mga Naging Anak ni Esau(H)

36 Ito ang mga lahi ni Esau, na siya ring Edom.

Si(I) Esau ay nag-asawa mula sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Heteo, kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo;

kay(J) Basemat na anak ni Ismael, na kapatid ni Nebayot.

Ipinanganak ni Ada si Elifaz kay Esau; at ipinanganak ni Basemat si Reuel;

at ipinanganak ni Aholibama sina Jeus, Jalam, at Kora. Ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kanya sa lupain ng Canaan.

Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, ang kanyang mga anak na lalaki at babae, ang lahat ng tao sa kanyang bahay, ang kanyang hayop, lahat ng kanyang kawan, at ang lahat na kanyang tinipon sa lupain ng Canaan, at pumunta sa isang lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.

Sapagkat ang kanilang ari-arian ay totoong napakalaki para sa kanila na manirahang magkasama. Ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi sila makayang tustusan dahilan sa kanilang mga hayop.

Kaya't nanirahan si Esau sa bundok ng Seir. Si Esau ay si Edom.

Ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir.

10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Elifaz, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemat, na asawa ni Esau.

11 Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz.

12 Si Timna ay asawang-lingkod ni Elifaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Elifaz si Amalek. Ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.

13 Ito ang mga anak ni Reuel: sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza. Ito ang mga anak ni Basemat na asawa ni Esau.

14 Ito ang mga anak ni Esau kay Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon. Ipinanganak niya kay Esau sina Jeus, Jalam at Kora.

15 Ito ang mga pinuno sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Elifaz, na panganay ni Esau; ang mga pinunong sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz,

16 Kora, Gatam, at Amalek. Ito ang mga pinunong nagmula kay Elifaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.

17 Ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau: ang mga pinunong sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza. Ito ang mga pinunong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemat na asawa ni Esau.

18 Ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau: ang mga pinunong sina Jeus, Jalam, at Kora. Ito ang mga pinunong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.

19 Ito ang mga anak ni Esau, (na siyang Edom) at ito ang kanilang mga pinuno.

Mga Anak ni Seir(K)

20 Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na naninirahan sa lupain: sina Lotan, Sobal, Zibeon, at si Ana,

21 sina Dishon, Eser, at Disan. Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.

22 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

23 Ito ang mga anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo, at si Onam.

24 Ito ang mga anak ni Zibeon: sina Aya at Ana. Ito rin si Ana na nakatagpo ng maiinit na bukal sa ilang, habang kanyang inaalagaan ang mga asno ni Zibeon na kanyang ama.

25 Ito ang mga anak ni Ana: sina Dishon at Aholibama, na anak na babae ni Ana.

26 Ito ang mga anak ni Dishon: sina Hemdan, Esban, Itran, at Cheran.

27 Ito ang mga anak ni Eser: sina Bilhan, Zaavan at Acan.

28 Ito ang mga anak ni Disan: sina Uz at Aran.

29 Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo: ang mga pinunong sina Lotan, Sobal, Zibeon, at Ana,

30 Dishon, Eser, at Disan. Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga angkan, sa lupain ng Seir.

Mga Hari ng Edom(L)

31 Ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinumang hari sa angkan ni Israel.

32 Si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kanyang bayan ay Dinhaba.

33 Namatay si Bela, at naghari na kapalit niya si Jobab na anak ni Zera, na taga-Bosra.

34 Namatay si Jobab at naghari na kapalit niya si Husam, na taga-lupain ng mga Temanita.

35 Namatay si Husam at naghari na kapalit niya si Adad, na anak ni Badad, na siyang gumapi kay Midian sa parang ni Moab at ang pangalan ng kanyang bayan ay Avith.

36 Namatay si Adad at naghari na kapalit niya si Samla na taga-Masreca.

37 Namatay si Samla at naghari na kapalit niya si Shaul na taga-Rehobot na tabi ng Eufrates.

38 Namatay si Shaul at naghari na kapalit niya si Baal-hanan na anak ni Acbor.

39 Namatay si Baal-hanan na anak ni Acbor at naghari na kapalit niya si Adar; at ang pangalan ng kanyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

40 Ito ang mga pangalan ng mga pinunong nagmula kay Esau, ayon sa kanya-kanyang angkan, ayon sa kanya-kanyang lugar, alinsunod sa kanya-kanyang pangalan: ang mga pinunong sina Timna, Alva, Jetet;

41 Aholibama, Ela, Pinon.

42 Kenaz, Teman, Mibzar.

43 Magdiel, at Hiram. Ito ang mga pinuno ni Edom, ayon sa kanya-kanyang tinitirhan sa lupain na kanilang pag-aari. Siya ay si Esau na ama ng mga Edomita.

Mateo 12:1-21

Ang Katanungan tungkol sa Sabbath(A)

12 Nang(B) panahong iyon ay dumaan si Jesus sa bukirin ng mga trigo nang araw ng Sabbath. Nagutom ang kanyang mga alagad at nagsimula silang pumitas ng mga uhay at kumain.

Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi ipinahihintulot na gawin sa Sabbath.”

Subalit(C) sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasamahan niya;

kung(D) paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kumain siya ng tinapay na handog, na hindi ipinahihintulot na kainin niya o ng mga kasamahan niya, kundi ng mga pari lamang?

O(E) hindi ba ninyo nabasa sa kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabbath ay winalang-galang ng mga pari sa templo ang Sabbath, at hindi sila nagkasala?

Ngunit sinasabi ko sa inyo, isang higit na dakila kaysa templo ang narito.

Ngunit(F) kung nalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala.

Sapagkat ang Anak ng Tao ay panginoon ng Sabbath.”

Ang Lalaking Tuyo ang Isang Kamay(G)

Umalis si Jesus[a] doon at pumasok sa kanilang sinagoga.

10 At doon ay may isang taong tuyo ang isang kamay. Siya ay tinanong nila, “Matuwid bang magpagaling sa araw ng Sabbath?” upang siya'y maparatangan nila.

11 Sinabi(H) niya sa kanila, “Sino kaya sa inyo, na kung mayroon siyang isang tupa, at nahulog ito sa isang hukay sa araw ng Sabbath, ay hindi ba niya ito aabutin, at hahanguin?

12 Gaano pa ngang higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath.”

13 Pagkatapos ay sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” At iniunat nga niya, at naibalik ito sa dati, magaling na gaya ng isa.

14 Ngunit umalis ang mga Fariseo at nagpulong laban sa kanya kung papaano siya pupuksain.

Ang Lingkod na Hinirang

15 Nang malaman ito ni Jesus ay umalis siya roon. Sinundan siya ng marami at pinagaling niya silang lahat,

16 at ipinag-utos niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ipamamalita.

17 Ito ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias, na sinasabi:

18 “Narito(I) ang lingkod ko na aking hinirang,
    ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu,
    at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil.
19 Hindi siya makikipagtalo, o sisigaw,
    o maririnig ng sinuman ang kanyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi niya babaliin ang tambong nasugatan,
    o papatayin ang nagbabagang mitsa,
hanggang ang katarungan ay dalhin niya sa tagumpay;
21     at aasa ang mga Hentil sa kanyang pangalan.”

Mga Awit 15

Awit ni David.

15 O Panginoon, sinong sa iyong tolda ay manunuluyan?
    Sinong sa iyong banal na burol ay maninirahan?

Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
    at mula sa kanyang puso ay nagsasalita ng katotohanan;
siyang hindi naninirang-puri ng kanyang dila,
    ni sa kanyang kaibigan ay gumagawa ng masama,
    ni umaalipusta man sa kanyang kapwa;
na sa mga mata niya ay nahahamak ang isang napakasama,
    kundi pinararangalan ang mga natatakot sa Panginoon;
at hindi nagbabago kapag sumumpa kahit na ito'y ikasasakit;
siyang hindi naglalagay ng patubo sa kanyang salapi,
    ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.

Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi matitinag kailanman.

Mga Kawikaan 3:21-26

Ang Tunay na Katiwasayan

21 Anak ko, huwag mong hayaang mawalay sa iyong mga mata,
    ingatan mo ang magaling na dunong at mabuting pagpapasiya,
22 at sila'y magiging buhay sa iyong kaluluwa,
    at sa iyong leeg ay magiging pampaganda.
23 Kung magkagayo'y tiwasay kang lalakad sa iyong daan,
    at ang iyong paa ay di matitisod kailanman.
24 Kapag ikaw ay nakahiga, hindi ka matatakot;
    kapag ika'y humimlay, magiging mahimbing ang iyong tulog.
25 Huwag kang matakot sa pagkasindak na bigla,
    o sa pagdating ng pagsalakay ng masama,
26 sapagkat ang Panginoon ang magiging iyong pagtitiwala,
    at iingatan mula sa pagkahuli ang iyong mga paa.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001