The Daily Audio Bible
Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.
52 Nang marinig ng alipin ni Abraham ang kanilang mga salita, siya ay nagpatirapa sa lupa sa harap ng Panginoon.
53 At naglabas ang alipin ng mga alahas na pilak at ginto, at mga damit, at ibinigay kay Rebecca. Nagbigay rin siya ng mahahalagang bagay sa kanyang kapatid na lalaki at sa kanyang ina.
54 At sila'y nagsikain at nagsiinom, siya at ang mga taong kasama niya, at doon nagpalipas ng magdamag. Bumangon sila nang umaga at kanyang sinabi, “Pabalikin na ninyo ako sa aking panginoon.”
55 At sinabi ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang ina, “Hayaan muna ninyong manatili sa amin ang dalaga ng ilang araw, sampung araw man lamang; pagkatapos ay maaari na siyang umalis.”
56 At sinabi niya sa kanila, “Huwag na ninyo akong patagalin, yamang pinagpala ng Panginoon ang aking lakad. Pabalikin na ninyo ako upang ako'y makauwi sa aking panginoon.”
57 Sinabi nila, “Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya.”
58 At kanila ngang tinawag si Rebecca at kanilang sinabi sa kanya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” At sinabi niya, “Sasama ako.”
59 Kaya't kanilang pinasama si Rebecca na kanilang kapatid at ang kanyang tagapag-alaga kasama ang alipin ni Abraham at ang kanyang mga tauhan.
60 At kanilang binasbasan si Rebecca at sinabi nila sa kanya, “Kapatid namin, maging ina ka nawa ng libu-libo at makamit ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng mga napopoot sa kanila.”
61 Tumindig si Rebecca at ang kanyang mga abay, at sila ay sumakay sa mga kamelyo, at sumunod sa lalaki; at dinala ng alipin si Rebecca at humayo.
62 Ngayon, si Isaac ay nanggaling sa daang Beer-lahai-roi at siya'y nakatira sa lupain ng Negeb.
63 Lumabas si Isaac sa parang upang maglakad-lakad ng dapit-hapon. Itinaas niya ang kanyang mga paningin at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo.
64 Tumingin naman si Rebecca at kanyang nakita si Isaac. Mabilis siyang bumaba sa kamelyo.
65 Sinabi ni Rebecca sa alipin, “Sino ang taong ito na naglalakad sa parang upang sumalubong sa atin?” At sinabi ng alipin, “Iyon ang aking panginoon.” Kinuha niya ang kanyang belo, at siya'y nagtakip.
66 At isinalaysay ng alipin kay Isaac ang lahat ng kanyang ginawa.
Ang Pag-aasawa ni Isaac
67 Dinala siya ni Isaac sa tolda ni Sara na kanyang ina. Kinuha niya si Rebecca at siya'y naging asawa niya, at siya'y kanyang minahal. Kaya't naaliw si Isaac pagkamatay ng kanyang ina.
Iba pang mga Naging Anak ni Abraham(A)
25 Si Abraham ay nag-asawa ng iba at ang kanyang pangalan ay Ketura.
2 Naging mga anak nito sina Zimram, Jokshan, Medan, Midian, Isbak, at Shua.
3 Naging anak ni Jokshan sina Seba at Dedan. At ang mga anak na lalaki ni Dedan ay sina Assurim, Letusim, at Leummim.
4 Ang mga ito ang naging anak ni Midian: Efa, Efer, Hanoc, Abida, at Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Ketura.
5 At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac.
6 Subalit ang mga anak ng naging mga asawang-lingkod ni Abraham ay binigyan ni Abraham ng mga kaloob. Habang nabubuhay pa siya ay inilayo niya ang mga ito kay Isaac na kanyang anak. Kanyang pinapunta sila sa lupaing silangan.
7 At ito ang haba ng buhay ni Abraham, isandaan at pitumpu't limang taon.
Namatay at Inilibing si Abraham
8 Nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at naging kasama ng kanyang bayan.
9 Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Isaac at Ismael sa yungib ng Macpela, sa parang ni Efron na anak ni Zohar na Heteo, na nasa tapat ng Mamre,
10 sa(B) parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Het. Doon inilibing si Abraham at si Sara na kanyang asawa.
11 Pagkamatay ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac na kanyang anak; at si Isaac ay nanirahan sa may Beer-lahai-roi.
Ang mga Anak ni Ismael(C)
12 Ang mga ito ang salinlahi ni Ismael, na anak ni Abraham, na naging anak kay Abraham ni Hagar na taga-Ehipto, na alila ni Sara.
13 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang kapanganakan: ang panganay ni Ismael ay si Nebayot, pagkatapos ay sina Kedar, Adbeel, Mibsam,
14 Misma, Duma, Massa,
15 Hadad, Tema, Jetur, Nafis, at si Kedema.
16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanya-kanyang pangalan, ayon sa kanya-kanyang nayon, at ayon sa kanya-kanyang kampo; labindalawang pinuno ayon sa kanilang bansa.
17 At ito ang haba ng buhay ni Ismael, isandaan at tatlumpu't pitong taon; at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y naging kasama ng kanyang bayan.
18 Nanirahan sila mula sa Havila hanggang sa Shur, na tapat ng Ehipto, kapag patungo sa Asiria; siya'y nanirahang kasama ng lahat niyang mga kababayan.
Ipinanganak sina Esau at Jacob
19 Ito ang mga salinlahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni Abraham si Isaac,
20 at si Isaac ay apatnapung taon nang siya'y mag-asawa kay Rebecca, na anak ni Betuel na Arameo sa Padan-aram, kapatid na babae ni Laban na Arameo.
21 Nanalangin si Isaac sa Panginoon para sa kanyang asawa, sapagkat siya'y baog; at dininig ng Panginoon ang kanyang panalangin at si Rebecca na kanyang asawa ay naglihi.
22 Ang mga bata sa loob niya ay naglaban at kanyang sinabi, “Kung ito ay tama, bakit ako mabubuhay?” Kaya't siya'y humayo upang magtanong sa Panginoon.
23 Sinabi(D) sa kanya ng Panginoon,
“Dalawang bansa ang nasa iyong bahay-bata,
at ang dalawang bayan na ipapanganak mo ay magiging hati;
ang isa ay magiging higit na malakas kaysa isa,
at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”
Panganganak kay Esau at kay Jacob
24 Nang dumating ang panahon ng kanyang panganganak, kambal ang nasa kanyang bahay-bata.
25 Ang unang lumabas ay mapula na ang buong katawa'y parang mabalahibong damit; kaya't siya'y pinangalanang ng Esau.[a]
26 Pagkatapos ay lumabas ang kanyang kapatid, at ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau; kaya't ang ipinangalan sa kanya ay Jacob.[b] Si Isaac ay may animnapung taon na nang sila'y ipanganak ni Rebecca.
Ipinagbili ni Esau ang Kanyang Pagkapanganay
27 Nang lumaki ang mga bata, si Esau ay naging sanay sa pangangaso, isang lalaki sa parang; samantalang si Jacob ay lalaking tahimik, na naninirahan sa mga tolda.
28 Minahal ni Isaac si Esau, sapagkat siya'y kumakain ng mula sa kanyang pangangaso, at minahal naman ni Rebecca si Jacob.
29 Minsan, nagluto si Jacob ng nilaga. Dumating si Esau mula sa parang at siya'y gutom na gutom.
30 Sinabi ni Esau kay Jacob, “Pakainin mo naman ako nitong mapulang nilaga sapagkat ako'y gutom na gutom.” Dahil dito ay tinawag ang kanyang pangalan na Edom.[c]
31 Sinabi ni Jacob, “Ipagbili mo muna sa akin ngayon ang iyong pagkapanganay.”
32 Sinabi ni Esau, “Ako'y malapit nang mamatay. Ano ang mapapakinabang ko sa pagkapanganay?”
33 Sinabi(E) ni Jacob, “Isumpa mo muna sa akin.” At sumumpa siya sa kanya at kanyang ipinagbili ang kanyang pagkapanganay kay Jacob.
34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilaga na lentehas. Siya'y kumain, uminom, tumayo, at umalis. Ganyan hinamak ni Esau ang kanyang pagkapanganay.
Nanirahan si Isaac sa Gerar
26 Nagkaroon ng taggutom sa lupain, bukod sa unang taggutom na nangyari nang mga araw ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.
2 At nagpakita ang Panginoon kay Isaac at sinabi, “Huwag kang bumaba sa Ehipto; manatili ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo.
3 Manatili(F) ka sa lupaing ito, at sasamahan kita, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagkat sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at tutuparin ko ang aking ipinangako kay Abraham na iyong ama.
4 Pararamihin ko ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito at pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa sa pamamagitan ng iyong binhi,
5 sapagkat pinakinggan ni Abraham ang aking tinig at sinunod ang aking tagubilin, ang aking mga utos, ang aking mga batas at ang aking mga kautusan.”
6 Nanirahan si Isaac sa Gerar.
Nilinlang ni Isaac si Abimelec
7 Tinanong(G) siya ng mga taong taga-roon tungkol sa kanyang asawa, at sinabi niya, “Siya'y aking kapatid;” sapagkat takot siyang sabihin na, “Siya'y aking asawa.” Inakala niya na “baka ako'y patayin ng mga taong taga-rito, dahil kay Rebecca; dahil sa siya'y may magandang anyo.”
8 Nang siya'y matagal nang naroroon, dumungaw si Abimelec na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at nakita si Isaac na hinahaplos si Rebecca na kanyang asawa.
9 Kaya't tinawag ni Abimelec si Isaac at sa kanya'y sinabi, “Asawa mo pala siya! Bakit sinabi mong, ‘Siya'y aking kapatid’?” Sumagot sa kanya si Isaac, “Sapagkat inakala kong baka ako'y mamatay dahil sa kanya.”
10 At sinabi ni Abimelec, “Ano itong ginawa mo sa amin? Paano kung may sumiping sa iyong asawa, at ikaw sana ang naging dahilan upang kami ay magkasala?”
11 Kaya't iniutos ni Abimelec sa buong bayan, “Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kanyang asawa ay mamamatay.”
12 At si Isaac ay naghasik sa lupaing iyon, at umani siya ng taong yaon ng makasandaang ibayo. Pinagpala siya ng Panginoon,
13 at naging mayaman ang lalaki at patuloy na naging mayaman hanggang sa naging napakayaman.
14 At siya'y may ari-arian na mga kawan, mga bakahan, at malaking sambahayan; at kinainggitan siya ng mga Filisteo.
15 Lahat ng mga balong hinukay ng mga alipin ng kanyang amang si Abraham ay pinagtatabunan at pinuno ng lupa ng mga Filisteo.
16 Sinabi ni Abimelec kay Isaac, “Humiwalay ka sa amin, sapagkat ikaw ngayon ay higit na malakas kaysa amin.”
Ang Pagsunod kay Jesus(A)
18 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao sa palibot niya, ipinag-utos niyang tumawid sa kabilang pampang.
19 Lumapit ang isang eskriba at nagsabi sa kanya, “Guro, susunod ako sa iyo saan ka man magtungo.”
20 Sinabi ni Jesus sa kanya, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad; ngunit ang Anak ng Tao ay walang mapagpahingahan ng kanyang ulo.”
21 Isa pa sa mga alagad ay nagsabi sa kanya, “Panginoon, hayaan mo muna akong makauwi at mailibing ko ang aking ama.”
22 Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin; at hayaan mong ang mga patay ang maglibing sa sarili nilang mga patay.”
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo(B)
23 Nang makasakay si Jesus[a] sa bangka, sumunod sa kanya ang kanyang mga alagad.
24 At dumating ang isang malakas na bagyo sa dagat, anupa't matatabunan na ng alon ang bangka; ngunit siya ay natutulog.
25 Lumapit sila sa kanya at siya ay ginising, na nagsasabi, “Panginoon, iligtas mo kami; mamamatay kami!”
26 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot, O kayong maliliit ang pananampalataya?” Kaya't bumangon siya at sinaway ang mga hangin at ang dagat, at nagkaroon ng lubos na kapayapaan.
27 Kaya't namangha ang mga tao, na nagsasabi, “Anong uring tao ito na maging ang mga hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?”
Pinagaling ang mga Gadarenong Inaalihan ng mga Demonyo(C)
28 Nang makarating si Jesus[b] sa kabilang pampang, sa lupain ng mga Gadareno, ay sinalubong siya ng dalawang inaalihan ng mga demonyo na lumabas mula sa mga libingan. Napakabangis nila kaya't walang makadaan doon.
29 Sila ay sumigaw na nagsasabi, “Anong gagawin mo sa amin, O Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami bago dumating ang takdang panahon?”
30 Sa may kalayuan sa kanila ay may isang kawan ng maraming baboy na nanginginain.
31 At nagmakaawa sa kanya ang mga demonyo, na nagsasabi, “Kung palalayasin mo kami ay papuntahin mo kami sa kawan ng mga baboy.”
32 Sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo.” Lumabas nga sila at pumasok sa mga baboy, at ang buong kawan ng mga baboy ay bumulusok sa bangin patungo sa dagat at namatay sila sa tubig.
33 Tumakas ang mga tagapag-alaga ng mga iyon; at pagpasok nila sa bayan ay sinabi nila ang buong pangyayari at ang nangyari sa mga inalihan ng mga demonyo.
34 Lumabas ang buong bayan upang salubungin si Jesus at pagkakita nila sa kanya, pinakiusapan nila siyang umalis sa kanilang nasasakupan.
Panalangin para sa Katarungan
10 Bakit ka nakatayo sa malayo, O Panginoon?
Bakit ka nagtatago kapag magulo ang panahon?
2 Sa kapalaluan ay mainit na hinahabol ng masama ang dukha;
mahuli nawa sila sa binalangkas nilang mga pakana.
3 Sapagkat ipinagmamalaki ng masama ang nais ng kanyang puso,
sinusumpa at tinatalikuran ang Panginoon ng taong sakim sa patubo.
4 Sa kapalaluan ng kanyang mukha, ang masama ay hindi naghahanap sa kanya;
lahat niyang iniisip ay, “Walang Diyos.”
5 Ang kanyang mga lakad sa lahat ng panahon ay umuunlad,
malayo sa kanyang paningin ang iyong mga hatol na nasa itaas;
tungkol sa lahat niyang mga kaaway, kanyang tinutuya silang lahat.
6 Iniisip niya sa kanyang puso, “Hindi ako magagalaw;
sa buong panahon ng salinlahi ay hindi ako malalagay sa kaguluhan.”
7 Ang(A) kanyang bibig ay punô ng pagsumpa, pang-aapi at panlilinlang,
sa ilalim ng kanyang dila ay kalikuan at kasamaan.
8 Siya'y nakaupo sa mga tagong dako ng mga nayon;
sa mga kubling dako ang walang sala ay ipinapapatay,
ang kanyang mga mata ay palihim na nagmamatyag sa walang kakayahan.
9 Siya'y lihim na nagbabantay na parang leon sa kanyang lungga;
siya'y nag-aabang upang hulihin ang dukha,
sinusunggaban niya ang dukha kapag kanyang nahuli siya sa lambat niya.
10 Siya ay gumagapang, siya'y yumuyuko,
at ang sawing-palad ay bumabagsak sa kanyang mga kuko.
11 Sinasabi niya sa kanyang puso, “Ang Diyos ay nakalimot,
ikinubli niya ang kanyang mukha, hindi niya ito makikita kailanman.”
12 O Panginoon, O Diyos, itaas mo ang iyong kamay, bumangon ka;
huwag mong kalilimutan ang nagdurusa.
13 Bakit tinatalikuran ng masama ang Diyos,
at sinasabi sa kanyang puso, “Hindi mo ako hihingan ng sulit?”
14 Iyong nakita; oo, iyong namamasdan ang kaguluhan at pagkayamot,
upang iyong mailagay ito sa mga kamay mo;
itinalaga ng sawing-palad ang sarili sa iyo;
sa mga ulila ikaw ay naging saklolo.
15 Baliin mo ang bisig ng masama at gumagawa ng kasamaan;
hanapin mo ang kanyang kasamaan hanggang sa wala kang matagpuan.
7 Huwag(A) kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata;
matakot ka sa Panginoon, at sa kasamaan ay lumayo ka.
8 Ito'y magiging kagalingan sa laman mo,
at kaginhawahan sa iyong mga buto.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001