Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the GW. Switch to the GW to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Bilang 6-7

Ang Batas tungkol sa mga Nazirita

Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

“Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Kapag ang sinumang lalaki o babae ay gagawa ng panata ng isang Nazirita[a] upang italaga ang sarili para sa Panginoon,

ay lalayo(A) siya sa alak at sa matapang na inumin. Siya'y hindi iinom ng tubang mula sa alak, o anumang inuming nakalalasing, ni iinom man ng anumang katas ng ubas o kakain man ng ubas na sariwa o pinatuyo.

Sa lahat ng araw ng kanyang pagiging Nazirita, hindi siya kakain ng anumang bagay na ibinubunga ng puno ng ubas, magmula sa mga butil hanggang sa balat.

“Sa lahat ng araw ng kanyang panata bilang Nazirita ay walang pang-ahit na daraan sa ibabaw ng kanyang ulo; hanggang sa matapos ang mga araw nang pagkabukod ng kanyang sarili sa Panginoon, siya'y magiging banal; kanyang pababayaang humaba ang buhok ng kanyang ulo.

“Sa lahat ng araw ng kanyang pagbubukod ng kanyang sarili para sa Panginoon, ay hindi siya lalapit sa bangkay.

Maging sa kanyang ama o sa kanyang ina, o sa kanyang kapatid na lalaki, o babae, kapag sila'y namatay ay hindi siya magpapakarumi, sapagkat ang kanyang pagkakabukod para sa Diyos ay nasa kanyang ulo.

Sa lahat ng araw ng kanyang pagkabukod ay banal siya sa Panginoon.

“At kung ang sinuman ay biglang mamatay sa tabi niya at nadungisan niya ang kanyang ulong itinalaga, aahitan niya ang kanyang ulo sa araw ng kanyang paglilinis; sa ikapitong araw ay aahitan niya ito.

10 Sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batu-bato o dalawang batang kalapati sa pari sa pintuan ng toldang tipanan.

11 Ihahandog ng pari ang isa na handog pangkasalanan at ang isa'y handog na sinusunog at itutubos sa kanya, sapagkat siya'y nagkasala dahil sa bangkay, at itatalaga niya ang kanyang ulo sa araw ding iyon.

12 At itatalaga niya sa Panginoon ang mga araw ng kanyang pagkabukod, at siya'y magdadala ng isang korderong lalaki na isang taong gulang na handog pangkasalanan subalit ang mga unang araw ay mawawalan ng kabuluhan, sapagkat ang kanyang pagkabukod ay nadungisan.

13 “At(B) ito ang batas tungkol sa Nazirita, kapag natapos na ang mga araw ng kanyang pagkabukod, siya'y dadalhin sa pintuan ng toldang tipanan.

14 At kanyang ihahandog ang kanyang alay sa Panginoon, na isang korderong lalaki na isang taon na walang kapintasan, bilang handog na sinusunog, at isang korderong babae na isang taon na walang kapintasan bilang handog pangkasalanan at isang lalaking tupa na walang kapintasan bilang handog pangkapayapaan,

15 at isang bakol na tinapay na walang pampaalsa, mga munting tinapay ng piling harina na hinaluan ng langis at maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, at ang handog na butil niyon at ang mga handog na inumin niyon.

16 Ihaharap iyon ng pari sa harapan ng Panginoon, at ihahandog ang kanyang handog pangkasalanan at ang kanyang handog na sinusunog.

17 Kanyang ihahandog sa Panginoon ang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan na kalakip ng bakol ng mga tinapay na walang pampaalsa. Ihahandog din ng pari ang handog na butil niyon at ang handog na inumin niyon.

18 Ang Nazirita ay mag-aahit ng kanyang ulo ng pagkatalaga doon sa pintuan ng toldang tipanan at kanyang dadamputin ang buhok ng kanyang ulo ng pagkatalaga at ilalagay sa ibabaw ng apoy na nasa ilalim ng alay na handog pangkapayapaan.

19 At kukunin ng pari ang lutong balikat ng tupa, at isang munting tinapay na walang pampaalsa sa bakol, at isang manipis na tinapay na walang pampaalsa, at ilalagay sa mga kamay ng Nazirita, pagkatapos makapag-ahit ng buhok ng kanyang pagkatalaga.

20 Ang mga ito ay iwawagayway ng pari bilang handog na iwinagayway sa harapan ng Panginoon; ito'y banal sa pari, pati ang dibdib na iwinagayway at ang hitang inialay; at pagkatapos nito, ang Nazirita ay maaari nang uminom ng alak.

21 “Ito ang batas para sa Nazirita na nagpanata. Ang kanyang alay sa Panginoon ay magiging ayon sa kanyang panata bilang Nazirita, bukod pa sa kanyang nakayanan; ayon sa kanyang panata na kanyang ipinangako ay gayon niya dapat gawin, ayon sa batas para sa kanyang pagkabukod bilang isang Nazirita.”

Ang Basbas ng Pari sa mga Anak ni Israel

22 Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

23 “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak, ‘Sa ganitong paraan babasbasan ninyo ang mga anak ni Israel; sasabihin ninyo sa kanila:

24 Pagpalain ka nawa ng Panginoon at ingatan ka.

25 Paliwanagin nawa ng Panginoon ang kanyang mukha sa iyo, at mahabag sa iyo.

26 Ilingap nawa ng Panginoon ang kanyang mukha sa iyo, at bigyan ka ng kapayapaan.

27 Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel, at pagpapalain ko sila.”

Alay ng mga Pinuno

Nang araw na matapos itayo ni Moises ang tabernakulo, at mabuhusan ng langis at maitalaga, pati ang lahat ng kasangkapan niyon, ang dambana at ang lahat na kasangkapan niyon, at mabuhusan ng langis at maitalaga ang mga iyon,

ang mga pinuno ng Israel, ang mga pinuno ng mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno sa mga lipi, na mga namamahala roon sa nabilang ay naghandog.

Kanilang dinala ang kanilang handog sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labindalawang baka; isang kariton sa bawat dalawa sa mga pinuno, at sa bawat isa'y isang baka; at kanilang inihandog ang mga iyon sa harapan ng tabernakulo.

At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,

“Tanggapin mo ang mga ito mula sa kanila, upang ang mga ito'y magamit sa paglilingkod sa toldang tipanan, at ibigay mo sa mga Levita, sa bawat lalaki ang ayon sa kanya-kanyang paglilingkod.”

At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka at ibinigay sa mga Levita.

Dalawang kariton at apat na baka ang ibinigay niya sa mga anak ni Gershon, ayon sa kanilang paglilingkod.

Apat na kariton at walong baka ang kanyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak ng paring si Aaron.

Ngunit sa mga anak ni Kohat ay wala siyang ibinigay, sapagkat iniatas sa kanila ang pangangalaga sa mga banal na bagay na kailangang pasanin sa kanilang mga balikat.

10 Ang mga pinuno ay naghandog rin ng mga alay para sa pagtatalaga ng dambana nang araw na ito ay buhusan ng langis; ang mga pinuno ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.

11 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sila'y maghahandog ng kanilang alay, isang pinuno bawat araw para sa pagtatalaga ng dambana.”

12 At ang naghandog ng kanyang alay nang unang araw ay si Naashon na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda.

13 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na gawa sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo ayon sa siklo ng santuwaryo; parehong punô ng piling butil na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

14 isang gintong sandok na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso,

15 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

16 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

17 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang tupang lalaki, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Naashon na anak ni Aminadab.

18 Nang ikalawang araw, si Natanael na anak ni Suar, na pinuno ng Isacar ay naghandog.

19 Ang kanyang inihandog na alay ay isang pinggang yari sa pilak na ang bigat ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

20 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

21 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

22 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

23 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Natanael na anak ni Suar.

24 Nang ikatlong araw ay si Eliab na anak ni Helon, na pinuno sa mga anak ni Zebulon.

25 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo na parehong punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

26 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

27 isang batang toro, isang tupang lalaki, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

28 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

29 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang tupang lalaki, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.

30 Nang ikaapat na araw ay si Elisur na anak ni Sedeur, na pinuno sa mga anak ni Ruben.

31 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

32 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

33 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

34 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

35 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang tupang lalaki, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur.

36 Nang ikalimang araw ay si Selumiel na anak ni Zurishadai, na pinuno sa mga anak ni Simeon.

37 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na butil;

38 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

39 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

40 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

41 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurishadai.

42 Nang ikaanim na araw ay si Eliasaf na anak ni Deuel, na pinuno sa mga anak ni Gad.

43 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis bilang handog na butil;

44 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

45 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

46 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

47 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Eliasaf na anak ni Deuel.

48 Nang ikapitong araw ay si Elisama na anak ni Amihud, na pinuno sa mga anak ni Efraim.

49 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis bilang handog na butil;

50 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

51 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang na handog na sinusunog;

52 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

53 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Elisama na anak ni Amihud.

54 Nang ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur, na pinuno sa mga anak ni Manases.

55 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

56 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

57 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

58 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

59 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.

60 Nang ikasiyam na araw ay si Abidan, na anak ni Gideoni, na pinuno sa mga anak ni Benjamin.

61 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

62 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

63 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

64 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

65 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Abidan na anak ni Gideoni.

66 Nang ikasampung araw ay si Ahiezer na anak ni Amisadai, na pinuno sa mga anak ni Dan.

67 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

68 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

69 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

70 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

71 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Amisadai.

72 Nang ikalabing-isang araw ay si Pagiel na anak ni Ocran, na pinuno sa mga anak ni Aser.

73 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

74 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

75 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

76 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

77 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.

78 Nang ikalabindalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan, na pinuno sa mga anak ni Neftali.

79 Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;

80 isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;

81 isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;

82 isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.

83 At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.

84 Ito ang handog para sa pagtatalaga ng dambana nang araw na ito'y buhusan ng langis ng mga pinuno sa Israel: labindalawang pinggang pilak, labindalawang mangkok na yari sa pilak, labindalawang sandok na ginto,

85 na bawat pinggang yari sa pilak ay isandaan at tatlumpung siklo ang bigat, at bawat mangkok ay pitumpu. Lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apatnaraang siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo,

86 ang labindalawang sandok na yari sa ginto, punô ng insenso na ang bigat ay sampung siklo bawat isa, ayon sa siklo ng santuwaryo; lahat ng ginto ng mga sandok ay isandaan at dalawampung siklo.

87 Lahat ng mga baka na handog na sinusunog ay labindalawang toro, ang mga lalaking tupa ay labindalawa, ang mga korderong lalaki na isang taon ay labindalawa, at ang mga handog na harina niyon; at ang mga kambing na lalaki na handog pangkasalanan ay labindalawa.

88 Lahat ng mga baka na mga handog pangkapayapaan ay dalawampu't apat na toro, ang mga lalaking tupa ay animnapu, ang mga kambing na lalaki ay animnapu, ang mga korderong lalaki na isang taon ay animnapu. Ito ang alay para sa pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mabuhusan ito ng langis.

89 Nang si Moises ay pumasok sa toldang tipanan upang makipag-usap sa Panginoon, narinig niya ang tinig na nagsasalita sa kanya mula sa itaas ng trono ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang kerubin; gayon ito nagsalita sa kanya.

Marcos 12:38-13:13

Babala Laban sa mga Eskriba(A)

38 Sinabi niya sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga eskriba, na ibig magpalakad-lakad na may mahahabang damit, at batiin na may paggalang sa mga pamilihan.

39 At ibig nila ang pangunahing upuan sa mga sinagoga at ang mga upuang pandangal sa mga handaan.

40 Sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing balo at bilang pakitang-tao, nananalangin sila ng mahahaba. Ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.”

Ang Pagbibigay ng Babaing Balo(B)

41 Umupo siya sa tapat ng kabang-yaman at minasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi sa kabang-yaman. Maraming mayayaman ang naghuhulog ng malalaking halaga.

42 Dumating ang isang babaing balo at siya'y naghulog ng dalawang kusing na ang halaga'y halos isang pera.

43 Pinalapit niya sa kanya ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang dukhang balong ito ay naghulog ng higit kaysa lahat nang naghuhulog sa kabang-yaman.

44 Sapagkat silang lahat ay naghulog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit siya sa kanyang kasalatan ay inihulog ang lahat ng nasa kanya, ang kanyang buong kabuhayan.”

Ang tungkol sa Pagkawasak ng Templo(C)

13 Sa paglabas niya sa templo, sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad, “Guro, tingnan mo! Pagkalalaking mga bato, at pagkalalaking mga gusali!”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Nakikita mo ba ang malalaking gusaling ito? Walang matitira ditong isa mang bato sa ibabaw ng kapwa bato na hindi ibabagsak.”

Mga Kaguluhan at Pag-uusig na Darating(D)

Samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, tinanong siya nang lihim nina Pedro, Santiago, Juan, at Andres,

“Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang magiging tanda kapag malapit nang maganap ang lahat ng mga bagay na ito?”

Si Jesus ay nagsimulang magsabi sa kanila, “Mag-ingat kayo, na baka mailigaw kayo ng sinuman.

Maraming darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako siya!’ at maililigaw nila ang marami.

Subalit kapag nakarinig kayo ng mga digmaan at ng mga bali-balita ng mga digmaan, huwag kayong mabahala. Ang mga bagay na ito'y dapat mangyari ngunit hindi pa iyon ang wakas.

Sapagkat maghihimagsik ang bansa laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakaroon ng taggutom. Ang mga ito'y pasimula lamang ng paghihirap.

Ngunit(E) para sa inyong mga sarili, mag-ingat kayo; sapagkat kayo'y ibibigay nila sa mga Sanhedrin at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga. Kayo'y tatayo sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila.

10 At kailangan munang maipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng mga bansa.

11 Kapag kayo'y dinala nila sa paglilitis at kayo'y ipinadakip, huwag kayong mabalisa kung ano ang inyong sasabihin, ngunit sabihin ninyo ang anumang ipagkaloob sa inyo sa oras na iyon, sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.

12 Ipagkakanulo ng kapatid sa kamatayan ang kapatid at ng ama ang kanyang anak; at maghihimagsik ang mga anak laban sa mga magulang at sila'y ipapapatay.

13 Kayo(F) nama'y kapopootan ng lahat dahil sa aking pangalan, ngunit ang makapagtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

Mga Awit 49

Sa Punong Mang-aawit. Awit ng mga Anak ni Kora.

49 Pakinggan ninyo ito, kayong lahat na mga bayan!
    Pakinggan ninyo, kayong lahat na nananahan sa daigdig,
maging mababa at mataas,
    mayaman at dukha na magkakasama!
Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan;
    ang pagbubulay-bulay ng aking puso ay magiging pang-unawa.
Ikikiling ko ang aking pandinig sa isang kawikaan,
    ipapaliwanag ko sa tunog ng alpa ang aking palaisipan.

Bakit ako matatakot sa mga panahon nang kaguluhan,
    kapag pinaliligiran ako ng mga umuusig sa akin ng kasamaan,
mga taong nagtitiwala sa kanilang kayamanan,
    at ipinaghahambog ang kasaganaan ng kanilang mga kayamanan?
Tunay na sa anumang paraan ay walang taong makakatubos sa kanyang kapatid,
    ni ibigay sa Diyos ang kabayaran ng kanyang buhay.
Sapagkat ang pantubos sa kanyang kaluluwa ay mahal,
    at dapat siyang huminto magpakailanman,
na siya'y patuloy na mabuhay magpakailanman,
    na siya'y huwag makakita ng kabulukan.

10 Oo, makikita niya na maging mga pantas ay namamatay,
    ang mangmang at ang hangal ay parehong dapat mamatay
    at ang kanilang kayamanan sa iba'y iiwan.
11 Ang kanilang libingan ay kanilang mga tahanan magpakailanman,
    kanilang mga lugar na tirahan sa lahat ng salinlahi;
    tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
12 Ngunit ang tao'y hindi mananatili sa kanyang karangalan,
    siya'y gaya ng mga hayop na namamatay.

13 Ito ang daan noong mga hangal,
    at noong mga iba na pagkatapos nila ay sumasang-ayon sa kanilang salita. (Selah)

14 Gaya ng mga tupa ay para sa Sheol sila nakatalaga,
    ang kamatayan ay magiging pastol nila,
at ang kanilang kagandahan ay mapapasa sa Sheol upang matunaw,
    at ang kanilang anyo ay maaagnas;
    ang Sheol ang kanilang magiging tahanan.
15 Ngunit tutubusin ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa kapangyarihan ng Sheol,
    sapagkat ako'y tatanggapin niya. (Selah)

16 Huwag kang matakot kapag may yumaman,
    kapag ang kaluwalhatian ng kanyang bahay ay lumalago.
17 Sapagkat kapag siya'y namatay ay wala siyang madadala,
    ang kanyang kaluwalhatian ay hindi bababang kasunod niya.
18 Bagaman habang siya'y nabubuhay ay binabati niya ang kanyang sarili,
    at bagaman ang tao'y tumatanggap ng papuri kapag siya'y gumawa ng mabuti para sa sarili,
19 siya'y paroroon sa salinlahi ng kanyang mga magulang;
    na hindi sila makakakita ng liwanag kailanman.
20 Taong nasa karangalan, subalit hindi nakakaunawa,
    ay gaya ng mga hayop na namamatay.

Mga Kawikaan 10:27-28

27 Ang takot sa Panginoon ay nagpapahaba ng buhay,
    ngunit ang mga taon ng masama ay maiikli lamang.
28 Ang pag-asa ng matuwid ay hahantong sa kaligayahan,
    ngunit ang inaasam ng masama ay mapaparam.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001