Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Bilang 28:16-29:40

Ang Handog sa Paskuwa ng Panginoon(A)

16 Sa(B) ikalabing-apat na araw ng unang buwan ay paskuwa ng Panginoon.

17 Sa(C) ikalabinlimang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang pampaalsa.

18 Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain,

19 kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na handog na sinusunog: dalawang batang toro, isang lalaking tupa, pitong korderong lalaki na isang taong gulang, na walang kapintasan;

20 gayundin ang kanilang handog na butil na piling handog na harina na hinaluan ng langis, tatlong ikasampung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasampung bahagi para sa lalaking tupa;

21 at isang ikasampung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawat isa sa pitong kordero;

22 at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan upang ipantubos sa inyo.

23 Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na sinusunog sa umaga, bilang palagiang handog na sinusunog.

24 Sa ganitong paraan ninyo ihahandog araw-araw, sa loob ng pitong araw ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo sa Panginoon. Ihahandog ito bukod pa sa palagiang handog na sinusunog at sa inuming handog.

Mga Handog sa Pista ng mga Sanlinggo(D)

25 Sa ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain.

26 Gayundin sa araw ng mga unang bunga, sa paghahandog ninyo ng handog na bagong butil sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanlinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon, huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain,

27 kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na sinusunog na mabangong samyo sa Panginoon; dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong korderong lalaki na isang taong gulang.

28 Ang(E) handog na butil, na piling harina na hinaluan ng langis ay tatlong ikasampung bahagi para sa bawat toro, dalawang ikasampung bahagi sa isang lalaking tupa,

29 isang ikasampung bahagi sa bawat kordero para sa pitong kordero;

30 isang kambing na lalaki upang ipantubos sa inyo.

31 Bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, ay inyong ihahandog ang mga iyon kasama ang mga inuming handog. Ang mga ito ay dapat walang kapintasan.

Handog sa Pista ng mga Trumpeta(F)

29 Sa unang araw ng ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain. Ito ay araw para sa inyo na paghihip ng mga trumpeta.

Kayo'y maghahandog ng isang handog na sinusunog na mabangong samyo sa Panginoon, ng isang batang toro, isang lalaking tupa, pitong korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan.

Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina, na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasampung bahagi para sa toro, dalawang ikasampung bahagi para sa lalaking tupa,

at isang ikasampung bahagi para sa bawat kordero sa pitong kordero,

at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan upang ipantubos sa inyo,

bukod pa sa handog na sinusunog sa bagong buwan, at sa handog na butil niyon, at sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na butil niyon, at sa mga inuming handog niyon, ayon sa kanilang tuntunin na mabangong samyo na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

Mga Handog sa Araw ng Pagtubos(G)

At(H) sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon at inyong pahihirapan ang inyong mga kaluluwa, at huwag kayong gagawa ng anumang gawa,

kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na sinusunog na mabangong samyo; isang batang toro, isang tupang lalaki, pitong korderong lalaki na isang taong gulang, mga walang kapintasan para sa inyo.

Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasampung bahagi para sa toro, dalawang ikasampung bahagi para sa isang lalaking tupa,

10 isang ikasampung bahagi para sa bawat kordero sa pitong kordero;

11 isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan, bukod pa sa handog pangkasalanan na pantubos at sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil, at sa mga inuming handog ng mga iyon.

Mga Handog sa Pista ng mga Kubol(I)

12 Sa(J) ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain at mangingilin kayo sa loob ng pitong araw para sa Panginoon.

13 Maghahandog kayo ng isang handog na sinusunog, handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo para sa Panginoon: labintatlong batang toro, dalawang tupang lalaki, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang, na mga walang kapintasan.

14 Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina na hinaluan ng langis ay tatlong ikasampung bahagi ng efa para sa bawat toro sa labintatlong toro, dalawang ikasampung bahagi sa bawat lalaking tupa para sa dalawang lalaking tupa,

15 at isang ikasampung bahagi para sa bawat kordero sa labing-apat na kordero;

16 isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon at sa inuming handog niyon.

17 Sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labindalawang batang toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan.

18 Ang handog na harina ng mga iyon, at ang mga handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga iyon, alinsunod sa tuntunin;

19 isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil, at sa mga handog na inumin ng mga iyon.

20 Sa ikatlong araw ay labing-isang toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan,

21 handog na butil at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin,

22 at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, at sa handog na inumin niyon.

23 Sa ikaapat na araw ay sampung toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang na walang kapintasan,

24 handog na butil ng mga iyon at ang mga handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;

25 at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na butil niyon, at sa handog na inumin niyon.

26 Sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang na walang kapintasan,

27 kasama ang handog na butil at ang handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;

28 at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, at sa handog na inumin niyon.

29 At sa ikaanim na araw ay walong toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan,

30 kasama ang handog na butil at mga handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;

31 at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na butil niyon, at sa mga inuming handog niyon.

32 Sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawampung tupang lalaki, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan,

33 kasama ang handog na butil ng mga iyon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;

34 at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na butil niyon, at sa inuming handog niyon.

35 Sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng isang taimtim na pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain,

36 kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo sa Panginoon: isang toro, isang lalaking tupa, pitong korderong lalaki na isang taong gulang, walang kapintasan.

37 Ang handog na butil ng mga iyon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa tuntunin;

38 isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, at sa inuming handog niyon.

39 “Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga ipinangakong handog, at sa inyong mga kusang handog, para sa inyong mga handog na sinusunog, mga handog na butil, at mga inuming handog, at mga handog pangkapayapaan.

40 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Lucas 3:23-38

Ang mga Ninuno ni Jesus(A)

23 Si Jesus ay may gulang na tatlumpung taon nang magsimula sa kanyang gawain. Anak siya (ayon sa ipinalagay) ni Jose, ni Eli,

24 ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Janai, ni Jose,

25 ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nagai,

26 ni Maat, ni Matatias, ni Semein, ni Josec, ni Joda,

27 ni Joanan, ni Resa, ni Zerubabel, ni Salatiel, ni Neri,

28 ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmadam, ni Er,

29 ni Josue, ni Eliezer, ni Jorim, ni Matat, ni Levi,

30 ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonam, ni Eliakim,

31 ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David,

32 ni Jesse, ni Obed, ni Boaz, ni Salmon, ni Naason,

33 ni Aminadab, ni Admin, ni Arni, ni Hesrom, ni Perez, ni Juda,

34 ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Terah, ni Nahor,

35 ni Serug, ni Reu, ni Peleg, ni Eber, ni Sala,

36 ni Cainan, ni Arfaxad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec,

37 ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,

38 ni Enos, ni Set, ni Adan, ng Diyos.

Mga Awit 62

Sa Punong Mang-aawit: ayon kay Jedutun. Awit ni David.

62 Sa Diyos lamang naghihintay nang tahimik ang aking kaluluwa;
    ang aking kaligtasan ay nanggagaling sa kanya.
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan,
    ang aking muog; hindi ako lubhang matitinag.

Hanggang kailan kayo magtatangka laban sa isang tao,
    upang patayin siya, ninyong lahat,
    gaya ng pader na nakahilig, o bakod na nabubuwal?
Sila'y nagbabalak lamang upang ibagsak siya sa kanyang kadakilaan.
    Sila'y nasisiyahan sa mga kasinungalingan.
Sila'y nagpupuri ng bibig nila,
    ngunit sa kalooban sila'y nanunumpa. (Selah)

Sa Diyos lamang naghihintay nang tahimik ang aking kaluluwa,
    sapagkat ang aking pag-asa ay mula sa kanya.
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan,
    ang aking muog, hindi ako mayayanig.
Nasa Diyos ang aking kaligtasan at aking karangalan;
    ang aking makapangyarihang bato, ang Diyos ang aking kanlungan.

Magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng panahon, O bayan;
    ibuhos ninyo ang inyong puso sa kanyang harapan;
    para sa atin, ang Diyos ay kanlungan. (Selah)

Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan,
    ang mga taong may mataas na kalagayan ay kasinungalingan;
sumasampa sila sa mga timbangan;
    silang magkakasama ay higit na magaan kaysa hininga.
10 Sa pangingikil ay huwag kang magtiwala,
    sa walang kabuluhang pagnanakaw ay huwag kang umasa;
    kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong ilagak doon ang inyong puso.

11 Ang Diyos ay nagsalitang minsan,
    dalawang ulit kong narinig ito:
na ang kapangyarihan ay sa Diyos;
12     at(A) sa iyo, O Panginoon, ang tapat na pag-ibig,
sapagkat ginagantihan mo ang tao ayon sa kanyang gawa.

Mga Kawikaan 11:18-19

18 Napapalâ ng masama ay madayang kabayaran,
    ngunit ang naghahasik ng katuwiran ay tiyak na gantimpala ang kakamtan.
19 Siyang matatag sa katuwiran ay mabubuhay,
    ngunit ang humahabol sa kasamaan ay mamamatay.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001