Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Bilang 26:1-51

Muling Binilang ang mga Anak ni Israel

26 At nangyari, pagkatapos(A) ng salot, nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ng paring si Aaron, na sinasabi,

“Bilangin mo ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel mula sa dalawampung taong gulang pataas ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ang lahat sa Israel na may kakayahang makipagdigma.

Si Moises at ang paring si Eleazar ay nakipag-usap sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,

“Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawampung taong gulang pataas; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. Ang mga anak ni Israel na umalis sa lupain ng Ehipto ay ang mga ito:

Si Ruben, ang panganay ni Israel. Ang mga anak ni Ruben: kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Fallu, ang angkan ng mga Falluita;

kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita.

Ito ang mga angkan ng mga Rubenita at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't tatlong libo pitong daan at tatlumpu.

Ang mga anak ni Fallu: si Eliab.

Ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan, at Abiram. Ito ang Datan at Abiram na pinili mula sa kapulungan na siyang naghimagsik laban kay Moises at laban kay Aaron sa pangkat ni Kora nang sila'y naghimagsik laban sa Panginoon.

10 At ibinuka ng lupa ang kanyang bibig, at nilamon sila pati si Kora. Nang mamatay ang pangkat na iyon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawandaan at limampung tao, at sila'y naging isang babala.

11 Gayunma'y hindi namatay ang mga anak ni Kora.

12 Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan: kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita; kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita; kay Jakin, ang angkan ng mga Jakinita;

13 kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Shaul, ang angkan ng mga Shaulita.

14 Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawampu't dalawang libo at dalawandaan.

15 Ang mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan: kay Zefon, ang angkan ng mga Zefonita; kay Hagui, ang angkan ng mga Haguita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita;

16 kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita;

17 kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita.

18 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nabilang sa kanila, apatnapung libo at limang daan.

19 Ang mga anak ni Juda ay sina Er at Onan. Sina Er at Onan ay namatay sa lupain ng Canaan.

20 Ang mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan: kay Shela, ang angkan ng mga Shelaita; kay Perez, ang angkan ng mga Perezita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita.

21 At ang mga naging anak ni Perez: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita.

22 Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nabilang sa kanila, pitumpu't anim na libo at limang daan.

23 Ang mga anak ni Isacar ayon sa kanilang mga angkan: kay Tola, ang angkan ng mga Tolaita; kay Pua, ang angkan ng mga Puanita;

24 kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita; kay Simron, ang angkan ng mga Simronita.

25 Ito ang mga angkan ni Isacar ayon sa nabilang sa kanila, animnapu't apat na libo at tatlong daan.

26 Ang mga anak ni Zebulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita; kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita.

27 Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nabilang sa kanila, animnapung libo at limang daan.

28 Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: sina Manases at Efraim.

29 Ang mga anak ni Manases: kay Makir, ang angkan ng mga Makirita; at naging anak ni Makir si Gilead; kay Gilead, ang angkan ng mga Gileadita.

30 Ito ang mga anak ni Gilead: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita; kay Helec, ang angkan ng mga Helecita;

31 kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita; kay Shekem, ang angkan ng mga Shekemita;

32 kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita; at kay Hefer, ang angkan ng mga Heferita.

33 Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagkaanak ng lalaki, kundi mga babae. Ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Zelofehad ay Mahla, Noa, Hogla, Milca, at Tirsa.

34 Ito ang mga angkan ni Manases, at ang nabilang sa kanila ay limampu't dalawang libo at pitong daan.

35 Ito ang mga anak ni Efraim ayon sa kanilang mga angkan: kay Shutela, ang angkan ng mga Shutelaita; kay Beker, ang angkan ng mga Bekerita; kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita.

36 Ito ang mga anak ni Shutela: kay Heran, ang angkan ng mga Heranita.

37 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Efraim ayon sa nabilang sa kanila, tatlumpu't dalawang libo at limang daan. Ito ang mga anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.

38 Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita; kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita; kay Ahiram, ang angkan ng mga Ahiramita;

39 kay Sufam ang angkan ng mga Sufamita; kay Hufam, ang angkan ng mga Hufamita.

40 Ang mga anak ni Bela ay sina Ard at Naaman. Mula kay Ard, ang angkan ng mga Ardita; kay Naaman, ang angkan ng mga Naamanita.

41 Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't limang libo at animnaraan.

42 Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan: kay Suham, ang angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.

43 Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita, ayon sa nabilang sa kanila, ay animnapu't apat na libo at apatnaraan.

44 Ang mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan: kay Imna, ang angkan ng mga Imnaita; kay Isui, ang angkan ng mga Isuita; kay Beriah, ang angkan ng mga Beriahita.

45 Sa mga anak ni Beriah: kay Eber, ang angkan ng mga Eberita; kay Malkiel, ang angkan ng mga Malkielita.

46 At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay Sera.

47 Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nabilang sa kanila, limampu't tatlong libo at apatnaraan.

48 Ang mga anak ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan: kay Jahzeel, ang angkan ng mga Jahzeelita; kay Guni, ang angkan ng mga Gunita.

49 Kay Jeser, ang angkan ng mga Jeserita; kay Shilem, ang angkan ng mga Shilemita.

50 Ito ang mga angkan ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't limang libo at apatnaraan.

51 Ito ang bilang sa angkan ni Israel, animnaraan isang libo at pitong daan at tatlumpu.

Lucas 2:36-52

36 Mayroong isang babaing propeta, si Ana na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Siya ay napakatanda na at may pitong taong namuhay na kasama ng kanyang asawa mula nang sila ay ikasal,

37 at bilang isang balo hanggang walumpu't apat na taong gulang. Hindi siya umalis sa templo kundi sumamba roon na may pag-aayuno at panalangin sa gabi at araw.

38 Pagdating niya sa oras ding iyon, siya'y nagpasalamat sa Diyos at nagsalita nang tungkol sa sanggol[a] sa lahat ng naghihintay para sa katubusan ng Jerusalem.

Ang Pagbabalik sa Nazaret

39 Nang(A) magampanan na nila ang lahat ng mga bagay ayon sa kautusan ng Panginoon, bumalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayang Nazaret.

40 At lumaki ang bata, lumakas, napuno ng karunungan, at sumasakanya ang biyaya ng Diyos.

Ang Batang si Jesus sa Templo

41 Noon,(B) taun-taon ay nagtutungo ang kanyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng Paskuwa.

42 Nang siya'y labindalawang taon na, umahon sila ayon sa kaugalian patungo sa kapistahan.

43 Nang matapos na ang kapistahan, sa pagbabalik nila ay nanatili ang batang si Jesus sa Jerusalem, ngunit hindi ito alam ng kanyang mga magulang.

44 Ngunit sa pag-aakala nilang siya'y kasama ng mga manlalakbay, nagpatuloy sila ng isang araw na paglalakbay. Pagkatapos ay kanilang hinahanap siya sa mga kamag-anak at mga kakilala,

45 at nang di nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem upang hanapin siya.

46 Pagkalipas ng tatlong araw, kanilang natagpuan siya sa templo na nakaupo sa gitna ng mga guro na nakikinig at nagtatanong sa kanila.

47 Ang lahat ng nakikinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan at sa kanyang mga sagot.

48 Nang siya'y makita nila ay nagtaka sila at sinabi sa kanya ng kanyang ina, “Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganito? Tingnan mo, ang iyong ama at ako ay naghahanap sa iyo na may pag-aalala.”

49 Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”[b]

50 At hindi nila naunawaan ang salitang sinabi niya sa kanila.

51 Umuwi siyang kasama nila, at dumating sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Iningatan ng kanyang ina ang mga bagay na ito sa kanyang puso.

52 Lumago(C) si Jesus sa karunungan, sa pangangatawan, at naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

Mga Awit 60

Sa(A) Punong Mang-aawit: ayon sa Shushan Eduth. Miktam ni David; para sa pagtuturo; nang siya ay makipaglaban kay Aramharain at Aram-zobah, at nang patayin ni Joab sa kanyang pagbabalik ang 12,000 Edomita sa Libis ng Asin.

60 O Diyos, kami ay iyong tinalikuran, winasak mo kami.
    Ikaw ay nagalit; O ibalik mo kami.
Iyong niyanig ang lupain, iyong ibinuka;
    kumpunihin mo ang mga sira niyon, sapagkat ito'y umuuga.
Pinaranas mo ng mahihirap na mga bagay ang iyong bayan;
    binigyan mo kami ng alak na inumin na nagpasuray sa amin.

Naglagay ka ng watawat para sa mga natatakot sa iyo,
    upang ito'y mailantad dahil sa katotohanan. (Selah)

Upang ang iyong minamahal ay mailigtas,
    bigyan ng tagumpay sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo kami.

Nagsalita ang Diyos sa kanyang santuwaryo,
    “Ako'y magsasaya, aking hahatiin ang Shekem,
    at aking susukatin ang Libis ng Sucot.
Ang Gilead ay akin, ang Manases ay akin;
    ang Efraim din ay helmet ng ulo ko,
    ang Juda ay aking setro.
Ang Moab ay aking hugasan;
    sa Edom ay ihahagis ko ang aking sandalyas;
    Filistia, dahil sa akin, sumigaw ka ng malakas.”
Sinong magdadala sa akin sa lunsod na may kuta?
    Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 Hindi mo ba kami tinalikuran, O Diyos?
    At hindi ka ba hahayo, O Diyos, na kasama ng aming mga hukbo?
11 O pagkalooban mo kami ng tulong laban sa kaaway,
    sapagkat walang kabuluhan ang tulong ng tao!
12 Kasama ng Diyos ay gagawa kaming may katapangan;
    sapagkat siya ang tatapak sa aming mga kaaway.

Mga Kawikaan 11:15

15 Siyang nananagot sa di-kilala, sa gusot ay malalagay;
    ngunit siyang namumuhi sa pananagot ay tiwasay.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001